Chapter 18

93 2 0
                                        

Kathrine's POV

Dalawang buwan din ang paghahanda namin ni Julius para sa kasal. Okay lang naman sa akin yung hindi magarbo pero sya na ang nagpumilit. Naalala ko pa na sinabi nya na minsan lang kami ikakasal. Minsan lang kami haharap sa panginoon na nangangako ng habangbuhay na pagmamahalan. Kaya pumayag na rin ako.

And tomorrow is the day, magkahiwalay kami ng room ngayon dahil napakapamahiin ng mommy nya. Hindi naman bawal ang skype kaya nandito ako sa harapan ng laptop ko. Nakasimangot ako kasi aalis sila ng mga kaibigan nya para sa bachelors party.

"Magbehave ka dun ha. Sasaksakin ko talaga yang bestman mo pagmay ginawa nyang kalokohan."

"I promise, di na rin ako iinum, titingnan ko lang sila."

"Ako rin Kath, magbebehave ayaw hindi ko gustong may hangover bukas."-Steven

"Siguruhin nyo yan ha."

"Oo, aalis na kami. Magpahingan ka na bawal sayo magpuyat. I can't wait to see you tomorrow. I love you. Goodnight."

"I love you too." At nawala na sya.

Nakangiti akong humiga sa kama. Hindi na rin ako makapaghintay sumikat ang araw.




Nagsimula ng magmake up si Chloe sa akin. Sya rin yung make up artist ko sa tuwing may event kami.

"I can't believe that you will get married today. I thought it was you and Jerome. I know his happy for you."

"I want him to see me walking in the aisle too. I'll just imagine that he is there and smiling for me."

"We are good you can change now." Ngumiti sya sa akin.

Si Monique ang maid of honor ko at si Steven naman ang bestman.

"Ang ganda mo boss. Sana ako din balang araw maging kasing ganda mo pag ikinasal." Naiiyak na sabi nya. "Iiwan mo na talaga boss."

"Para kang baliw, syempre hindi no. Hindi ko isasara ang Jeka, buhay na namin ni Jerome yun. Kaya aalagaan ko yun."

"Umalis na nga tayo. Baka hindi makapaghintay yung groom mo at sunduin ka dito."

Lumakad na kami papalabas at sumakay sa sasakyan. Nang makarating kami sa simbahan agad na pumiwesto na ang ibang abay.

Nagsimula na ang pagpasok ng ibang abay, kinakabahan ako parang sumisikip yung dibdib ko.

Nang ako na ang pumasok nag iba yung kanta.

I do by Marie Digby

Napaiyak na ako, mula pa nung bata ako gusto ko na yung kanta na yun para sa kasal ko.

Lahat na kasi ng pwedeng sabihin nandun na.

Nang makarating ako sa altra inabot nya ang kamay ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Nang maghiwalay kami ngumiti sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya yung pagmamahal.

"Dear friends and family, we are gathered here today to witness and celebrate the union of Julius Al Mendez and Kathrine Almerez in marriage."

Nagsimula na ang misa, at nararamdam ko yung mga kamay ni Julius na hinawakan ang kamay ko. Tumingin sya sa akin and he mouthed I love you.

"Do you, Julius Al Mendez choose Kathrine Almerez to be your partner in life, to support and respect her in her successes and as well her failure, to care for her in sickness and in health, to nurture her and to grow with her throughout the season of your life together?"

"I do, Father."

"Do you, Kathrine Almerez choose Julius Al Mendez to be your partner in life, to support and respect him in her successes and as well his failure, to care for him in sickness and in health, to nurture him and to grow with him throughout the season of your life together?"

"With all my heart, I do, Father." Ngumiti ako sa kanya.

Sumenyas ang pari na magharap kami. Nakangiti kami pareho ni Julius at nakahawak pa rin sya sa kamay ko.

"Kathrine Almerez, una ko pa lang kita ko sayo na naglalagay ng letter sa sasakyan ko ay minahal na kita. Naging in denial lang ako dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Nang nasaktan kita at nawala ka, nasigurado ko yung nararamdaman ko na mahal nga kita. Gustong gusto ko na hanapin at sabihin sayo ang nararamdaman ko pero hindi pa yun ang tamang panahon. When I found you, you don't know how happy I am. Gusto kitang yakapin pero nakita ko sa mga mata mo yung sakit at galit sa akin. When you gave me a chance to love you mas naging masaya ako. Alam ko na napakabilis ng pangyayari para sa ating dalawa. Nasaktan na naman kita ulit, pero this time I promise you to become a better man. Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Aalagaan kita hanggang sa pagtanda natin. Nasabi ko na sayo to, kung susukuan mo ako ulit ako naman ang hindi susuko sayo. Mahal na mahal kita hindi ko alam  kung anong mangyayari sa akin pagwala ka. You are all I ever wanted in this world."

"And in the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both live. This is my solemn vow."

Naninginig yung kamay ko habang sinusuot nya yung singsing. Napaiyak na ako sa sobrang kasiyahan.

"Love is always patient and kind. It is never jealous. Love is never boastful or conceited. It is never rude or selfish. It does not take offense and resentful. Julius Al Mendez, I never thought that I'm going to marry you. Dati pinapangarap lang kita, kontinto na ako na makita ka sa malayo. Nang masaktan ako dinibdib ko lahat ang mga masasakit na salita na sinabi mo noon. Umalis ako, pinilit kitang kalimutan pero bumalik yung nararamdaman ko sayo ng makita kita ulit. Yung pagmamahal ko sayo tinabunan ko ng galit dahil natatakot ako na masaktan uli. Pero bumigay pa rin ako at yun ang araw na minahal kita uli. Nasaktan man ako uli pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita mahal. Ang dami kong tanong kung bakit lagi nalang akong nasasaktan. May isang taong nagsabi sa akin na wag ko ng hanapin yung kasagutan dahil nasa harapan ko na. Mahal na mahal kita kahit pilit ko na pigilan ang sarili ko na hindi ka mahalin ikaw pa rin ang hinahanap nito. Hindi ko iniisip na hindi masaktan uli pero this time sabay nating bibigyan ng solusyon ang problema natin. I love you with all my heart, you are all I ever wanted."

"And in the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as we both live. This is my solemn vow."

Isinuot ko yung singsing sa kamay nya. Hinila nya ako at niyakap. Tiningnan nya yung pari at hinihintay na sabihin nito ang final blessings. Nginitian kami ng pari.

""For as much as Julius Al Mendez and Kathrine Mendez have consented together in holy wedlock, and there to have pledged their faithfulness to the other, and have pledged the same by the giving and receiving each of a ring. I pronounce that they are husband and wife together, in the name of the father, and of the son, and of the holy spirit. Congratulations, Mr. and Mrs. Julius Al Mendez! You may now kissed the bride."

He smiled at me and kissed me.

I hope Jerome can see us. I know that he is happy for me right now. Kahit kailan hindi ko malilimutan na naging parte sya ng buhay ko.

"I love you." Bulong ni Julius sa akin.

"As I love you."

Nagsisimula palang kami, kahit anong mangyayari hindi ko na sya iiwan. He is my life now, sila ng magiging anak namin.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon