Kabanata 8

26 1 0
                                    

Kabanata 8. Pamilya

Hindi naman natuloy ang usapan namin ni lola, paano ba naman ay nakatulog s'ya do'n sa mahabang couch sa sala. Napakamot na lang tuloy kami ni Liam sa ulo, mabuti na lang at inalalayan ulit s'ya ni Mr. Moran at binantayan do'n sa sala. Kaya naman, minabuti na lang din namin ni Liam na umakyat sa kwarto para magpahinga.

"Master, tumatawag si Percival," inabot sa'kin ni Liam ang telepono.

"Oh, ba't napatawag ka? Gabi na ah?"

"Wala. Sensya na, hindi na rin ako nakapagpaalam kanina. S'ya nga pala, anong ginawa n'yo ni Keanu, ha?"

"Ba't gusto mong malaman?" Natatawang sambit ko sabay salampak sa higaan, habang si Liam naman ay nagpaalam at ihahanda na 'yung roba ko mamayang pagtapos kong maligo.

"Kasi ako ang matalik na kaibigan mo? Sus, kitang-kita ko 'yung eksena n'yo sa harapan kanina. Iba rin talaga galawan ng mokong na 'yan, 'no?"

Napangisi ako.

"Tsk, h'wag mo nga s'yang igaya sa'yo. 'Di hamak naman na mas lamang sa'yo si Keanu ng sampung ligo," pang-aasar ko bagama't natawa lamang s'ya sa kabilang linya.

Katahimikan.

Hindi ko rin tuloy maiwasang alalahanin 'yung mga nangyari sa'min kanina ni Keanu, lalo na 'yung biglaan n'yang pag-amin sa'kin ng nararamdaman n'ya. Ang totoo n'yan, hindi pa rin ako makapaniwala na manggagaling sa kanya ang mga salitang 'yun. Parang dati lang, iniisip ko kung anong pakiramdam na magustuhan ka ng taong lubos mong hinahangaan.

"Umamin sa'kin si Keanu na may gusto s'ya sa'kin," diretsahan kong sabi kay Percival.

"HAAA?! Seryoso ba 'yang sinasabi mo?" Bakas sa tono n'ya na parang 'di s'ya makapaniwala.

"Tss, oo nga. Kung maaari ko lang i-record 'yung usapan namin kanina. Baka mamaya pati ikaw ay magulat," bumangon ako saglit at umupo sa isang silya paharap sa'king mesa kung saan natatanaw ko ang mga bituin sa kalangitan lalo na ang buwan na no'n ay nasa kalahating hugis. "Sobrang saya ko, alam mo ba 'yon?"

"Eh, ikaw ba ay sigurado d'yan sa mga narinig mo? Ewan ko, para kasing wala akong tiwala sa Keanu na 'yan. Oo nga't gwapo s'ya, pero parang 'yun lang naman ang maganda sa kanya,"

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi gaya mo ay lubos ko kasi s'yang kilala. Marahil kaya mo 'yan nasasabi ay hindi mo pa s'ya nakakausap o nakakasama nang matagal,"

Natawa naman s'ya, "At wala naman akong balak na mangyari 'yon, tss. Sige na, matutulog na ako kasi may pasok pa ako bukas,"

"Percival,"

"Oh?"

"Salamat nga pala sa pagsama kanina, sobrang laking tulong mo na mawala 'yung kaba ko na humarap sa maraming tao,"

"Baliw. Kakaparanggot lang naman 'yung sinabi mo, akala ko pa naman mahabang talumpati ang ibibigay mo,"

"Eh, wala naman sinabi sa'kin si papa tungkol sa gano'n," walang gana kong sabi bagama't hindi nawawaglit 'yung ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang kagandahan ng kalaliman ng gabi.

"Oy, h'wag kang masyadong ma-attach kay Keanu, ha?" Biglang paalala n'ya sa'kin dahilan para magtaka ako.

"Ba't naman?"

"Sa itsura n'ya pa lang, eh,"

"Anong meron?"

Ilang segundo bago s'ya sumagot.

Rose Golden Paradise (Amore Archives #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon