KABANATA 22- ANG PAGTATAKSIL

16 1 1
                                    

Napayuko kami pare-parehas ng may marinig kaming malakas na pagsabog. Bigla akong nanlamig at natuod saking kinatatayuan. Sa pagkawari ko'y nanggaling ang malakas na pagsabog sa kubong aming tinutuluyan.





Wag sanang mapahamak si Lorenzo at ang iba pa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'king minamahal lalo pa't iniwan ko siyang nag-iisang sinasagupa ang mga hapon.





"Tayo na Señorita! Bilisan niyo! Ano pang ginagawa niyo?!" Sigaw sa'kin ni Aling Myrna na pumukaw sa aking isipan. Kaagad na tumayo ako at binaybay ang ilog na hanggang tuhod lang ang lalim. Napakadaming malalaking bato dito at napapalibutan rin ng malalaking puno.




"Señorita si Kuya, at Si Ita'y" umiiyak na sabi ni Luningning. Kagaad na napatitig ako dito habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa lamig at takot na aking nararamdaman.




"M-magiging m-maayos rin ang lahat. M-magtiwala tayo sa kanila..." Halos putol-putol kong sabi dahil hindi makapag-isip ng matino ang utak ko dahil sa kaguluhang nangyayari.


Nagulat kami lahat at sabay-sabay at napalingon sa likod ng may sumigaw na boses lalaki.


"Karera ni shitagatte kudasai! (Sundan sila!)" Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na natumba sa ilog ng makitang madaming sundalong hapones ang humahabol sa'min. Hindi pwede! Ito na ang aming katapusan.


"Señorita, tumayo po kayo diyan. Bilisan na po natin!" Takot na takot na sabi ni Luningning kaya pinilit kong kumapa sa dilim at pinilit na makatayo sa pamamagitan ng malalaking bato na siyang nagsilbing tuunan ko. Kagaad na binilasan namin ang pagtakbo kahit na mahirap maglakad sa gitna ng dilim.





"Anata wa yamemasu! (Huminto ka!)" Patuloy na sigaw pa nila at kaagad na pinaputukan kami ng mga baril. Kagaad na inalalayan ko si Luningning ng parehas kaming mapayuko at matumba muli sa ilog. Napakabigat ng aming kasuotan dahil sa habang hanggang tuhod na aming saya na siyang ikinahihirap naming ikilos upang makatakas.





Napasigaw kami at napatakbo muli ng magpaputok sila ng sunod-sunod. Wala ng awat ang pagbuhos ng luha ko dahil sa kabang nararamdaman na sa anomang oras ay bibigay na ako at mawawalan na ng pag-asa.




"Luningning!" Sigaw ko ng madapa muli ito ng sa huling pagkakataon kaya kaagad na binalikan ko siya at pinilit na pinatayo. Sobrang lapit na nila sa'min, mga ilang hakbang na lang at mahuhuli na nila kami.




"Bilisan mo, tumayo ka!" Utos ko dito. Bigla naman akong nagulat ng mapaika ito sa paghakbang. Saka ko lang napagtanto na may sugat siya sa binti.



Natamaan siya sa kanang binti!!! Hindi! Hindi!




"Kaya mo ba? Sumakay ka sa likod ko! Bilis!" Utos ko. Natataranta na kami parehas. Halos kaming dalawa na lang ang nahuhuli at ang iba ay nasa unahan na. Kagaad na sumampa si Luningning at kaagad na kinarga ko siya. Sa pammaagitan ng matutulis na bato nakatuon ako dito upang huwag mawalan kami ng balanse.






Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now