Kabanata 17

17 0 0
                                    

Kabanata 17. Halik

Kaagad akong nagtungo sa isang bakanteng kwarto na s'yang tinuro sa'kin ni kapitan Steven kanina na magiging kwarto raw namin ni Keanu. Tulad ng inaasahan, malinis at moderno ang disenyo ng kabuuan ng silid na animo nasa isang pribadong hotel matatagpuan. Tahimik at malamig dito sa loob, bagama't nag-uumapaw ang mahalimuyak na amoy ng bulaklak.

Katahimikan.

"Liam, nandito na ako sa kaarawan ni Keanu. Kumusta ka d'yan? Dapat kasi ay sumama ka na rito, sayang naman 'yung mga masasarap na pagkain," ang wika ko nang tawagan ko s'ya.

"Oh, ba't ganyan ang tono mo? Parang 'di ka naman masaya, master. Tsaka ba't parang ang tahimik d'yan? 'Di ba dapat ay maingay kayo lalo na't isang party ang pinuntahan mo,"

Napabuntong-hininga ako.

"Masaya naman dito. Nakilala ko 'yung mga kaibigan ni Keanu, lahat naman sila ay mababait," sambit ko ngunit no'ng mga sandaling 'yon ay bigla na lamang pumasok si Rockwell sa isip ko, "ay, hindi pala lahat! Meron s'yang barkada na nakakainis at nakakabwisit," reklamo ko dahilan para matawa s'ya.

"Sino naman ang tinutukoy mo, master? Marahil ay ngayon ka lang nakatagpo ng iba't ibang klase ng tao, lalo na sa kanilang pag-uugali,"

"Tss, ewan ko ba! Basta naiinis ako sa kanya, masyado s'yang papansin at kung umasta s'ya ay parang malapit na kami sa isa't isa," muli kong inalala 'yung mukha ni Rockwell, "malayo 'yung gwapo n'yang itsura sa ugali n'ya, alam mo 'yun? 'Di ko alam, para s'yang modelo pero 'di ko naman sinasabing mas gwapo s'ya kay Keanu, basta! Ba't ba natin s'ya pinag-uusapan?"

"Edi inaamin mo rin na gwapo s'ya?" Natatawang tanong ni Liam.

"Eh, paano ko ba naman kasi ilalarawan? Alam mo 'yun? 'Pag nakita mo kasi s'ya ay hindi katanggi-tanggi 'yon, tagilid lang talaga sa ugali at pagkatao,"

Ilang sandali pa.

"Kumusta na ba kayo ni Keanu d'yan? Hindi mo ba s'ya kasama? Alam mo ba kanina ko pa iniisip kung hindi ka na ba n'ya tinatantanan d'yan, lalo na't sinabi sa'yo ng 'yong ama ang plano nilang ipakasal si Keanu sa'yo," paliwanag n'ya dahilan para mapaisip ako.

Segundo bago 'ko makasagot.

"Ganyan din 'yung naiisip ko kanina. Akala ko pa naman ay na sa'kin ang atensyon n'ya ngayon, hindi ko nga alam kung may ideya na s'ya patungkol sa kasal namin,"

Napabuntong-hininga s'ya, "Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya? Kahit naman abala s'ya sa mga bisita n'ya ay dapat may oras pa rin s'ya--"

"Hindi ko alam, Liam. Nakakatampo lang, kasi magkausap sila ng ex-girlfriend n'ya. Baka nga hanggang ngayon ay nando'n pa rin sila sa sala, nahuli ko pa silang nagtatawanan-- basta, naiinis ako na 'di ko maipaliwanag," napapailing kong sabi at dito ko ibinagsak ang sarili sa malambot na higaan, nagpagulong-gulong ako rito na parang bata kasehodang malukot na 'tong suot ko.

Hanggang sa.

Bumukas ang pinto at dito ko nakitang pumasok si Keanu, nang magtama ang tingin namin ay umukit ang ngiti sa kanyang labi. Pagkasara n'ya ng pinto ay dito n'ya inalis ang suot n'yang coat.

