Kabanata 13

25 0 0
                                    

Kabanata 13. Paghahanda

Pagkalipas ng isang linggo.

Abala ako habang nagbibihis, nakaharap ako ngayon sa'king salamin at pilit na tinitingnan kung bagay ba sa'kin 'yung binili ni Liam. Ito ay tinatawag na Valentim Masculino, isang uri ng kasuotan na pinabili n'ya pa sa bansang Espanya. Mas gusto n'yang ito ang isuot ko para sa kaarawan ni Keanu, hindi na nga ako makapaghintay dahil masasabi kong pakat na pakat sa'kin ang suit.

 Mas gusto n'yang ito ang isuot ko para sa kaarawan ni Keanu, hindi na nga ako makapaghintay dahil masasabi kong pakat na pakat sa'kin ang suit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Author's Note: For reference only. Photo from Pinterest)

Hanggang sa.

Narinig kong bumukas ang pinto sa'king kwarto kaya naman kahit 'di ako lumingon ay alam kong si Liam 'yon, "Ba't ngayon ka lang? Hindi ka umuwi kagabi ah?"

"Pasensya na, master. Nakatulog kasi ako ro'n sa piging, dala na rin ng pagod ay hindi na ako nakatawag sa'yo," sagot n'ya at bakas sa tono n'yang parang nahihilo s'ya.

"Sinasabi ko na nga ba. Nakipag-inuman ka na naman kay Archer? Tingnan mo nga 'yang itsura mo, bangag na bangag ka," paninita ko pa sa kanya dahil makikita mo sa kanyang mga mata na hindi s'ya gaanong nakatulog, tapos ang kanyang buhok ay animo pugad na ng ibon sa sobrang gulo.

Dito s'ya lumapit sa'kin dala ang relo na iniregalo sa'kin ng aking ama no'ng kaarawan ko, no'ng makalapit s'ya mismo sa harap ko ay dito s'ya natigilan nang mapatingin sa'kin. "Master... ang gwapo mo,"

Bahagyang natawa ako.

"Nako, ang aga mo naman mambola Liam. Sige na, bumalik ka na lang sa kwarto mo at ako na ang bahala sa sarili ko," utos ko pa sa kanya.

"Hindi pwede, master. Ihahatid pa kita ro'n sa luxury ship nila Keanu, hindi ba n'ya nabanggit sa'yo na do'n gaganapin ang kaarawan n'ya?"

"Alam ko, Liam. At h'wag kang mag-alala dahil si Keanu mismo ang magsusundo sa'kin dito, hindi mo na kailangang mag-alala pa dahil kailangan mo rin ng pahinga," sagot ko pa sa kanya kaya naman bumakas sa kanyang labi ang ngiti.

Napayakap s'ya sa'kin.

"Sobrang swerte ko sa master ko. Tatawagan mo 'ko 'pag nando'n ka na, ah? Balitaan mo 'ko agad tsaka 'pag meron kang kailangan ay magsabi ka dahil pupunta ako agad do'n," sunod-sunod n'ya pang paalala kaya naman tinapik-tapik ko na lang ang kanyang likuran habang nakayakap s'ya sa'kin.

"Teka, umiiyak ka ba Liam?"

Nang maghiwalay kami ay kitang-kita ko na mabilis n'yang pinunasan ang kanyang luha, "Hindi ah. Masaya lang ako kasi... basta, ang bilis mong lumaki. Alaga lang kita no'n, tapos balang araw ikakasal ka na," sambit pa n'ya kaya naman natawa ako.

"Matagal pa naman 'yun, tsaka h'wag ka ngang umiyak d'yan. Ang mga reaksyon mo akala mo naman ay ngayong araw ang kasal ko," hirit ko pa.

Tawanan kaming dalawa.

"Sa sobrang gwapo mo ngayon, parang ikakasal ka na talaga. Pero s'ya, may tiwala naman ako kay Keanu at s'ya na ang bahala sa'yo ro'n. Mag-iingat ka, master." Paalala pa n'ya sabay tapik sa'king balikat.

Sinuklian ko na lamang s'ya ng ngiti no'ng mga oras na 'yon. Kaagad s'yang pumanhik sa kanyang kwarto dahil hindi na makayanan ng katawan n'ya ang pagod at antok. Pinayagan ko kasi s'yang lumiban muna at magkaroon ng day-off nang dalawang araw dahil pupunta s'ya sa kaarawan ng kaibigan n'ya. Kaya ayun, mukhang kaninang umaga lang din s'ya nakauwi.

Katahimikan.

