KABANATA 18

12 1 0
                                    

"Ate Ada!!" Sigaw ko dahil natatakot ako. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang sweet dance na tugtugin. Bigla naman akong napapikit ng magliwanag ang paligid.

"Natakot ka ba Binibini?" Isang baritonong boses ang aking naulinigan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at kaagad na bumungad sa'kin ang isang pulang rosas. Pinagkatitigan ko ito at unti-unting luminaw ang aking paningin sa lalaking nag aabot nito sa'kin ngayon. Si Lorenzo!

"Hindi naman ako natakot ng sobra" nakangiti kong sabi dito. Kaaagad na inabot ko ang rosas at napahawak ako saking batok. Shocks! Ang init ng pisngi ko. Napayuko na lang ako dahil natatakot akong makita niya na kinikilig ako.

"Binibini, maaari ba kitang maisayaw?" Biglang lumakas ang tibok ng aking puso at automatic na napatingin dito. Nakalahad na ang kaniyang palad saking haraparan at todo-todo ang ngiti niya. Natutunaw ako kapag nakatitig siya ng ganiyan.

Marahan kong inabot ang aking kamay sa kaniyang palad. Nang magtama ang aming mga palad ay nakaramdam ako ng libo-libong boltahe ng kuryente na siyang ikinahina ko. Inalalayan niya akong pumunta sa gitna.

Napatitig ako sa maamo niyang mukha. He's so perfect! Yun lang ang masasabi ko. Napakaamo ng kaniyang mata, napakatangos ng kaniyang ilong at talagang nakaka akit ang kaniyang mga ngiti. Marahan niyang inilagay sa kaniyang balikat ang aking kamay. Napangiti ako ng mahawakan ko siya. Sobrang saya ng puso ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ang aking dahilan.

Sobrang lapit ng mukha niya saking mukha at halos maamoy ko na ang mabango niyang hininga. Infairness kahit hindi pa uso ang mouthwash ay talagang mabango ang kaniyang hininga. Nagulat ako ng unti-unti kong naramdaman ang kaniyang dalawang kamay saking baywang. Sobrang init ng kaniyang palad na siyang mas lalong ikinaalma ng puso ko. Parang may mga dagang naglalaro saking dibdib at may mga paru-parong nagliliparan saking tiyan.

"Mahal mo na ba ako?" Bigla akong natauhan sa tinanong niya. Naoataas ang aking kilay.

"Hindi pa noh!" Pagsusungit ko dito. Napangiti naman ito kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Hindi pa? Ibigsabihin may pag-asa talaga ako, dine-deny mo lang" hirit pa nito. Napaerap ako. Nakita ko naman na nakatitig ito sakin kaya marahan ko siyang hinampas sa balikat.

"Ano ba! Huwag kang makatitig ng ganiyan baka matunaw na ako!" Reklamo ko naman. Napangiti ito kaya napatawa narin ako ng palihim. Ang lakas nito mang asar.

"Hindi ako naniniwala na wala akong puwang sa puso mo" umiiling at nakangising sabi nito. Suminghot pa ito ng kaunti at napalingon pa sa gilid.
Napatawa naman lalo ako ng mahina dahil napaka assuming talaga nito.

"Edi wag kang maniwala" kibit balikat kong sabi. Naramdaman ko naman na medyo humigpit ang paghawak niya sa bewang ko kaya napatingin ako ng pasimple sa kaniyang kamay. My ghwadd! Maloloko na ako sa paghawak niya saking bewang!

"Kung ganun..." Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Bakit ang tubig na ibinibigay ko ang mas pinili mo kaysa sa taong nagpatibok ng puso mo dati?" Bulong nito na siyang ikina-kiliti ko saking leeg. Nilalandi niya ba ako?

"Kasi ayoko pong mag assume si Gabriel na napatawad ko na siya at isa pa po ikaw po ang fiancé ko" hirit ko naman. Napakuno't noo naman ito at binigyan ako ng sigirado-ka-look? Tumango naman ako at marahan na ngumiti.

"Fiancé? It means, payag ka na sating kasal?" Hinampas ko ulit siya ng mahina sa dibdib.

"Hoy, ikaw! Wag mong kalimutan yung kasunduan natin! Yung tigil oplan kasal! Walang ibang meaning yun, wag mo lagyan ng malisya!" Mahina kong sabi dito. Napangisi naman ito at tumango-tango.

Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now