Julius POV
Tiningnan ko ang natutulog na si Kathrine, para syang anghel. Marami na syang napagdaanan pero bakit pakiramdam ko na ito yung worst na nangyari sa kanya.
Nang marinig ko kung ano mga sinabi nya kay Jerome nararamdaman ko na nandoon yung pagmamahal. Mas lalo nya akong kailangan ngayon. Kahit ipagtabuyan nya ako hindi ako aalis.
Nakita ko na kumilos sya sya at dahan dahang minulat ang mata. Nakatitig lang sya sa kisame at namumuo na naman ang luha sa mga mata nya.
Nilapitan ko sya, nilingon nya rin ako. Pinahid nya yung luha nya nagmag simulang tumulo ito.
Umupo sya at inabot ko sa kanya yung tubig na nasa bedside table nya.
"Si Monique na ang nag ayos kay Jerome. Pinagbibilin nya na wag ka ng mag alala at magpahinga ka muna at sya na daw ang bahala." Tiningnan nya ako at may luha na naman sa mga mata nya.
"Minsan ba tinanong mo yung panginoon kung bakit may hindi magagandang bagay na nangyayari sayo? Kasi ako ilang beses ko na syang tinanong. Kung bakit nya kinuha ang papa ko. Kung bakit sinaktan mo ako, na ano ang nagawa ko sayo para saktan mo ako nang ganoon. Hindi ko nahanap ang mga kasagutan sa bawat katanungan ko hinayaan ko ang panahon ang magdala sa akin kung saan ako patungo. Nakilala ko si Jerome, binigyan nya ako ng pag asa ng isinama nya ako sa mga pangarap nya. Sya ang naging sandigan ko sa lahat ng bagay, pinoprotektahan nya ako. Wala syang inaalala kundi yung kapakanan ko, minsan hindi ako nagtanong kung ano yung gusto nya. Hindi ko alam kung paano mabuhay na wala sya, hindi ko gusto na mawalan ng direksyon." Humahagulhol na sabi nya.
Niyakap ko sya ng mahigpit at hinaplos ko ang buhok nya. Hindi rin sya kumawala.
"I'm sorry kung nasaktan kita, sorry kung kailangan mo pa pagdaanan lahat ng to. Kung saan man si Jerome ngayon, alam ko na masaya na sya kasi bago sya nawala nakita ka nya na ginagawa kung ano yung gusto mo. Gusto nya na ipagpatuloy mo kung ano yung nasimulan mo at maging successful tulad nya. Mahal na mahal ka nya Kath, kasi ginawa nya lahat ng makakaya nya mapasaya ka lang." Pinatingin ko sya sa akin at nagtataka rin syang tumingin sa akin.
"Wag mo akong ipagtabuyan dahil kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan babalik at babalik ako dahil mahal kita. Kailangan mo ako at kailangan din kita. Mahal na mahal kita hindi kita gustong saktan at hindi ko gusto na dagdagan ang sakit na dinanas mo. Give me another chance."
Ngumiti sya ng mapait sa akin, "Kung kaya ko lang Julius, pero hindi ko alam kung papano sisimulan ang pagtanggap sayo uli."
Tumayo na sya at pumasok sa banyo. Nanatili akong nakaupo sa kama ng mahimasmasan ako tumayo ako at lumabas. Kailangan nya pa nb mahabang oras alam ko na naguguluhan pa sya ngayon.
Kathrine's POV
Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon ang bigat ng pakiramdam ko. Wala na rin akong lakas para makipag away kay Julius kaya hinayaan ko nalang sya na pumarito.
Naligo ako at naghanda para pumunta sa bahay nila Jerome. Sa bahay ng parents nya sya dinala. Nang matapos kumuha ako ng damit. Pinili ko yung itim nadamit na binigay ni Jerome sa akin noon, ang sabi nya noon isuot ko s daw to sa araw na wala na sya na. Ang sagot ko noon sa kanya baka hindi na magkasya sa akin dahil matanda na ako nun.
Tumulo na naman ang luha ko. Namimiss ko na sya, gusto ko magising kung panaginip lang ito.
Ipinilig ko ang ulo ko at isinuot yun. Nang matapos akong maghanda, bumaba na ako at naabutan ko sa sala si Julius. Nakahanda na rin sya.
Nginitian nya ako ng mapait, "Lets go?" Tumango lang ako bilang sagot
Nang makarating kami sa bahay nila Jerome sinalubong ako ng mother ni Jerome at niyakap, si tita Martha. Nakangiti lang sya na parang okay na sa kanya ang nangyari.
Dinala nya ako sa sala kung saan nandun si Jerome.
"Jerome told us about his condition 2 years ago. Umalis sya dito sa bahay because he wanted us to think na wala na sya. Kahig tawag hindi nya ginagawa kung kami naman ang tumawag hindi nya rin sinagot. Last week nabigla kami ng bigla syang pumunta dito at sinabi nya sa amin na may taning na ying buhay nya. Iyak sya ng iyak, hanggang sa panahon na yun ikaw ang iniisip nya ayaw ka nyang iwan. Pero wala na daw syang magawa ayaw na rin nya daw pahirapan yung sarili nya." Umiyak na si tita martha ganun na rin ako at si Monique.
"Sabi nya na pagwala na sha ibigay ko daw to sayo." Inabot nya sa akin ang sulat. "Sabihin ko daw sayo na wag kang magalit sa kanya." Itunuro nya ang itaas. "May plano daw ang dyos para sa iyo."
Binuksan ko yung sulat. At sinumulang basahin.
To my ever dearest Kathrine. Nang unang kita ko pa lang sayo sa thirsty bar, I fell in love with you. But when I saw you crying na and you became mean to yourself sinabi ko na wala akong maaasahan sayo. Hindi ako ang kailangan mo. I treated you like a sister because its the way to keep our friendship. You just don't know how sad I am when I see you crying. I always wish na ako yung taong minahal mo para mapasaya kita. I always wanted to see you smile. God knlws how much I love you. But when I saw Julius, and I saw in your eyes the happiness when you finally see him again nasabi ko na marami palang akong wala compare sa kanya. Nang maging okay kayo naging masaya sayo nakita na rin kitang ngumiti ng totoo. Kath, I wanted you to be happy, be with because I know he's going to make you happy. Kung may problema pag usapan nyo. Nakikita ko sa kanya na mahal ka nya. Don't stop yourself to do the things that you like. I'm glad because finally your into sketching na. Just a friendly reminder, wag mo hanapin kung ano yung kasagutan sa mga katanungan mo, everything has a reason just learned to wait. Kahit saan man ako mapunta I will always in your side. I will always love and cherish you. You are the person who gave me a reason to live.
Pagkatapos ko yung basahin ay napahagulhol ako ng iyak. Naramdaman ko na may yumakap sa akin.
"Hindi ko alam na may nararamdaman sya para sa akin. Kung alam ko lang siguro may nagawa ako."
"Sa tingin mo ba magiging masaya sya kung mamahalin mo sya dahil naaawa ka lang sa kanya?"-Julius
Kung nasaan man sya ngayon sana mahanap nya yung kasiyahan na gusto nya.
