Kathrine's POV
Limang araw na ang nakaraan mula ng ilibing si Jerome, naninibago pa rin ako sa tuwing pumapasok ako. Lagi lang akong nakatingin sa lamesa nya, I know someday I can let him go.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Monique.
"Boss may bisita ka, sabi nya okay lang din daw na hindi mo sya harapin kung hindi ka pa handa."
"Sino ba?"
"Promise muna boss na hindi ka magagalit kung sasabihin ko yung pangalan." Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Si Julius."
Tumayo ako, kaya ko na naman syang harapin. Nagpapasalamat na rin ako dahil sya yung nasa tabi ko nung panahon na parang gusto ko na ring sumunod kay Jerome.
"Anong kailangan mo?"
"Hinatid ko lang yung gamit na naiwan mo." Tumango lang ako sa kanya. " Kath, okay ka na ba?"
"Kailangan ko maging okay Julius kahit hindi, kailangan ko maging matatag kahit hindi ko kaya."
"I'm always here for you no matter what." Umiling lang ako sa kanya.
"Hindi na kailangan, kaya ko maging mag isa." Tatalikod na sana ako pero nagsalita sya uli.
"Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan babalik pa rin ako. Mahal kita at alam ko balang araw matatanggap mo rin ako uli."
Dumiretso ako sa paglakad, mahal ko pa sya pero hindi pa ako handa. Nasasaktan pa rin ako.
Ilang weeks na rin hindi nagpapakita si Julius sa akin. Pero lagi syang nagpapadala ng bulaklak tinatanggap ko na yun hindi ko na tinatapon.
Sa ngayon pakiramdam ko na palagi akong inaantok, pabalik balik din ako sa CR para umihi. Nung isang araw nagising ako dahil nasusuka ako. Sinabi ko kay Monique yung nararamdaman ko sabi nya sa akin siguro sa stress at hindi rin ako kumakain masyado.
"Boss, may naghahanap sayo papasukin ko ba?" Ngiting ngiti sya sa akin. Nakakunot ang noo ko, sino ba ang bisita ko.
Hindi na ako nakasagot dahil pumasok na yung bisita na sinasabi nya.
Si Julius.
"Hi, pasensya ka na ha, kinulit ko lang talaga si Monique."
"Okay lang, nakapasok ka na rin e. Ano bang binigay mo sa kanya at ngiting ngiti sya?"
"Si Steven. How are you? Sorry ngayon lang ako nakabalik, umuwi ako sa Pilipinas dahil kailangan na ako dun. Nagtake lang ako ng leave."
"Julius hindi mo naman kailangan bumalik dito. Okay na naman ako."
"Bibigyan mo na ba ako ng chance para makapag explain?"
"Hindi na naman kailangan e. Sinabi ko na sayo dati na hindi na mababalik ang nangyari."
"I'm sorry. Ito o, sinabi ni Monique paborito mo daw ang cappucino." Inabot nya sa akin ang cappucino. Napangiwi ako dahil iba yung amoy ng cappucino nya.
"Ilayo mo nga yan sa akin."
"Pero-"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil tumakbo na ako papunta sa CR. Sumunod naman sya sa akin.
"Kath I'm sorry, okay ka lang." Hinagod nya ang likod ko pero tinulak ko lang sya palayo.
"Lumabas ka, wag ka dito."
"Ano ba ang nangyayari dito? Nilalason mo ba sya?"
"Hindi ah, ni hindi pa nga nya naiinom yung binigay ko."
"Anong nangyari dyan?"
"Hindi nya gusto yung amoy, kaya ayan."
"Napaka sensitive mo naman boss. Buntis ka ba?" Napatanga ako sa sinabi nya. Isang beses lang naman may nangyari sa amin ni Julius. Hindi pa ako nadadatnan pero okay lang naman yun kasi di naman talaga normal yung buwanang dalaw ko.
Tiningnan ko si Julius na nakatingin din sa akin na parang naghihintay sa sagot ko.
"H-hindi ah. May ulcer lang ako. Tigilan mo nga ako Monique."
"Nagtatanong lang naman e." Tumalikod na sya at lumabas.
Lumabas na rin ako at sumusunod pa rin si Julius sa akin.
"Now, what?" Tanong ko sa kanya ng mapansin ko na may sasabihin sya.
"Buntis ka ba?"
"Noo! Wag ka mag assume dahil baka ma disappoint ka lang."
Ang gulo ng isip ko, buntis ba ako? Kinakabahan ako.
Ilang araw na rin akong nagigising dahil lage akong nasusuka.
Kinabahan na ako kaya pumunta ako sa hospital.
Nandito na ako sa loob ng room ng ob-gyne. Pinahiga nya ako, tinaas nya ang tshirt ko at nilagyan ng gel yung tyan ko.
"Do you see that?" Tinuro nya ying screen. "Thats your baby. You are 1 month pregnant, Congratulations! It seems like I'm hearing 2 heartbeats here. I advice you to come back when you are in you four months to make sure. Okay?"
Halos hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Buntis ako. Papaano ko sasabihin kay Julius.
Nagpasalamat ako sa doctor. Lumabas ako at nagmamadaling makabalik sa boutique.
Hinarap ko kaagad si Monique pagdating ko.
"Nasaan si Steven?"
"Umuwi sila kaninang madaling araw sa Pilipinas. May conference daw sila ni Julius. Bakit ba? Miss mo na sya kaagad? Wag ka mag alala pinadalhan ka nya ng bulaklak."
"Asan?"
"Yang nasa vase."
"Walang card?"
"Wala e. Bakit ba? Anong nangyayari sayo?"
"Buntis ako Monique." Napanganga sya sa sinabi ko.
"Buntis ka? Ano panghinhintay mo. Hello, sundan mo si Julius dali!!"
Tumango tango lang ako. Hindi ko alam kung papano sasabihin sa kanya. Na matatanggap nya ba na magkakaanak na kami. Paano kung hindi? Mamaya ko na iisipin yun pag nakausap ko na sya.
