Kathrine's POV
Nang makarating ako sa airport agad ako dumiretso sa opisina ni Julius. Hindi ako mapakali gusto ko nang makita kung ano yung magiging reaksyon nya.
Nang makarating ako agad akong pumunta sa opisina nya. Pero wala sya dun, tinanong ko yung empleyado nya.
"Si Mr. Mendez?"
"Nasa meeting pa po maam. Nasa conference room. May appointment po ba kayo?"
Hindi ko na sya sinagot dahil nagmamadali akong naglakad patungo sa conference room. Hinabol nya pa ako.
"Maam bawal po kayo dyan, maghintay nalang po kayo."
Hinawakan ko yung knob pero napigilan nya ako para mabuksan yun.
"Please let me in, I'm just going to talk to him."
Binuksan ko yung pinto at nagulat lahat ng tao sa loob. Nang makita ko si Julius para syang galit dahil sa pang iistorbo sa meeting nya pero ng makita nya ako nagbago ang itsura nya.
"Sir I'm sorry, I tried to stop her pero matigas po ang ulo ni maam."
"Its okay, lumabas muna kayo."
Pumagilid ako para makadaan sila. Kinindatan lang ako ni Steven.
Nang makaalis sila nilapitan ko si Julius.
"Sorry, may sasabihin ako pasesnya na. Pagkatapos nito aalis din ako kaagad."
"What is it?" Nag aalinlangan ako na sabihin sa kanya, ang lamig ng mga kamay ko. Pero nandito na rin ako kaya sasabihin ko na sa kanya.
"B-buntis ako. 1 month na." Napatitig sya sa akin at umupo. Ilang minuto din syang ganun ng hindi ako makatiis.
"Say something."
"I'm speechless. Nagpa check ka na ba sa doctor? Anong sabi nya?"
Nagulat ako sa tanong nya. Hindi nya gustong magka anak. Nagsisimula ng mamuo yung luha ko, ganito ba ang buntis napaka emosyonal.
"How dare you? Inisip ko na to e. Na hindi mo magugustuhan na magkaroon ng anak. Sana hindi nalang ako pumun-" naputol yung sasabihin ko dahil hinila nya ako at hinalikan.
Matagal na halik at ng matapos yun pareho kaming humihingal.
"You don't know how happy I am right now. Nabigla lang ako kasi ang bilis ng pangyayari. Our baby is the only way para bumalik ka sa akin. Pinapatawad mo na ba ako?"
Yumakap ako at umiyak. Natakot ako na baka hindi nya matanggap yung bata.
"Ang saya saya ko. Kahit hindi mo matanggap yung baby okay lang naman. I'm sorry dahil hindi kita binigyan ng chance para mag explain. Natakot ako marinig yung mga rason mo. But now it doesn't matter anymore, what matters right now is that we start over again. I love you."
"Mahal na mahal din kita." Tumakbo sya sa labas ng conference room at ng makalabas ay sumigaw sya ng napakalakas.
"YES!!!MAGIGING DADDY NA AKO!!!"
Hinila ko sya at hinalikan para manahimik sya. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. At nagmakalayo kami lumuhod sya.
"Will you marry me? No, marry me." Tumango ako at ngumiti. Niyakap nya ako ng napakahigpit. Di ko ma explain yung kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.
Tama si Jerome nasa harapan ko na ang kasagutan ko sa lahat ng mga tanong.
