Chapter 7

81 2 0
                                        

Kathrine's POV

"Grabe naiinis na ako hah!! Yang messenger ng admirer mo ginagawa din akong messenger. Pasalamat sya gwapo sya kung hindi baka pinasagasaan ko na yan."

Ikatlong beses na akong nakakatangap ng bulaklak at si Monique ang laging nagbibigay nito sa akin. Para kasing inaabangan na lumabas si Monique. Hinarap ko na lang ag nagdadabog na Monique at binigay sa akin ang bulaklak.

"Alam mo naman na tinatapon ko lang yan bakit mo pa kasi tinatanggap."

"Aba yun ang sabi nya e, kahit man lang daw mabasa mo ang card. Yun daw ang sabi ng nagpapadeliver."

"Itapon mo nalang yan."

"Nako ha, ikaw nalang ang magtapon para makita mo yang messenger na yan. Hindi naman yan umaalis dyan, sinisiguro talaga na binigay ko sayo ang bulaklak."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Monique pagmay malaman sya sa akin. Kung hindi mo sya kilala maooffend ka talaga sa mga sinasabi nya. Tumayo ako at lumabas, ng malapit na ako sa basurahan napatigil ako. Si Julius ang nakatayo dun at tiningnan nya rin ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko sa kanya. Kahit ako nagtataka dahil hindi pagalit yung tanong ko sa kanya. Kahit sya nagulat.

"You really don't like the flowers I gave you right? Lage mo kasing tinatapon." Tiningnan ko sya sa mata at nakita ko ang pagod dun. Siguro kanina pa sya dito naghihintay na lumabas si Monique.

"Its not that I don't like it. Hindi ko kasi alam kung sino ang nagpapadala nito. So bakit ko naman tatangapin."

"I know someday you will forgive me. Hindi kita nilapitan ng ilang araw dahil kailangan mo ding mag isip. Siguro yung sakit na naramdaman mo ngayon ay parehas sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I'm so sorry, I just want you to know that I love you, I really do love you. I want you to trust me this time just give me a chance to prove it."

Napatingin ako sa kanya, mahal na daw nya ako. Siguro kung noon nya sinabi yan magiging masaya ako pero marami na ang nangyari kaya mahirap na magtiwala.

"Hindi ko kaya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. Natatakot ako sa ano mang mangyari. Sorry!"

Tatalikod na sana ako ng magsalita pa sya.

"I will still wait for you even it takes forever." Tuluyan na akong pumasok, ng lumingon ako wala na sya sa kinatatayuan nya.

Tiningnan ko ang mga tao sa harap ko, si Monique na kahit walang alam ay umiiyak. Pareho kaming babae at alam ko na nararamdaman nya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hinila ako ni Jerome para yakapin.

"Why aren't you giving yourself a chance to be happy? I thought you want to take a risk."

"Natatakot pa rin ako pero I'm almost there. I hope he can still wait." Hinaplos nya ang buhok ko dahilan para humagulhol ako.

I'm almost there Julius, please wait for me.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon