KABANATA 5

17 2 0
                                    

"Nathalia" naririnig kong boses mula sa di kalayuan.

Unti-unting lumiwanag ang aking paningin.

Puting kisame...

Puting kisame lang ang nakikita ko. Iginala ko ang aking mata. Medyo malabo ang paningin ko at medyo nahihilo rin ako. Bakit kaya? Nabagok ba ako kanina.

Sinubukan ko namang pagkatitigan ang babaeng papalapit sa'kin. Sino siya.

"Nathalia, may masakit ba sa'yo?" Alalang sabi nito at lumapit ito sa'kin.

Nanalaki naman ang mata ko ng medyo luminaw na ang paningin ko. Nasan ako?!

"Nathalia?" Ulit pa muli nito. Teka, at sino naman ito.

Dahil sa gulat ko kaagad na napabalikwas ako ng bangon. Aray! Ang sakit ng ulo ko! Napahawak ako sa ulo ko, parang tatalon na ang utak ko dahil sa sakit. Nabagok ba talaga ako?

Saglit na nagulat ako ng hawakan ng babae ang noo ko. Narealize kong wala na ako sa patatlong kwarto....sa anscestral house ng Enriquez Family!!

"Sino ka?!" Gulat kong tanong. Nagtaka naman ito at kumunot ang noo. Sino ba siya at nasaan ako!

Pinagmasdan ko ang paligid at binalik ang atensyon sa babae. Nakasuot ito ng pangsinaunang damit, kagaya ng nakita ko sa bawat kwarto sa itaas ng Enriquez House. Naka baro't saya ito, at may palawit na abaniko sa gilid ng kaniyang palda. Nakapusod ang kaniyang buhok.

Maganda siya. Matangkad, maputi, at mukhang mestiza! Hinawakan ko ulit ang ulo ko dahil bahagyang sumakit ulit ito.

Narealize ko naman na iba na din ang suot ko! Whut? Bakit ganito ang suot ko? Bakit nakapang sinauna rin ako!

"Anong nangyayari sa'yo? Tila nakalimutan mona ako, may masakit ba sa'yo aking kapatid?" Natauhan ako ng marinig kong magsalita muli ang babae. Teka...tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong kapatid?!!

"Mainit ka pa, at inaapoy kapa ng lagnat. Mas mainam kung inumin mo muna ito" dagdag at mahinahon na sabi nito at may kinuha sa tabi ng kama ko.

Nasa hospital ba ako?

"Nasaan ako!" Naguguluhan kong tanong. "Bakit ganito ang suot ko!" Dagdag ko pa.

Pinilit kobg tumayo at pumunta sa may pinto at lumabas. Teka bakit ibang-iba ito sa loob ng bahay ng Enriquez Family! Bumalik ako sa loob!

"Nasaan ba ako! At sino ka ba?!" Halos nagwawala kong sabi! Mukhang mababaliw na yata ako!

"Nathalia, huminahon ka!" Sigaw naman nito. Whut? Tinawag niya akong Nathalia?!

Saglit na pumasok sa aking ala-ala ang sinabi ng matandang babae na nakausap ko sa patatlong kwarto.


"Kaya ka naririto dahil nakatadhanang mabago ang kanilang kwento sa pamamagitan mo"- matanda


"Sa'yo na iyang kwintas at bumalik ka sa nakaraan sa taon ng 1941 at gawin ang misyon mo na pigilan ang pagkamatay nilang dalawa" --matanda



So, don't tell me naging si Nathalia ako? Totoong bumalik ako sa nakaraan! Imposible!

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Bungad naman ng isang babae, na naka pangsinauna ring damit. Matangkad rin, medyo payat, maputi at maganda rin.

Lunapit naman kaagad ang babaeng kausap ko kanina sa kararating na babae. Sino naman siya?


"Tila, may hindi tamang nangyayari sa aking kapatid. Tila nasasaniban na siya" bulong ng kausap ko kanina sa babae. Bumulong pa siya rinig ko naman! Nanlaki naman ang mata ng kapapasok na babae.


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now