Chapter 8

86 1 0
                                    

Julius POV

"Bro, I miss you so much, na miss mo ba ako?" Salubong sa aking ng bestfriend ko na si Steven.

"Hindi, saka bakit ka ba nandito?"

"Bakasyon, gusto ko rin makita kung paano mo bubuhuin ang love life mo. May improvement na ba? Nagkita na kayo? Kayo na? Kailan ang kasal?" Ang kulit din ng tao to ewan ko kung bakit naging bestfriend ko ito.

Sa kanya ko sinabi ang lahat, na alam ko na si Kathrine ang admirer ko noon. Nang makita nya na sinaktan ni Demi si Kathrine gustong gusto nya itong sakalin. Sa kanya ko rin sinabi yung nararamdaman ko kay Kathrine noon na walang kasiguruhan.

"Hanggang ngayon hindi pa nya ako napapatawad. Alam ko hindi madali para sa kanya na patawarin ako pero maghihintay pa rin ako kung kailan sya magiging handa. Nasaktan ko sya ng sobra kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko naibabalik sa kanya kung ano ang nawala sa kanya."

"Kaya mo bang ibalik ang buhay ng papa nya?" Tumingin ako sa kanya alam ko naman na hindi ko na maibabalik yun.

"Hindi ko kaya, pero kaya kung punan kung ano ang nawala sa kanya." Tumango sya at nag isip.

"Saka hindi mo nagamit ang pagkakabaero mo ha. Wa epek sa kanya. Alam ko na, since hindi naman nagwork yang plano mo. Leave it to me baby, expert yata to." Tinuro nya ang sarili nya. "Dalhin mo ako sa boutique ng kaibigan nya dali."

Kathrine's POV

"Ano ba Jerome, kakain muna ako kanina pa ako nagugutom." Reklamo ko sa kanya ng pinilit nya akong isukat ang katatapos na design nya.

"Hindi pwede dahil kung busog ka mahihirapan akong e adjust ang damit. Sige na Kath, please." Sumimangot ako at kinuha yung damit at pumasok sa banyo.

Pagkalabas ko sya namang may lalaking pumasok. Nilapitan sya ni Monique.

"Hi sir, you need anything? Tuxedo?". Lumingon lingon ang lalaki at huminto ang pakakatingin sa akin.

"I want to by that dress and I will pay any amount that it will cost!" Bumuka ang bibig naming tatlo.

"Sir, ibenta mo na. Magbabayad naman sya kahit magkano e." Udyok ni Monique kay Jerome.

"Hindi pa to tapos gusto mo mahubaran yung sumuot nito?"

Bumaling si Monique kay Steven.

"I'm sorry sir-"

"Okay lang, it will fit with her. I want it to be deliver at this address and I want her to personally deliver it, wear it." Putol nya sa sasabihin ni Monique at tinuro nya ako.

Hindi pa kami sumagot ay lumabas na sya at pinoy pala sya. Wala kaming choice kundi ibigay sa kanya yung damit.

"Bahala sya, basta hindi nya tayo sisihin kung hiwalayan sya ng girlfriend nya. Ako pa talaga ang gagawin nyang model ha. Kaloka."

Pumunta ako sa address na binigay nung lalaki, parang nakita ko na sya noon hindi ko lang matandaan kung saan. Para namang hindi bahay tong pinapuntahan nya sa akin.

Nakita na nya ako at ganun din sya kaya agad syang lumapit sa akin.

"Good you are here. Hurry!" Hinila nya ako papasok.

"Teka lang sir, saan ba ako magbibihis? Baka makita ako ng ka date mo."

Hindi nya ako sinagot at pinaupo nya ako at pinalitan ang suot ko na sapatos ng heels.

"You may not recognize me, its fine. I just want one thing here, to end what is hurting you and the reason why my bestfriend is hurting right now. By the way Steven Sanchez, it is nice to see you again, Kathrine."

Lumaki ang mga mata ko, hindi ako makapagsalita kasi tinulak na nya ako papasok sa loob at sinarado kaagad ang pinto.

Ang dilim hindi pa naman ako makakita di ko pa suot ang eye glass ko. Naiinis na ako kasi wala talaga akong ideya kung bakit ako nandito. Sumigaw na ako.

"HEEEEEELLLLLOOOO!!!"

Nagulat ako ng biglang bumukas yung ilaw at mas lalo akong nagulat ng makita ko yung tao sa harapan ko. Napaatras ako at akmang matutumba, pumikit ako at hinintay na bumagsak ako sa malamig na sahig pero sa mainit na bisig ako bumagsak.

Dumilat ako at ng mabalik ako sa katinuan umayos ako ng tayo. Nagsimula syang magsalita.

"Siguro nasasabi mo na natrap kita ngayon but no, you still have a choice after ko sabihin kung ano yung gusto kung sabihin sayo you can leave or stay." Sabi nya sa akin na at titig na titig.

"Alam ko na natatakot ka magtiwala ulit lalo na sa akin, hindi kita masisi dun. Alam ko na hindi ko maibabalik kung ano ang nawala sayo lalo na ang buhay ng papa mo ang kaya ko lang gawin ay punan kung ano ang nawala. I really tried my best this past few days to stay away from you pero hindi ko kaya. I want you to be with me, to make you happy and to love you. Kasi mahal kita, in denial ako noon kasi hindi ako sigurado pero ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko."

Napatanga ako sa sinabi nya, pinipigilan ko ang luha ko pero traydor ang mga ito dahil bumagsak din yun. Ayaw ko narin maging malungkot. Ayaw ko nung lage ako nakakaramdam ng takot gumawa ng bagay na gusto ko. Mahal ko pa rin sya pero dinadaan ko sa galit yung nararamdaman ko sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at tingnan ko sya sa mga mata.

"Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay na sabihin mo sa akin na mahal mo ako? Pagod na rin akong magpanggap na hindi na kita mahal, na galit ako sayo. Thank you for waiting, thank you dahil hindi ka nawalan ng pasensya sa paghihintay sa akin kahit walang kasiguruhan. Mahal kita noon at ngayon." Sabay sabay ng tumulo ang luha ko pero nakangiti ako.

Niyakap nya ako ng mahigpit. "I promise na hindi kita sasaktan, I will make you happy. Hindi kita susukuan kahit sumusuko ka na sa akin. Let me take care of you." Tumingin sya sa akin at hinalikan nya ako sa labi, matagal. Nang maghiwalay kami pareho kaming humihingal.

This time, willing na akong magtake ng risk, kahit natatakot ako kailangan ko magtiwala uli sa kanya.

______________________________________________________________________
Pasensya na sa mga past chapters maraming typographical error. Sobrang nagmamadali lang ako baka kasi mawala sa isip ko yung mga na iimagine ko. Sensya na po!!✌✌✌

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon