Chapter 6

100 2 0
                                        

Kathrine's POV

"Flowers for you daw."-Monique

Binaba ko ang binabasa ko at tiningnan ko yung nagsalita. Maswerte pa rin ako dahil may naging kaibigan ako.

"Kanino galing?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Aba ewa ko, may card o! Dali bilis basahin natin.

Binigay nya sa akin ang bulaklak at kinuha ko yung card at binasa.

"Alam ko favorite mo ang pink roses, don't worry wala namang meaning yan. I know someday you mapapatawad mo rin ako. I will wait even it takes forever. Next time that I'll give you flowers may meaning na yun."-J

Napakunot ang noo ko, sino ba ang magpapadala sa akin ng bulaklak.

"Aba tambayayers ka lang dito nagka admirer ka na ka agad. Sino ba yang J na yan ha?!"

Napataas ang kilay ko wala talaga akong ideya. Tumayo ako at pumunta sa opisina ni Jerome.

"Ikaw ba ang nagpadala nito?" Tanong ko sa kanya.

"Alam ko na maganda ka, pero hindi kita type."

Sumimangot ako sa sinabi nya. Ayaw kong isipin na si Julius ang nagpadala nito isang linggo na rin hindi sya nagpaparamdam sa akin.

"Kayo na talaga, akalain mo, love letter gamit mo noon sa kanya, ganun din ang ginagawa nya sayo." Napatawa sya sa sinabi niya.

"Hmp, hindi naman to galing sa kanya. Pakitapon nalang to Monique." Inabot ko sa kanya yung bulaklak

"Nako sayang naman, ang gaganda pa naman."

Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Sabi ko nga itatapon ko." Lumabas na sya na nagdadabog.

Monique's POV

Sayang naman tong bulaklak itatapon lang ako nga pingarap ko na may magbigay sa akin ng bulaklak. Nagtataka ako kasi yung delivery man hindi pa rin umaalis, wala bang tiwala ang lalaking to.

"Nandito ka pa rin? Pasensya na huh, allergy kasi yung pinabibigyan nito e. Kaya pinapatapon nya kung gusto mo sayp nalang." Inabot ko sa kanya pero umiling lang sya.

"Okay lang bayad na rin nyan e." Parang sumama ang loob nya at tumalikod. Nagkibit balikat nalang ako.

Julius POV

Alam ko naman na hindi allergy si Kathrine sa bulaklak e, nung isang araw sinundan ko sya kung saan sya nagpupunta. Pumunta sya sa isang flower shop at bumili ng maraming bulaklak. Nang makaalis sya pumasok ako kung ang favorite flowers nya. Swerte naman alam ng babae kung ano.

Hindi ko muna sya nilalapitan dahil gusto ko na bigyan sya ng oras na makapag isip. Okay lang na itinatapon nya yung mga bulaklak ang importante naman nababasa nya yung card.

Maghihintay pa rin ako hindi ako nawawalan ng pag asa dahil alam ko na kaya nya parin akong patawarin.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon