KABANATA 6

28 2 0
                                    

"Ibig sabihin, alam ni Nathalia na darating ako para iligtas ang mahal niya at baguhin ang nakasulat?" Naguguluhan kong tanong. Mukhang mababaliw na ako!


"Tama, at sa oras na magkita kayo ni Lorenzo...ito ang simula ng pagtakbo ng oras sa kwintas na ito" sabi pa nito at may inabot sakin. Teka! Ito yung kwintas ni Nathalia!


Tanda ko pa na bago ako mapunta sa nakaraan, binasa ko ang nasa  kapirasong papel.


"Ang ating pag-iibigan ay mabubuhay ng walang hanggan at ito ang aking kahilingan. Tulungan mo siya, iligtas mo siya"--



"Paanong napunta yan dito?" Gulat ko na namang tanong at kinuha iyun sa kaniya.


"Sabi ko na sa'yo. Kay Nathalia Enriquez ang kwintas iyan at magmula ngayon ay sa'yo na iyan" paliwanag pa nito.



"B-bakit naman ako pa ang napili niya. Madami namang iba diyan. Nariyan naman kayo, tutal alam nyo naman ang kwento niya bakit di na lang kayo ang mag-imbestiga!" Patuloy kong reklamo. Umiling muna ito bago sumagot.


"Hindi ako pupwede, dahil nakatadhanang ikaw talaga ang magbabago ng kanilang kwento. At isa pa sa tanda ko ng ito matitiyak mo bang makakaya ko pa?" sabi nito at tumayo na. Mukhang may point naman siya.



"Ang orasan na yan ay palagi mong titingnan at babantayan. May natitira ka pang limang buwan. At sa loob ng limang buwan ay doon magaganap ang pangyayaring dapat mong iwasan. Palagi mo siyang bantayan at higit sa lahat iwasan mong magkatuluyan sila ni Nathalia at piliin palagi ang makabubuti para sa lahat" dagdag paliwanag pa nito. Pinagmasdan ko ang orasan.


"Teka paano naman kung mag failed ako, kung hindi ako magtagumpay at mamatay yung dalawa...ano ng mangyayari sa'kin?" Tanong ko naman. Tumayo ito at tumalikod sakin.

"Maaaring hindi ka na makakabalik sa kasalukuyan kung saan ka nabibilang" dahil sa sinabi niya bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Pakiramdam ko biglang nanlamig ang aking katawan. Hindi na ako makakabalik kung papalpak ako sa misyon ko.


"Bueno, ako'y mauuna ng bumaba. Magpagaling ka dahil darating ang inyong sundo ni Ada pabalik ng probinsya sa Tayabas" sabi nito pero nagsalita ako dahilan para mapatigil siya sa paglabas.


"Teka! Speaking of Ada. Sino siya, hindi ko siya kilala. At saka kelan ko makikita yung sinasabi mong Morenzo? Paano ko siya ililigtas?" Dere-deretso kong tanong.

"Si Ada ay panganay na kapatid nina Nathalia, Clara at Juana. Padalawa si Clara, patatlo ka, at bunso si Juana" explain nito. Tumango naman ako kahit di ko gets masyado. Aalis na sana siya ng maalala ko yung padalawa kong tanong.


"Teka, saglit lang. Sino naman si Morenzo?"


"Lorenzo hindi Morenzo" pagtatama nito. Napakamot naman ako sa ulo. Malay ko ba kung sino yun! Kaya nga nagtatanong e!


"Siya ay anak ng pinakamayaman ng isang negostante sa Tayabas. Magkakakilala lang kayo sa oras na mamanhikan sila sa inyo para hingin ang kamay ng iyong kapatid na si Clara. Husto na ba ang aking paliwanag? Maaari na ba akong umalis?" Paliwanag pa nito. Naramdaman ko naman ng bahagya ang pagkulo ng aking tiyan. Nagugutom ako.

Nasapintuan na siya ng tawagin ko ulit siya. Tumayo ako at hinabol siya. Nagulat naman ako ng magsalita siya


"Ang pagkain mo ay ipadadala ko na lang kay Ada. Batid kong gutom kana. Nasa baba lang ako. Hala at ako'y aalis na, napaka kulit mong bata ka!" Nagmamadaling sabi nito at isinarado na ang pinto. Hays!


Correction! Hindi na ako bata! Aaminin konkinulang lang ako sa height pero I'm not a kid anymore, Madre Mariang matanda na inilagay ako sa kamalasan! Tsk!


Dali-dali akong bumaba para habulin si Punong Madre Maria. Dahil may nakalimutan pa akong sabihin. Itatanong ko kung anong lugar ito, kasi nakasalubong ko ang iba pang mga babae sa hagdan at mukhang takot na takot sila sakin. Mukha ba akong nangangain ng tao.



Bigla ko namang naalala na dinala ko dito ang pagiging squatter ko kanina. Nakakainis naman kasi talaga si Mathilda! Biruin mo sinampal ako ng ilang ulit!


Nagulat naman ako ng makasalubong ko si Ada. Kasunod pala siya ng mga babaeng madre.



"Nathalia?!" Gulat na turan nito. Nag wave naman ako ng hand para sabihing 'Hi'.



Nakita ko naman na ngumiti siya. May dala siyang pagkain. Bigla akong nagutom.


"Maayos na ba ang lagay mo?" Nag-aalalang tanong nito. Bigla kong naalala na sinigawan ko siya kanina. Nataranta kasi ako e.


"Ah-eh-- o-okay na naman ako.....Ate?" Napalunok ako. Ang wierd kasi pakinggan na magiging mabait ako kahit kanina lang mukha akong dinosaur na nakatakas sa zoo. Rawr!


"Mabuti naman. Teka pasaan ka pala?" Naguguluhan na tanong nito.


"Ahh...ehh..hahabulin ko sana si Madre Maria kasi may itatanong pa ako e hehe" tugon ko naman. Ngumiti ito sa'kin. Ang ganda niya!




"Ganun ba, may gagawin lamang siya sandali. Halika, kumain kana upang lumakas ka. Mamaya susunduin na tayo ni Pier" Nauna na itong maglakad pataas. Sakin pala ang dala niya! Ang swerte ko naman, makakakain na ako ng masarap! Hindi na puro de lata!



Pero teka anong sabi niya, susunduin daw kami ni Pier?






Kasalukuyan na nakahiga ako sa kama. Medyo matigas ito pero sanay na ako. Mas matigas kasi ang higaan namin sa bahay. Hindi ko na natanong pa kung anong lugar ito dahil mas inuna ko ang pagkain. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal at tanghalian, dumeretso muna kasi ako sa pagdedelehensiya bago tuluyang pumunta ng School dahil dun nag-aantay ang Van na sinakyan namin. Kailangan ko rin naman siyempre ng pera, at yung two thousands na kinupit ko at yung pera na galing sa mga modus at pagnanakaw ko...itinabi ko para naman may pang baon ako sa school. Sana lang nas mabuting kalagayan ang pera ko. Miss ko na sila!






At kahit tanungin ko pa ng tanungin hindi naman ako makakabyahe pabalik ng kasalukuyan dahil hindi pa iyon nag-eexist. Akala ko kailangan pang gumamit ng time machine para makabalik sa nakaraan, pero yun pala isang kidlat lang narito na ako. Astig!


Napabalikwas naman ako ng bangon ng bumukas ang pinto. Si Ate Ada pala.



"Nathalia, narito na ang sundo natin. Halika kana para makarating na tayo sa probinsya bago magtakip-silim" sabi nito at kinuha na ang mga maleta na gawa sa leather at kahoy.




Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now