Nang matapos akong magbihis ay 'di ko maiwasang mapangiti nang makita ang kabuuan ko sa repleksyon ng salamin. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwala na balang araw ay magiging asawa ko si Keanu. Ewan ko, sa loob ko ay masaya ako pero 'di ko pa rin maiwasan ang mangamba. Siguro dala lang 'yon ng pakiramdam na hindi pa ako handa at nais ko pa s'yang makilala?

Ilang sandali pa.

Nag-ring ang telepono sa'king kwarto kaya naman dali-dali akong nagtungo ro'n para sagutin, dito nga ay dinig ko na agad ang kaingayan ni Percival sa kabilang linya kaya naman s'ya agad ang una kong pinagsalita.

"Oy, Hershey. Pupunta ka raw sa birthday ni Keanu ngayon? S'ya nga pala, hindi kita masasamahan kasi kailangan ni papa ng tulong ko dito sa probinsya."

"Probinsya? H'wag mo nga akong pinagloloko, nasa bakasyon ka sabi sa'kin ni Liam,"

"Gano'n na rin 'yun, 'yung resort namin dito ay kailangan ng renovation. Mas mainam na 'yon para sa mga foreign tourist namin,"

"Teka, inimbitahan ka rin ba ni Keanu?"

Napabuntong-hininga s'ya.

"Syempre ay hindi. Gusto lang kitang samahan kasi wala pa rin akong tiwala sa gagong 'yun. Ewan ko, ang red flag n'ya para sa'kin,"

Nagtaka naman ako, "Red flag?"

"Tss, basta! Oh, s'ya! Enjoy ka do'n ah? H'wag ka masyadong magpadala sa lalaking 'yan--"

"Mabuting tao si Keanu, alam kong 'di n'ya ako pababayaan. Tsaka ano ka ba, kaarawan n'ya ang pupuntahan ko at hindi isang paligsahan o ano,"

Tawanan kaming dalawa.

"Pinapaalalahanan lang kita. Sanay na ako makibagay sa iba't ibang uri ng tao, kaya dapat ay maging alerto ka-- basta! Enjoy ka do'n ah? Sumbong mo sa'kin 'pag ginago ka ng lalaking 'yan," paalala pa n'ya kaya naman napailing na lang ako at natawa.

Ilang sandali pa.

"Mr. Gonzales, nand'yan na po si Mr. Tuazon sa labas. Hinihintay ka na n'ya," wika ng kasambahay habang kumakatok sa'king kwarto.

"Sige na. Una na ako, Percival. Nand'yan na si Keanu sa labas,"

"Okay." At do'n ay ibinaba na n'ya ang tawag.

At no'ng mga sandaling 'yon ay kaagad akong bumaba, hindi ko na naman mapigilan ang pagkapanabik ko habang dumidiretso palabas ng mansyon. Hindi ko nga maitago manlang ang ngiti ko dahil siguradong magiging masaya ang gabing 'to.

Katahimikan.

Nang makababa ako ay dito ko nakita si Keanu sa sala, magarbo rin ang kanyang suot na parang 'di naman nalalayo sa suot ko. Isang dark green suit ang suot n'ya na talaga namang bumagay sa kanya, nakakatuwang isipin na 'pag nagtabi kaming dalawa ay pawang mga Prinsipe kami na pinagtagpong dalawa dahilan para 'di ko mapigilan ang ligayang animo ako'y napapalutang sa tuwa.

"Tara na?" Ang wika ko kay Keanu habang nakatayo s'ya at natulala sa'kin.

"Hershey... ang gwapo mo. Ang ganda mo. Ibang klase ka..." Namamanghang sabi n'ya dahilan para bahagyang iiwas ko ang aking tingin dahil ramdam kong umiinit ang aking pisngi!

"Ikaw din naman, Keanu. Ang gwapo mo ngayon. Ba't kasi gan'to ang gusto mong tema at konsepto para sa kaarawan mo?" Natatawang sabi ko pa at dito ay lumapit s'ya sa'kin at inilahad ang kanyang braso.

Agad akong kumapit dito.

Hanggang sa nakipagbeso s'ya sa'kin at dito lumabas ang matamis na ngiti n'ya, "Dahil gusto kong ituring nila tayong maharlika na parang dalawang Prinsipe na pinagtagpo ng tadhana," pormal n'yang sabi kaya naman sa loob ko ay 'di ko maiwasan ang kiligin, 'di na ako nakasagot no'n at do'n ay lumakad na kami papunta sa kanyang sasakyan.

© kopimakiyato

Rose Golden Paradise (Amore Archives #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon