Chapter 2

140 2 0
                                    

Jerome's POV

Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan ni Kathrine nuon, pero ng makita ko sya na umiyak, parang nakita ko ulit yung dating sya ng makita ko sya thirsty bar.

Sa paraan ng pag iyak nya parang ang sakit ng pinagdaanan nya. Sana man lang kahit konti mabawasan ko yung sakit na nararamdaman nya, pero hindi ko alam kung papaano.

Umungol sya at dahan dahang dinilat ang mga mata nya.

"Hi." bati ko sa kanya, ngiti lang ang isinagot nya sakin.

"Kain ka na, alam kong gutom ka na, kanina ko pa naririnig nagrereklamo yang tyan mo."

Sumimangot lang sya at ngumiti.

"Jerome, thank you!"

Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad papunta sa kusina. Bumangon na rin sya at pumunta sa banyo. Pagkalabas nya umupo sya sa harapan ko at nagsimulang kumain. Di ko maiwasang tingnan sya, alam ko na pinipilit lang nya ang sarili nya na maging okay, pero ang mga mata na nya ang nagsasabi na hindi sya okay. Nakikita ko dun ang sakit.

"Kath, what happened before." Tanong ko sa kanya, hindi ako nag eexpect na  sagutin nya ang tanong ko.

"You can tell me anything you want, I'm not going to judge you and besides no secrets right?"

Hindi pa man sya nagsisimulang magsakita ay tumulo na ang mga luha nya. Dumaraan ang lahat ng sakit sa mga mata nya.

Flashback start

"To my ever dearest Julius, I know you are mad at me now. I know you want to haunt me and break my neck. I'm not going to say sorry for doing this because this is the only way that I can express how much I love you. I'm not stalking you, honest! Please always smile for me my love. =)"

Nagmamadali akong umalis, sa pagmamadali ko nabanggag ako.

"So, ikas pala ang pathetic stalker ng boyfriend ko. Ang kapal ng mukha mo na sulat sulatan sya. My God, saan mo nakuha ang kapal ng mukhw mo?"-Demi, girlfriend ni Julius.

Hinawakan nya ang baba ko at ealang pag aalinlangang sinampal ako halos mabingi ako sa mga sampal nya.

Nakita ko na paparating ang mga kaibigan ni Julius at kasama nila ito. Agad yumapos si Demi kay Julius.

"Babe, I saw her putting a letter in your car. Ang kapal ng mukha nyang magsulat ng ganyan e alam naman nya na may girlfriend ka na."

Narinig ko na nagtatawanan ang mga kaibigan ni Julius. Tiningnan ko sya pero huli na para bumawi nakatingin na tin sya sa akin.

"Stop whatever you are doing. It's not appropriate for you to do this. Babae ka, have some respect to yourself. Hindi rin naman kita magugustuhan so useless lang ang effort mo. Look ay you, compare yourself to her, ang layo mo sa kanya. Do you think I will like you,huh?! Stop it, you are just wasting your time."

Pagkatapos ko marinig ang lahat lahat tumakbo ako, di ko alam kung saan ako pupunta. Nang umuwi ako sa amin, nagkulong lang ako sa kwarto ko. Wala akong gustong kausapin, ayaw kunh kumain. Bumaba ying tingin ko sa sarili ko.

Flashback end

Basang basa na ang mukha niya ng luha. Nasasaktan ako kahit minsan hindi sya nagkwento sa pinagdaanan nya.

"Ilang araw akong hindi pumasok hanggang sa naka decide ako na tumigil. Hindi ko kinausap yung mga tao sa paligid ko kahit yung papa ko, tinutulak ko sila palayo sa akin. Natatakot ako na baka pintasan nila ako.  Nagising nalang ako isang araw na wala ng malay ang papa ko. Hindi man nya sabihin alam ko na nasasaktan sya para sa akin. Nagsisi ako kasi hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko sya. Nagagalit ako sa sarili ko kasi ang tanga ko, nagmahal ako ng sobra na kahit para lang sa sarili ko wala akong tinira." Humagulhol na sya, hindi ko rin mapigilan umiyak, nalulungkot ako para sa kanya.

Niyakap ko sya para kahit papano mabawasan ang sama ng loob niya.

"Kath, let it go. It's not your fault na nawala ang papa mo. Alam nya na mahal na mahal mo sya kahit hindi mo sabihin yun sa kanya. Don't blame yourself dahil wala namang may gusto na mangyari yun. Your father doesn't like to see you like this. Yung kay Julius naman, siguro mali ang timing mo, hindi pa siguro yun ang panahon para sa inyo. Nagmahal ka lang, walang mali dun, ang pagkakamali mo lang ang yung kahit konti wala kang tinira para sa sarili mo, hinayaan mo rin ang sarili mo na lamunin ka ng lungkot. Let it go, start a new life and I know you can."

Ayaw ko na nahihirapan sya, ayaw ko na rin makita sya na nilalamon ng lungkot. Matagal din ang taon na hinintay ko para lang makita ko yung totoong ngiti nya.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon