KABANATA 19

14 2 0
                                    

Nakatitig ako sa labas ng bintana mula sa kwarto namin. Iniisip ko parin ang mga sinabi ni Punong Madre Maria. Ano kayang tinutukoy niya? Nagulat naman ako ng pumasok si Ate Ada.

"Nathalia, ito na ang pagkakataon para kausapin mo si Cacelia, kararating niya lang kanina. Naroroon siya sa panglimang kwarto sa dulo" sabi ni Ate Ada. Napaisip naman ako. Whutt?


"Naririto rin si Cecelia?Mag mamadre rin siya?" Gulat na tanong ko dito. Tumango naman ito ng marahan.


"Si Cecelia lang muna ang nakauwi pagka't dinalaw muna ni Mathilda ang puntod ng Lolo at Lola niya. Ngunit mamayang gabi ay siguradong darating na siya" sagot nito.

"Ahh..wala naman akong oake kay Mathilda pero kay Cecelia..bakit daw siya mag mamadre? Ang ganda ganda niya tapos mag mamadre lang siya?" umiiling na sambit ko dito. Nakakapanghinayang ang ganda. Hindi man lang siya mag aasawa. Tsk!



"Kung iyon ang kagustuhan niya, bakit hindi? Sige na kausapin mo na siya. Ihingi mo narin ako ng pasensya" tugon nito. Napakuno't noo naman ako dito.




"Pero teka? Bakit ko nga ba kakausapin si Cecelia, e kakikita ko pa lang naman kagabi sa kaniya ah?" Nakataas-kilay kong tanong muli. Lumapit naman sa'kin si Ate Ada at kaaagad na pinaupo ako sa kama katabi niya.



"Nathalia, nakalimutan mo na ba? Liban kay Clara ay naghahangad rin si Cecelia kay Ginoong Lorenzo. Alam na niya ang tungkol sa kasal niyo kaya tiyak na may tampo siya sa'yo" napaawang naman ang aking bibig at napakuno't noo.



"Ano?!" Tanging naging sagot ko dito. Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako saming mga kamay na ngayon ay magkahawak kamay na.



"Nathalia, matalik na magkaibigan kayo ni Cecelia kaya tiyak na alam mo ito. Umuwi siya pagka't nakapag-isip-isip na siyang hilingin sa kaniyang Ama na ipakasal siya kay Ginoong Lorenzo gaya ng ginawa ni Clara ngunit....ito ang nadatnan niya. Narinig niya ang masamang balita ngunit hindi siya naniwala hanggang sa inamin sa'kin kagabi ni Clara na si Ginoong Lorenzo na mismo ang nagsabi tungkol sa kasunduang kasal ninyo. Labis-labis ang lungkot ni Cecelia nang maka-usap ko siya" malungkot na paliwanag nito.





Nanatili lamang akong nakikinig dahil hindi ako makapaniwalang may dalawang magandang babae ang nag hahangad na maoangasawa si Lorenzo. Ano bang meron kay Lorenzo at msging si Nathalia ay bsliw na baliw dito at nsgawa pang msgtaksil sa kaniyang kapatid! Hays!



"Sinubukan kong magpaliwanag na biglaan lang ang lahat ngunit hindi siya nakinig sa'kin. Sinabi niya rin kagabi na buo narin ang kaniyang desisyon na mag mamadre na siya upang pag tuunan ng pansin ang iba pang mga bagay-bagay. Pati tuloy ngayon ay may tampo siya sa'kin pagka't batid ko ang nararamdaman niya para kay Lorenzo ngunit mas pinili ko paring huwag tumutol sa inyo dahil kapatid kita....at ayaw kong magkawalay kayo dahil alam kong mahal niyo ang isa't-isa" dagdag pa nito.


Bigla namang pumitik ang sintido ko kaya kaagad na hinilot ko ito. Grabe! Mas malala pa pala ito sa problema ko sa hinaharap! May magaganap na ngang patayan, may magaganap pang selosan! Akala ko si Ate Clara lang ang problema ko yun pala pati si Cecelia! Nakaka-istress sila! My gwhadd!

"S-sige kakausapin ko siya Ate Ada. Grabe ako yung na-iistress sa kanilang apat nina Nathalia! Love square ba naman!" Kaaagad na tumayo ako at lumabas ng pinto. Kaya siguro nag bago ang expression ng mukha ni Ceceli kagabi dahil nalaman niyang malapit na kami ikasal. Paano ko nga ba ito lulutasan kung nakapamigay na ng imbitasyon! At ano pa lang sasabihin ko kay Cecelia ngayon! Maipapaliwanag ko kaya ng ayos?



Bigla ko namang naalala na kapatid niya nga pala ang bruhang Mathilda na sumampal sakin noon. Naiinis ako kapag naiisip ko ang halimaw na pangalan na yun! Kumukulo ang aking dugo at kulang na lang ay ilagay ang noodles para maging spaghetti! Arh!


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now