KABANATA 3

25 2 0
                                    

"Nagsimula ang giyera o world war two noong salakayin ng nga hapon at bombahin ang Pearl Harbor sa Hawaii noong December seven 1941"



Binabasa ko ngayon ang papel na binigay ni Prof. Terso. Two pages lang ito, pero kaagad na napataas ang kilay ko ng mabasa ang kauna-unahang sentence. Argh! Seryoso pag-aaralan namin ang World War 2 habang nasa byahe kami!


"Torture, gutom, death march at pagpapahirap sa mga tao ang kadalasang isinasaloob sa taon ng ikalawang pandigmaang pandaigdig sa panahon kung saan sinakop tayo ng mga hapon". Panimula ni Prof. Terso. Itinupi ko na lang ang papel na ibinigay niya at kaagad na isinuksok ito sa bag ko. Wala akong balak magbasa lalo na kung nasa byahe, naliliyo kasi ako at isa pa tinatamad rin ako.



"Ang goal ng fieldtrip natin ay makakuha tayo ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Do you know na mahalaga ang history?" Narinig ko pa na sabi ni Prof. Napatingala naman ako sa kaniya. Napaturo pa ako sa sarili ko pero isang matalim na tingin lang ang pinukol niya sa'kin.



So ako pala ang tinatanong niya?


"Ms. Sagrado, alam kong matalino ka pagdating sa ibang subjects pero pagdating sa History...." Napailing-iling ito.


"Bakit ba halos lahat ng kabataan ay iwas na iwas pagdating sa History? Hindi masamang pag-aralan ang history dahil ito ay bahagi ng ating kasaysayan. Alam niyo ba kung hindi sila nakipaglaban at sumugod sa gera...malamang na hindi pa tayo nakakalaya sa mga bansang nananakop sa'tin" nakakuno't noong paliwanag nito. Napaiwas na lang ako ng tingin.Sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nitong matandang to!



"Professor kaya lang naman po ayaw namin ng history kasi nakakaantok kapag binabalikan ang mga nakaraan" biro ni Brandon. Tsk! Pasaway talaga!


"Sige papayagan kitang matulog sa oras ng discussion ko pero bagsak ka! Hindi ka nga pumapasok sa klase ko dahil parayi kayong cutting ni Thalia tapos kung makareklamo ka ay parang pagod ka ng makinig sa'kin. Mr. Perez...ang gusto ko lang namannay matuto kayo at magpahalaga sa historiya ng Pilipinas. Gusto kong malaman niyo kung anong hirap ang pinagdaanan nila para lang ipagtanggol ang bansa natin" sermon nito. Pati tuloy ako nadamay sa kagaguhan ni Brandon.


Hay naku Professor...mapapanis lang ang laway niyo kaka-explain sa'min e alam niyo namang pumapasok sa tenga nila ang lesson niyo lumalabas naman sa kabila. Hays!


Tatlong Van ang inarkila nila kasi hindi kami kasya. Ang kasama ko ngayon ay sina Brandon, at dalawang professor---si Prof. Terso at Prof. Annie. Walo lang kami sa loob kasama na ang driver.


Papunta daw kami ngayon sa Quezon Province sa Tayabas, Quezon. Pero bago daw yun, dadaan muna kami sa Sariaya, Quezon. Hindi ko alam kung bakit sa probinsya kami magfi-fieldtrip, mukhang boring naman! Kaasar!








"Narito na tayo, tandaan nyo ang mahalaga kong bilin" bilin ni Prof. Terso. Tumango na lang naman kami.


Nakita ko naman na lumabas na sila ng Van maging si Brandon. Wala na akong choice kundi bumaba na lang. Gusto ko lang naman makatakas kina Ina'y at kay Kuya Edrian para hindi nila ako pilitin at isa pa kinakailangan ko talagang sumama dito para sa grades kahit labag sa loob ko dahil gastos lang ito at tungkol pa sa History! Gusto ko kasing makatapos kahit papaano at isa pa baka matanggal ako sa scholarship lalo na akong naghirap. Tsk!




"Everyone! Siya si Mrs. Gina. Siya ang incharge para igala tayo sa loob ng Enriquez Mansion" announce ni Sir Terso pero no pakels lang ako sa gilid.




Iniuli ko ang aking paningin. Kulay white and red ang theme ng bahay na ito. Malaki at malawak rin. May third floor ito at full semento. May malaking garden rin at may malaking gate sa harap at tabing kalsada lang.



Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now