Kathrine's POV
Nang dumating ako dumiretso ako sa hospital kung saan naka confine si Jerome. Nalaman ko na may heart complication si Jerome, matagal na. Hindi sya nag tetake ng medication dahil gusto nya mabuhay ng normal. Kaya ngayon gumagrabe na ang condition nya.
Nasa kwarto nya ako, nakahawak lang ako sa kamay nya at umiiyak. Mas lalong bumigat yung nararamdaman ko, hindi ko na rin alam kung ano yung iniiyakan ko.
"Hindi pa naman ako mamatay bakit umiiyak ka na dyan." Tiningnan ko lang sya, gising na pala sya. Nakatitig lang sya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka?"
"Ayaw ko na mag alala ka saka ang dami mo pang iniisip dadagdag pa ako."
Humagulhol na naman ako.
"Ako ba talaga ang iniiyakan mo? Magtatanong ba ako or magsasalita ka?"
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Ayaw ko na syang bigyan ng kahit anong alalahanin. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit dahil yun ang kailangan ko ngayon.
"Ssshhh... tahan na. I told you I will catch you when you fall again. Wag ka ng umiyak. Pumapangit ka na."
Pinahid ko yung mga luha ko at kinalma ang sarili ko.
"Gusto ko ng umuwi Kath. Ayaw ko dito, marami pa akong gagawin para sa fashion event."
"Ikaw naman ang makinig sa akin. Magpahinga ka muna ako na ang bahala sa fashion event mo, natin" Sumisigok na sabi ko sa kanya.
"Ready ka na bang gawin to?"
"Kakayanin ko para sayo. Nandyan ka naman para e guide ako. Please Jerome wag mo akong ewan. Di ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pagpati ikaw mawala."
"Kath kung mawala man ako physically hindi ibig sabihin nun mawawala rin ako spiritually. I will always be your guardian angel kami ng papa mo. Hindi ka namin iiwan."
Umiling lang ako at umiyak na naman.
"Walang mangyayari sayo." Ngumiti lang sya bilang sagot.
Sa ngayon, kailangan ko munang kalimutan ang problema ko, kailangan ko rin ng destruction para wala akong maalala. Ready na akong maging totoong ako. Naka pagdecide na rin ako na ako na muna ang papalit kay Julius.
Pinayagan ng doctor na lumabas si Jerome pero mahigpit nyang pinagbabawal na gumawa ng ano mang bagay si Jerome na nangangailangan ng extreme emotions. Sinabi ko na rin sa kanya yung nagyari sa amin ni Julius. Nagalit sya pero naging okay na rin ng sabihin ko sa kanya na this time I will be better.
Nang malaman ni Monique na boss nya rin ako halos mabaliw sya, natawa lang kami sa ginawa nya nung araw na nalaman nya. Lagi nya akong pinagtitimpla ng juice, nagtatanong kung may kailangan pa ba ako. Hindi sya mapakali pero ngayon at ease na sya.
Busy ako sa ginagawa ko ng mapansin ko na na may naka tingin sa akin. Nang tingnan ko, si Jerome pala.
Ngumiti ako sa kanya. "Kanina ka pa ba dyan?"
Tumango sya, "Masaya ako para sayo dahil finally umupo ka na sa lamesa mo. Dati paglaging nagtatanong si Monique kung para kanino yan wala akong maisagot sa kanya. Kath, okay ka na ba?"
Bumuntong hininga ako.
"Kailangan ko maging okay. Di ko naman dini deny na hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung nangyari. Pero kailangan ko ng magbagong buhay. Hindi pwede na lagi akong nakakulong sa nakaraan."
"Sana maging masaya ka sa mga desisyon mo. Don't regret every decision you made, dahil kung magsisi ka inig sabihin lang nung hindi ka matututo. Nag eexpect ka ba na susundan ka nya? Its been 2 weeks."
Umiling ako at ngumiti ng mapait. "Sinabi ko sa kanya na wag nya akong sundan hindi naman sya bobo para hindi maintindihan yun na hindi ko na sya gusto makita."
Napatingin kami sa pintuan ng may marinig kami na may sumisigok. Si Monique pala, umiiyak.
"Alam mo para kang baliw. Ba't nakikinig ka sa may usapan?"
"Nalulungkot lang ako boss, nanghihinayang din, akala ko magpapakasal ka na nga e. Pero ang dali ng pangyayari, hindi man kang kayo nag 1 month." Sumisigok pangsabi nya.
"Natuto na ako, hindi ko na paghihinayangan ang taong tulad nya ni hindi nga nya ako pinaghinayangan."
Sa tuwing naiisip ko yung nangyari hindi ko maiwasan na malungkot. Magtanong kung bakit nangyari yun. Kung may pagkukulang man ako sa kanya hindi ko na rin inisip kung ano yun. Nakakapagod na rin ang laging masaktan.
Inisip ko nalang kung ano yung makabubuti para sa akin at kung paano makatulong sa iba. And here I am, a fashion designer.
