KABANATA 17

9 1 0
                                    

Napakadaming tao dito sa bahay ni Don Paculfo. Naalala ko nga pala na kapag namatay ang isang opisyal ay pupwede itong buksan sa publiko para makiramay. Sigurado akong naging mabuting opisyal si Don Paculfo dahil halos lahat ng naririto ay halos ay mga natulungan niya ayon na rin mismo sa mga taong nakakausap ni Ama.


Maghahating gabi na daw nakauwi si Ama dahil inasikaso pa itong lamay kung papaano ang magiging sitwasyon nito ngayon. Isa daw si Don Dionisio sa pinaka matalik na kaibigan ni Don Paculfo dahil tinulungan daw nito ang negosyo ni Ama upang lumago at umasenso. Malaki ang utang na loob ni Ama sa pamilya ni Don Paculfo.


"Nathalia, nahanap mo na ba?" Nagulat ako ng lumapit si Ate Ada. Katatapos niya lang sumilip sa kabaong. Ayokong sumilip dahil natatakot ako kaya nag paiwan na lang ako dito sa upuan sa bandang dulo.

"H-hindi pa e. Hindi ko pa naitatanong kay Ina" tugon ko naman. Nagulat naman ako ng lumapit sina Ina at ang dalawang babae. Sino sila?

"Ayan na pala si Ina, itanong mona" utos ni Ate Ada. Napatingin ako sa mga ito.

"Ina, may nakita po ba kayo kahapon na gintong kwintas na orasan po ang palawit?" Tanong ko dito. Napaisip naman ito.

"Gintong orasan? May nakita ako sa pinaka ilalim ng iyong aparador kina Ate Mercedes, akala ko'y hindi sa sa'yo kaya hindi ko na ito kinuha pa" Napasimangot naman ako at nakaramdam ng pagkabalisa. Oh Noes! Naiwan ko sa Bicol yung kwintas, paano na ito!

"Siya nga pala siya si Donya Donzulweta ang may bahay ni Don Paculfo at ito naman si Donya Kristina ang asawa ni Don Jovencio" dagdag at pagpapakilala pa ni Ina sa'min. Dumating naman sina Ate Clara, Luningning at Juana na katatapos lang din sumilip.


"Nakikiramay po kami sainyo Donya Donzulweta. Magpakatatag po kayo" sabi ni Ate Ada at niyakap ito. Niyakap na rin namin siya para i-comfort dahil halata sa mga mata niya ang pamamaga dahil sa kaniyang pag-iyak. Kawawa naman siya.


"Ikaw na pala na iyan Nathalia. Dalagang-dalaga kana" napatigil naman ako at napatingin sa babae na si Kristina daw. Kilala pala niya ako?


"Mukhang nakalimutan mo na siya Nathalia. Naalala mo naman siguro si Ginoong Gabriel? Siya ang kaniyang Ina" sabi ni Ina na siya ikinawang ng bibig ko. Kaagad namang napasarado ng yakapin ako nito. My ghwadd! Andito pala ang Mama ni Gabriel!


"K-kamusta na po kayo" nauutal kong bati. Sigurado akong naninibago siya sa pananalita ko. Sigurado rin akong closed na closed sila dati ni Nathalia dahil naging magkasintahan sila ng kaniyang anak. Hays!


"Mabuti naman. Siya nga pala, nakauwi na si Cecelia galing Amerika.
I'm sure you miss each other. Bukas nga pala ay kaarawan ng kaniyang Tiya Margarita, pinapaabot ni Jovencio na pumunta kayo" sabi pa nito. Nagulat naman ako ng may humalik sa pisngi nito. Isang lalaki na may bigote at balbas. Nangunguna rin ang kaniyang tiyan at hindi naman gasinong katangkaran. Kasama nito si Ama at si Don Feliciano?!! Whutt? Ang Papa ni Lorenzo!!



"Anong inyong pinag-uusapan, maaari ko bang malaman?" Tanong nito. Inakbayan naman ni Ama si Ina sa balikat. Napatingin sa'kin si Don Feliciano kaya ngumiti ako at pasimpleng nag bow. Nakakahiya!


"Wala naman. Sinasabi ko lang na Kaarawan bukas ni Ate Margarita" tugon ni Donya Kristina. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagkulbit ni Juana saking tagiliran ang kaso nakikiliti ako kaya inawat ko siya at hindi pinansin. Ang kulit niya!


"Oh! Siya nga pala, kaarawan nga ng aking kapatid. Pumunta kayong lahat. You are all invited to the party. Lalong-lalo kana Dionisio at Binibining Clara" napatingin ako kay Ate Clara ngumiti naman ito tumango. Napansin ko naman na parang balisa si Don Dionisio/Ama. Naramdaman ko na naman ang bahagyang pagkulbit ni Juana. Argh!



Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now