Chapter 14

76 1 0
                                        

Julius POV

Sinundan ko si Kathrine sa London 3 days after sa nangyari. Halos mabaliw ako, hindi ako kumakain kung hindi pa ako pinuntahan ni Steven siguro mukha na akong ermetanyo ngayon. Kay Steven ko muna iniwan lahat ang trabaho.

Mula ng dumating ako lagi lang akong sumusunod sa kanya. Hindi ako makalapit sa kanya dahil natatakot ako na baka ipagtabuyan nya ako.

Nalaman ko rin na mamaya na yong event nila. Nandito ako ngayon sa harap ng boutique nila. Nakikita ko kung paano niya pinasukat yung mga damit sa mga models.

Mamayang gabi ang plano ko na kausapin sya kinausap ko na rin si mommy na tulungan ako since nandito sya.

Nang sumapit na ang gabi naghanda na ako para umalis.

"Are you sure that you are ready for this? What if shes not going to forgive you?-mommy

"Kakausapin ko lang sya ma, at least nag explain ako kung bibigyan nya ako na chance." Kumibit balikat lang sya bilang sagot.

Umalis na kami at pumunta na sa venue. Si Monique yung nagwe welcome sa mga bisita. Napalaki yung mata ng makita nya ako.

"Nakooo!! Sir anong ginagawa nyo dito?"

"Sinamahan ko lang yung mother ko dito, shes interested for tonights event." Pinapasok lang nya kami.

Gusto ko na syang makita. Nang mamatay ang ilaw lumabas ang graphics sa malaking screen.

"Good evening everyone. Thank you for coming for tonights event. Tonight we are launching our new designs and I am proud to say that some of tonights design are my own designs. You might think that I'm just a model of my bestfriends design, well tonight we are going to reveal to you how Jeka boutique started. All I can say is, enjoy the night!"-Kathrine

Titig na titig lang ako sa kanya habang nagsasalita parang may iba sa kanya, naging sofisticated sya. Tiningnan ko yung screen, lumabas dun yung picture nila ni Jerome siguro nung college days nila na para silang nagpaplano. Yung sa graduation ni Jerome at sa kanya yung pagtatambay nya sa boutique at yung first day na umupo sya sa table nya as a designer.

Nakikita ko rin sa mukha ng mommy ko yung amusement. Nagandahan siguro sya sa mga designs ng mga damit. Masasabi mo talaga na babae yung gumawa ng damit. I'm happy for her dahil ngayon nagawa na nya kung ano yung gusto nya.

Nagpa alam si mommy na mag c-cr. Nagpatuloy lang ako sa panunuod.

Kathrine's POV

Hindi ako mapakali mula pa ng sinabi ni Monique na nandito si Julius kasama ang mommy nya. Mabuti nalang na deliver ko ng maayos yung sasabihin ko dahil naghahanap talaga ang mata ko pero hindi ko naman sila nakita. Patapos na rin ang show, si Jerome na ang bahala dun nagpa alam ako sa kanya na hihinga muna ako.

Naglakad ako papunta sa cr ng may mabunggo ako.

"I'm sorry." Pinulot ko yung nahulog nya at tumingin ako. Siguro kung wala ang make up mahahalata na namumutla ako.

"Kathrine, I'm happy to see you." Mommy ni Julius, so nandito talaga sya.

"Tita, Hi. Mabuti naman po nakapunta kayo. Sino po ang nagsabi sa inyo?"

"Si Julius, by the way nandito yung ibang gamit mo. What happened di ka na bumalik?"

"Tita alam ko naman po na alam nyo na kung ano yung nangyari. Wala naman pong tinatago si Julius sa inyo, ayaw ko lang po sanang pag usapan yun."

Ngumiti sya., "Naiintidihan kita iha. Sana bigyan mo pa sya ng last chance para mag explain. Hindi ko to sinasabi dahil anak ko sya, syempre gusto ko din na maging masaya kayo."

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon