Kathrine's POV
Madaling araw na akong nakauwi, hinatid ako ni Julius. Since may lakad kami ni Jerome ngayon maaga akong nagising. Nag zozombie mode ako, hindi na ako nag make up dahil tinatamad ako.
Matagal na rin akong hindi gumagamit ng eye glass kaya naninibago ako ngayon. Tinali ko nalang yung buhok ko at ng tuminigin ako sa salamin, napa woah ako. Para kasing bumalik ako sa dating itsura ko noon..
"I know na kailangan mo ng moment, but we need to go. Male late na tayo."
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan tayo pupunta. Kailangan ba talagang nandun ako?"
"Yes, because this is for you. Its a surprise so don't kill it."
Lumabas na kami ng boutique at sumakay sa sasakyan. Nang nasa loob na kami nagtanong sya sa mga nangyari kagabi.
"So, kayo na ba? Masaya ka ba?" Tiningnan ko sya at ngumiti.
"Thank you for pushing me to take a risk in love. Napakasaya ko hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. Sana lang hindi na mangyari yung dati. Pero okay lang diba sabi ko at least nagtry ako."
"I'm happy for you. If ever na mawala ako, I want you to be brave enough to face your problem, always remember that I'm always there for you." Nagtatakang tiningnan ko sya.
"Why? Saan ka pupunta? Aalis ka ba?"
"Soon, malalaman mo rin. Basta gusto ko lagi kang masaya at kung malungkot ka at gusto mo magwala wag na sa thirsty bar ha, sa boutique nalang."
Napangiso ako kahit gusto ko magtanong hindi nalang hihintayin ko na lang sya kung kailan sya handang magshare sa akin.
Nakarating kami sa isang orphanage meron pa ring pagtataka na tiningnan ko sya.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko.
"Ipapakilala kita sa kanila."
"Matagal mo na silang tinutulungan?" Tumango lang sya lang sya bilang sagot.
Nagmano sya sa mga madre dun at ganun din ang ginawa ko. Pinakilala nya ako sa bawat tao dun. Bakit iba yung pakiramdam ko natatakot ako para kay Jerome.
Nagpakain sya sa mga bata at pagkatapos nakipaglaro. Ngayon ko lang nakita si Jerome na ganito, may iba.
Nang matapos na sya nagyaya na syang umuwi. Nang makalayo na kami nagsimula syang magsalita.
"Gusto ko tutulungan mo pa rin sila kahit wala na ako. Baka hindi na kaya ng schedule ko yung pabalik balik dito."
"What is it? Saan ka ba talaga pupunta? Bakit pakiramdam ko hindi na tayo magkikita ulit."
Hinawakan nya lang ang pisngi ko at ngumisi.
"Praning ka talaga." Umirap ako sa kanya bilang sagot.
Nang makarating kami sa boutique nakita namin si Monique na nagpapa cute. Sinundan ko kung sino yung tinitingnan nya. Napangiti ako ng makita ko si Julius na prenteng nakaupo habang nagbabasa at yung katabi nya na napakahaba ng nguso, naaalibadbaran siguro sya sa ginagawa ni Monique.
"Oy tigilan mo yan. Para mong tinatakot yung tao." Saway ni Jerome sa kanya. Nakuha rin nya ang pansin ng dalawa.
Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Ngiting ngiti si Julius samantalang parang na statwa si Steven.
"Hi, kanina pa ba kayo? Di man lang kayo nagpasabi na pupunta kayo." Bati ko sa kanya sabay yakap.
Nakangiti pa rin sya sa akin, ano kaya ang problema. Tumingin ako sa salamin sa likuran nya. Nagulat ako di ko pala natanggal ang eye glass ko. Tumalikod ako para kunin yun at humarap sa kanya ulit. Nagbago naman ang mukha ni Steven.
"Pasensya na di ko pala natanggal." Kinuha nya yung kamay ko na may salamin at isinuot yun uli.
"Wear this, you look good on it." Ngumiti sya.
Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko. Hinaplos nalang iyon ni Julius.
"Naiinggit ako sir, kaw muna dito ako muna dun sa office mo." Pagmamaktol ni Monique.
"Sige siguruhin mo na magagawa mo lahat ang gagawin ko ngayon." Sagot ni Jerome sa kanya.
Natawa nalang kami sa takbo ng usapan nila.
"Lets go?"
"Huh? Saan, may usapan ba tayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala gusto ko lang lumabas tayo, kumain. You look so pale, kaya pakakainin kita."
Hindi naman ako namumutla ah. Mula pa noon ganito na talaga ako di ko nga alam kung bakit. Pero pumayag na rin ako.
"Bro, sama ako. Iiwan mo ako dito, baka di na ako makauwi sa Pinas."
Binalingam nya si Steven at Jerome.
"Gawin mo yang modelo dito. Part time nya." Tumango lang si Jerome bilang sagot at parang bata si Steven dahil naiiyak ito.
Napatawa ako sa itsura nya. Hinila na ako ni Julius palabas bago makapagsalita si Steven.
"Kailan kayo uuwi ng Pilipinas?" Tanong ko sa kanya ng nasa sasakyan na kami.
"Bakit, pinapaalis mo na ba kami?" Umiling ako, ayaw ko rin naman sya na umalis kaya lang yung buhay nya nandun.
"Paano yung trabaho mo? Ayaw ko lang naman maging sagabal sayo."
Tumingi sya sa akin.
"Of course not, hindi ka sagabal. Do you want to come home?"
"Wala rin naman akong uuwian dun e, saka kailangan ako ni Jerome dito. Baka magwala yun pag nawala yung modelo nya."
"Kailan ka pa nagmomodelo?"
"Mula ng maitayo ang Jeka. 2 years na siguro."
"I want you to take a break, be with me. Siguro naman papayag si Jerome nun. I want you to be with me." Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Pag iisipan ko muna." Tumango lang sya at ngumiti
Julius POV
Niyaya ko na lumabas si Kathrine, ng makita ko sya kanina sa boutique na nakasuot ng salamin napangiti ako para kasing nakita ko yung dating sya.
Gusto ko din pag uwi ko sa Pilipinas kasama ko sya. I want her to see the world that I'm into and I want her to meet my mom.
Pumasok kami sa isang restaurant hinayaan ko lang syang umorder. Nang matapos nyang sabihin kung ano ang gusto nya napatingin sya sa akin. Napansin nya siguro na may nakatingin sa kanya.
"What?" Nakataas Ang kilay na tanong nya sa akin.
"Nothing, I just love to stare at you. I miss you."
"Magkasama kaya tayo, ang weird mo."
"No, I miss that look. Mas bagay pa rin sayo ang naka salamin." Ngumiti lang sya sa akin. I love it when she blushes, kahit walang make up maganda pa rin sya.
"By the way, I will go with you. Sasama ako sayo sa Pilipinas." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.
Tumango pa sya. "I already asked permission to Jerome, he said yes, but I need to be back after 3 weeks since may fashion event sya."
"Wow, thats good." Ngumiti nalang sya. Dumating na rin yung pagkain namin at nagsimula kaming kumain.
Tumingin ako sa kanya habang kumakain. I can really see my future with her. I will never let her go again. I will never be a jerk again. God, I love her so much.
