Kathrine's POV
Nagising ako sa tawag ni Monique kailangan ko na daw bumalik dahil may nangyari kay Jerome.
Nandito ako sa bahay nila ni Julius dito nya ako iniwan dahil umattend sya ng college reunion nila. Gusto nya nga sana akong isama pero nahihiya ako at wala naman akong kilala dun.
Papunta ako ngayon sa unit ni Julius, pinahatid na ako ng mommy nya.
Nang dumating kami, agad akong pumanhik sa floor nya at ng nasa harapan na akong pinto magdodoorbell na sana ako pero napansin ko na nakabukas ng konti yung pinto. Siguro sa pagod o nalasing kaya hindi na nasara ng maayos.
Pumasok ako sa kwarto nya at binuksan ang lampshade nya. Imbes na sya ang magulat, ako ang nagulat sa nakita ko. Parang hihimatayin ako sa nakita ko, gusto ko magwala. Naninikip ang dibdib ko. May babaeng kasama si Julius, hindi kung sinong babae kundi si Demi, at pareho silang nakahubad.
Nagising si Julius at nagulat sya ng makita ako.
"K-Kath-"
Hindi ko kaya kung ano ang nakikita ko kaya tumakbo ako palabas. Tumulo yung luha ko sa sama ng loob. Nang makarating ako sa ground floor agad akong lumabas pero nahabol pa rin ako ni Julius.
Hinawakan nya ako sa braso pero pumiksi ako.
"Wag mo akong hawakan."
"Kath, wait let me explain."
"Sige, anong sasabihin mo? Na nalasing ka lang? Na lalaki ka at nagdala ka sa pangyayari? Alam ko na tanga ako Julius pero wag mo namang ipamukha sa akin. Ano bang meron sya na wala ako? Hindi pa ba sapat na ibinigay ko na sayo lahat? Kulang pa ba yun ha, kulang pa ba yun?" Tinulak tulak ko sya kaya napapatras sya.
"Wala akong naalala na may nangyari. I'm sorry."
"Sorry? Ilang beses ka pa ba mag sosorry? At ilang beses ko pa ba sasabihin sayo na wala ng magagawa ang sorry mo dahil hindi na nyan mababalik ang nangyari. Nasaan na yung pangako mo na hindi mo ako sasaktan uli, na bago ako ikaw muna ang masasaktan? Sa ginagawa mo, ginagago mo na ako ng masyado."
Hindi sya makapagsalita at yumuko lang sya. Nagising pala si Demi at sumunod sa amin.
"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me na until now sinusundan mo pa rin si Julius."
Nilapitan ko sya at walang pagdadalawang isip na sinampal ko sya. Alam ko masakit yun kasi nanginginit yung palad ko. Nagulat sya sa ginawa ko ganun na din si Julius.
"Wala kang pinagkaiba sa akin dahil kung pathetic ako ganun ka rin. Hindi ko lang kayang makipagsabayan sa kalandian mo. Ano ba ang kasalan ko sa inyong dalawa ha? Tinuro ko sila. "Sapat na siguro yung 3 years na bayad sa panggugulo noon sa inyo. Gusto mo sya? Magsama kayong dalawa bagay kayo."
Tinalikuran ko sya at eksakto namang may humintong sasakyan. Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni Julius.
"Mag usap tayo please. Let me explain."
"Nakita ko na lahat, sapat na yun. Wag ka ng mag explain dahil hindi ako willing makinig. Wag na wag mo akong susundan. Magsama kayong dalawa." At pumasok na ako sa sasakyan. Umiyak ako ng umiyak, hindi naman nagtanong yung driver kung saan kami pupunta. Inayos ko ang sarili ko bago nagsalita.
"Sa airport po tayo." Tumango lang sya bilang sagot. Mabuti nalang lagi kung dala ang plane ticket at passport ko, hindi ko muna iisipin yung mga gamit na naiwan ko.
Ang sama sama ng loob ko. Ano bang kasalan ko sa mundo at nangyayari to. Mali ba na mahalin ko ang taong mahal ko? Mali ba na gusto ko maranasan ulit ang maging masaya. Humagulhol na naman ako ng iyak.
Julius POV
"Ano bang ginagawa nya dito? Sinusundan ka ba nya hangga ngayon?"
Tiningnan ko sya ng masama. Wala talaga akong matandaan na may nangyari.
"She's my girlfriend. Hindi nya ako sinusundan dahil ako yung sumusunod sa kanya."
Nagulat sya sa sinabi ko.
"Hindi ko alam Julius na bumaba pala ang taste mo sa babae."
Hinarap ko sya.
"Mahal ko sya mula pa noon. Bumaba nga ang taste ko ng pinatulan kita. Umalis ka na bago ko makalimutan na babae ka."
"Pero something hap-"
"Walang nangyari ni wala nga akong maalala. Get out, now!"
Nagdadabog syang lumabas. Umupo ako at sinabunutan ko yung sarili ko. Nasaktan ko na naman sya. Hindi na ako nagbago I'm still a jerk. Gusto ko syang sundan pero hindi ko magawa dahil baka lalo syang magalit. Tuluyan na akong napaiyak, kung may makakita sa akin, sasabihin na bakla ako sa itsura ko.
Nang tuluyan ng sumikat ang araw umalis ako ang pumunta sa bahay ng mommy ko. Nagbabasakali ako na baka dun tumuloy si Kathrine. Nang makita ako ng mommy ko nagulat sya.
"Why are you here?"
"Nandito ba si Kathrine?"
"She's not her,pinuntahan ka nya kaninang madaling araw sa unit mo. Magpapaalam daw sya sayo na babalik na sya sa London dahil may emergency daw. Hindi ba kayo nagkita?" Natulala ako sa sinabi nya. She's totally gone.
Napaupo ako at umiyak. Nilapitan ako ng mommy ko.
"May nangyari ba?"
"Nagkita kami ma, nakita nya ako with Demi, sa hindi ka aya-ayang pangyayari. Wala akong maalala na may nangyari sa amin. Nasaktan ko na naman sya ma, ang gago ko. Lage ko nalang syang nasasaktan."
Niyakap nya lang ako, alam ko speechless sya. Hinagod nya ang likod ko para mapatahan pero walang nangyari.
Wala akong ibang iniisip ngayon kundi sundan sya pero kung gagawin ko yun baka mas lalo syang magalit sa akin. Ipagtatabuyan nya lang ako, hindi ako makapag isip ang gulo ng isip ko.
