KABANATA 14

13 1 0
                                    

"Ina dito po ba kayo isinilang, sa bayan na ito?" Tanong ni Juana. Maaga kaming umalis ng bahay. Kasalukuyan namang nakasakay kami sa kotse habang tinatanawan ang ganda ng view sa bintana.



Hindi naman namin kasama si Ama dahil palagi itong busy sa kaniyang trabaho. Ang sabi ni Ina may pupuntahan ito ngayong araw kasama ng iba pang mga opisyal sa bayan na ito. Kasama namin si Luningning pero nasa unahan siya nakaupo sa tabi ni Ginoong Pier.

"Tama ka Juana. Naririto rin ang ating mga kamag-anak. Kay tagal ko naring hindi nakakadalaw dito. Mabuti na nga lang wala tayong gagawin kaya naisipan kong magbakasyon muna tayo dito ng tatlong araw" tugon ni Ina. Bigla naman akong kinabahan.


Magbabakasyon pala kami ng tatlong araw dito at ibig sabihin lang nun makakakilala na naman ako ng panibagong tao. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na ako ang itinakdang magpakasal kay Lorenzo. Hindi ko parin maintindihan kung bakit biglang nag kaganito ang sitwasyon. Tuloy ngayon mas dumami pa ang problema ko
Nakakainis!

"Tingnan mo Nathalia, ang ganda ng tanawin. Ang ganda ng bundok!" nakangiting sabi ni Ate Ada sa'kin at itinuro ito kaya sumilip pa lalo ako sa bintana. Ganun rin ang ginawa ni Juana.

Napaawang naman ang aking bibig ng makita ang napakalaking bundok at malawak na lupain. Sobrang presko ng hangin at sakto lang ang init ng panahon. Wala na kaming ginawa nina Ate Ada, at Juana kundi ang pagmasdan ang nag gagandahang tanawin. Habang si Ate Clara naman ay tulog buong byahe. Hays!



Makalipas ang ilang oras, hapon na kami nakarating sa mismong bahay ng kamag-anak nila.Nagulat naman ako ng sumalubong samin ang isang matandang babae at dalawang dalagita.

"Haloy na kitang dai naghilingan!"(Matagal din tayong hindi nagkita!)" Bungad ng matanda sabay yakap kay Ina ng mahigpit. Ano daw? Anong lenggwahe yun!

"Ate Mercedes ang aking mga anak. Ang aking panganay..si Ada, pangalawa si Clara, patatlo si Nathalia at ang bunso...si Juana" pakilala ni Ina samin. Yumakap at nagmano ang tatlong kapatid ni Nathalia. Hindi ko naman alam kung paano ako magmamano gayong nahihiya ako at isa pa hindi ko siya kilala.

"Nathalia hija, halos tatlong taon pa lamang kita ng masilayan nung huling nagpasyal kayo rito" napalunok naman ako at ngumiti. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, ako na naman ang napansin!

"Halika, yakapin mo ang iyong Tiya Mercedes" inalalayan ako ni Ina at pinalapit kay Tiya.

Diyos ko wag sana silang magtanong ng kung ano-ano. Kaagad na niyakap ko siya at nagmano. Nakakatuwa naman uso pa pala dito ang pagmamano sa nakatatanda. Sa modern world kasi puro beso at shakehands lang ang kadalasang ginagawa ng mga mayayaman. Pero ang Enriquez Family ay talagang marespeto sa iba at pinahahalagahan ang mga tradisyon ng mga Pilipino.


"Maugmang Pagdatong sa Bikol aking mga pamangkin" halos malaglag naman ang aking panga dahil sa sinabi nito matapos kong magmano. ANO! Nasa BIKOL pala kami!

"Tayo na sa loob. Ada, Clara naririrto ang inyong pinsan na sina Belinda at Pining" dagdag pa ni Tiya Mercedes. Kaagad naman na lumapit ang dalawang dalaga at niyakap sina Ate. Nagkatinginan naman kami ni Juana.

Sigurado hindi niya rin kilala ang mga ito dahil sabi nga nila tatlong taon pa lang ako ng huling bumisita kami dito...it means hindi pa naisisilang si Juana.

"Tara na sa loob. Makikilala niyo rin ang isa't-isa" bulong ni Ina sa'min at inakbayan kaming dalawa ni Juana.

Ok lang naman sa'kin kahit hindi ko na sila makilala dahil hindi naman ako interesado at isa pa natatakot ako dahil baka magtanong sila ng magtanong. Hays!

Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now