"Liam, nandito si Keanu. Ibababa ko na muna 'tong tawag, ha?"

"Teka, master--"

"Bye," at do'n ay binaba ko na ang linya at kaagad akong bumangon at umupo sa gilid ng kama.

Ilang sandali pa.

Naramdaman kong tila lumubog ang kutson hudyat na sumampa si Keanu rito, ilang saglit lang ay naramdaman ko s'ya rito sa'king likuran at bahagyang inaamoy-amoy ang batok ko pati ang aking leeg at do'n s'ya nagsalita banda sa'king tenga, "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang. Ba't hindi ka manlang nagsabi sa'kin?" Bulong n'ya sabay kagat nang marahan sa tenga ko.

Dumistansya ako.

"Ewan ko. Ba't hindi mo na lang tanungin si Keyshia, baka alam n'ya ang sagot," walang gana kong tugon dahilan para matigilan s'ya.

Umayos s'ya ng upo at dito ay niyaya n'ya ako pahiga sa kama at marahan s'yang umibabaw sa'kin, ramdam ko ang hininga namin ni Keanu dahil sobrang malapit ang mukha namin sa isa't isa, matapos no'n ay naramdaman kong hinawakan n'ya ang kaliwang palad ko at pinwesto n'ya banda sa'king ulo.

Hanggang sa.

Inilapit n'ya pa lalo ang kanyang mukha dahilan para magdikit ang ilong naming dalawa, marahan kong pinikit ang mga mata ko at dito ko naramdaman na dinampian n'ya ako ng halik sa'king pisngi, "Hershey, nagseselos ka ba kay Keyshia?" Malumanay n'yang tanong sa'kin.

Pagmulat ng mga mata ko ay dito nagtama ang tingin naming dalawa dahilan para kaagad akong umiwas ng tingin, "Hershey," hinawakan n'ya ako banda sa baba at marahang hinarap muli sa kanya.

"Tss, ba't naman ako magseselos? Lakas naman ng loob mong sabihin sa'kin 'yan, eh wala namang tayo," sagot ko dahilan para matigilan s'ya.

"Hershey. Ex-girlfriend ko si Keyshia, kung hindi ka nagseselos ay bakit nakabusangot ka? H'wag kang mag-alala dahil marami lang s'yang kinwento sa'kin no'ng nasa Canada pa s'ya,"

"Edi pakinggan mo lahat ng kwento n'ya hanggang gabi, sana ay hindi mo na lang ako inimbita rito," hindi ko nga alam kung ba't ako nag-iinarte ngayon, nakakainis!

"Ganyan ka pala magtampo? Ang cute mo." Matapos no'n ay napatingin ako sa labi n'ya nang dilaan n'ya ito, at do'n ay nilapit na naman n'ya ang mukha n'ya sa'kin dahilan para paulanan n'ya ako ng halik sa magkabilang pisngi ko, "H'wag ka na magtampo, okay? Alam naman nilang lahat na ikaw lang ang gusto ko," matapos no'n ay dinaganan n'ya na talaga ako, naramdaman ko na nga lang na kusang gumalaw ang kamay ko payakap sa kanya.

Hanggang sa.

Umayos s'ya ng pwesto at dito ay isang mabilis na halik sa'king labi ang kanyang ginawa, sunggab kung sunggab at hindi ko na nagawang mabigla o ano dahil maging ako ay napapikit na lang at sinabayan ang pagsugpong ng labi naming dalawa. Marahan lang s'ya sa kanyang pagsiil ng halik sa'kin at ramdam ko ang tamis nito dahilan para lalo ko pa s'yang idiin sa'kin.

Hindi ko alam pero habang ginagawa namin 'yon ay para bang ayoko na 'tong matapos pa, lalo na't nararamdaman ko ang dila ni Keanu na halos gumagalugad sa'king bibig dahilan para halos hindi ko s'ya masundan, bagama't nakaalalay lang s'ya sa kung paano ba ang tamang pakikipaghalikan.

© kopimakiyato

Rose Golden Paradise (Amore Archives #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon