Chapter 1

196 1 0
                                    

Kathrine's POV

"Tulala ka na naman, ang lalim ng iniisip mo. Baka malunod ka na nyan."-Jerome

Tiningnan ko ang nagsalita at lalo akong nainis ng makita kong ngiting ngiti pa sya. Sya nga pala si Jerome Smith, half po sya, nung una akong tumapak sa London sya ang unang taong nakilala ko. Nagkakilala kami sa Thirsty bar, ayaw ko sana ng kausap nun pero ang kulit nya. Ilang beses nya rin akomg sinamahan sa pagwawala ko. Hanggang sa napagod ako at tinigil na ang kabaliwan ko sa buhay.

"Hindi ba tinuro ng magulang mo na dapat kumain sa tamang oras? Saka kanina pa ako dito, nagrereklamo na ang mga alaga ko."

"Ikaw naman napaka mainipin mo, o sya libre kita."

Parang nabuhay ang mga cells ko sa salitang libre agad akong tumayo at hinila sya. Hindi na ako nagtanong kung saan kami kakain. Since ito lang naman ang malapit sa amin, dito nalang kami. Mcdo, love ko to!!

Sya na ang umorder since kinakain ko naman kung ano ang nasa harapan ko. Nang dumating na sya, agad akong kumain, kayo kaya ang gutumin.

"Dahan dahan naman para naman kitang inalila nyan. Nga pala, may isusukat ka mamaya. Sana hindi ka tumab. And may event tayo 2 days from now."

Isang designer si Jerome ewan ko sa kanya hindi naman sya bakla pero mahilig syang gumawa ng mga damit. Ako ang ginagawa nyang model since willing naman ako pumayag. May talent fee po iyan, wala na kayang libre ngayon.

Nang matapos akong kumain nag isip ako na pwedeng gawin, pero parang tinatamad ako.

"Uuwi na ba tayo?"

"Oo, bakit may pupuntahan pa ba tayo?"

Umiling ako at tumayo na para lumabas. Nang makalabas kami ay may naalala ako.

"Wait lang nakalimutan ko yung cellphone ko, sandali."

Pumasok ako ulit at pinuntahan ko yung table namin, pero malinis na.

"Excuse-" magtatanong na sana ako kaya lang may kumalabit sa akin.

"I believe this is yours." Lumingon ako at tiningnan yung nagsalita.

Nanigas ang buo kong katawan para akong nakakita ng multo, lahat lahat ng gusto kung kalimutan nag flashback lahat. Hinablot ko yung phone ko at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa akin. Hindi ko na rin makita ang dinaraanan ko ng dahil sa luha. Umupo nalang ako sa tabi at umiyak ng umiyak.

Yung lahat ng sakit na gusto mo ng ibaon sa limot ay bumabalik lahat, sumisikip ang dibdib ko na parang mamatay na ako.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?"-Jerome

Niyakap ko sya at umiyak ako sa mga balikat nya. Nakaramdam na rin ako ng pagod at naramdaman ko parang lumulutang ako.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon