KABANATA 13

17 1 0
                                    

"Hehe! Pwede ko bang mahiram saglit si Joselito?" Paalam ko kay Ligaya. Tumango naman ito. Halatang nagtataka na sila sa ikinikilos ko pero no choice kailangan kong pigilan ang batang 'to!




Kahit ayaw ni Joselito, binulungan ko siyang sumunod sa'kin. At hindi naman siya tumanggi kaya dinala ko siya sa likod bahay kung saan nakagarahe ang kotse.




"Hoy! Ikaw! Talaga bang---Argh!" Nanggigigil na sabi ko.



Nakatingin lang naman ito. Hindi ko naman siya pwede sungitan, baka masira ang image ni Nathalia sa panahon na ito ako pa ang may kargo de konsensya. Nagpauli-uli ako habang iniisip kung paano ko siya mapapatahimik para di niya ako isumbong.


"Binibi---" hindi niya natapos kasi hinawakan ko ang kaniyang balikat. Lumaki naman ang kaniyang mata.



"Joselito pwede ba ako humingi ng pabor?" Deretso kong sabi. Tumango naman ito pero poker face parin.



"Pwede bang huwag mo akong isumbong? Ano kasi..teka paano ko ba ipapaliwanag...ahm..ganito kasi yun..." Binulong ko na lang ang reason ko. Nanlaki naman ang mata niya.



"Totoo ba Binibini? Akala ko ba ay wala----" hindi niya ulit natapos kasi inuhan ko na. Ang dami naman niyang tanong! Nakakinis!



"Basta...pwede bang huwag mo na ako isumbong? Please?" Sabi ko pa at nagpacute ako ng mata. Nag blink..blink lang ako sa harap niya pero poker face parin siya. What the!



"Marunong ka pala magsalita ng Ingles Binibini. Sige kung iyan ang gusto mo pero sa isang kondisyon" seryosong sabi nito. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya.



"Payag kaba sa kondisyon?" Sabi nito. Whutt? Nakakatawa siya.



"Ha? Wala ka pangang sinasabing kondisyon tinatanong mona kung payag ako?" Natatawa kong sabi. Tumikhim naman siya. Mukhang napahiya ang batang Villamonte. Haha!



"Paumanhin. Ang kondiyon ko ay...pwede bang sabihin mo sa'kin ang ngalan ng kasama mo noong gabing iyun?" Parang medyo nahihiya pa siya sa lagay nayan. Inisip ko naman kung sinong tinutukoy niya.



"Ah! Si Luningning ba?" Sabi ko sa tono na para bang sumali ako sa quiz bee dahil feel ko ang galing ko manghula ng sagot. Haha!



Tumango naman ito at tumingin-tingin sa paligid.




"Lunungning pala ang pangalan niya. Kay gandang pangalan..." Napatingin siya sakin at tumikhim muli.



"Ano? May sinasabi kaba?" Sabi ko. Hindi ko kasi gasinong gets e, medyo mahina ang pagkakasabi niya. Hays!


"Wala...ang ibig kong sabihin ay kung ang gusto mong huwag kitang isumbong...siguraduhin mo lang Binibini na aalagaan mo ng lubusan ang aking Kuya Lorenzo" taas noong sabi nito. Whutt? Bakit napasama na naman ang lalaking yan?! Argh!



"Ok sige. Fine. Basta quits na tayo!" Sabi ko pa at nakipag shake hands ako.




Nagulat naman siya sa ginawa ko. Nagtaka naman ako ng ilagay niya ang dalawang kamay sa kaniyang likod at nagbow sakin. Nauna na naman siyang maglakad. Hays! Parang matanda kung makipag-usap! Mabuti na lang at solved na ako sa kaso ko lay Joselito, napaniwala ko siya sa palusot ko kahit wala namang kakwenta-kwenta. Hays!


"Inakala ko kasing banyo ang kwarto niya. Aalis na sana ako kaso bigla siyang pumasok kaya nagtago ako tapos ayun sa taranta, tumalon ako"--Ako




Teka? Bakit niya tinanong ang name ni Luningning? Parang may naamoy akong something sa kanilang dalawa! Yieee!!






Bumalik na ako sa harapan. Nakita ko naman at natanawan sina Ada, Juana at Ligaya. Naroroon narin si Joselito. Nagulat naman ako ng lumabas si Luningning.


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now