Kabanata 15

36 0 0
                                    

Kabanata 15. Pagkikipagkilala

"Totoo nga, nandito si Hershey Avaro! Akala ko ay nagbibiro lang sa'kin si Keanu. Pwede ba tayong mag-picture?" Ang paglapit sa'kin ng isa sa mga kaibigan ni Keanu, s'ya si Ghon.

Tumango lang ako.

"Kayo na muna ang bahala kay Hershey, pupuntahan ko lang 'yung ibang mga bisita," paalam sa kanila ni Keanu at dito n'ya ako nilingon, "dito ka lang, ah? H'wag kang mag-alala dahil mababait naman ang mga 'yan," sambit n'ya pa kaya naman sinuklian ko na lamang s'ya ng isang ngiti.

Ilang sandali pa.

"Kinagagalak kitang makilala, Hershey. My name's Anya, I'm Keanu's cousin! Grabe, totoo nga 'yung sinasabi nila na para kang artista," s'ya namang paglapit sa'kin ng isang babae, maganda s'ya at meron pa s'yang basong hawak na may lamang wine.

Dito naman pumwesto si Ghon sa'king tabi at umakbay, "Tingin ka rito, pre." Do'n nga ay tinutok n'ya sa'min ang isang digital camera kaya naman wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lamang.

"Tigilan mo nga s'ya, Ghon! He seems uncomfy, baka mamaya ay bigla na lang 'yan umuwi sa kanila. Yare ka sa papa n'yan," pagsabat ng isa pang babae, "hello, you can call me Aoki-- nice to see you here, Hershey," nakangiting kinamayan pa n'ya ako no'ng mga sandaling 'yon.

"Matagal ka nang kinu-kwento sa'min ni Keanu, I can't believe na ngayon ka pa lang n'ya sa'min ipinakilala,"

"True. Would you like to join us sa mini bar? Nasa 2nd floor lang 'yon nitong ship, tara-- sama ka sa'min!" Pagyaya sa'kin Anya.

Lumingon ako kay Keanu.

Pero abala s'ya sa pagsalubong sa iba pang mga bisita, karamihan ata rito ay mga kaklase n'ya rin dahil pawang ang lahat ay ka-edad lamang namin. Puro pang-party din ang kanilang mga suot bagama't ang suot namin ni Keanu ay namumukod-tangi, kami lang ang nakasuot na pang-pormal na animo parehong Prinsipe ang dating naming pareho.

Maingay ang paligid.

Dinig ko ang mga tugtugin mula sa kabuuan ng silid, lalo na no'ng maidala nila 'ko ro'n sa mini bar na sinasabi nila. Kakaiba ang dyanra ng musika na ngayon lamang ako nakarinig, hindi kasi ganyan ang madalas kong pakinggan 'pag nasa bahay ako, kadalasan ay mga sikat na banda lang ang pinapakinggan ko.

"Hershey, sayaw tayo," nakangiting pagyaya ni Aoki sa'kin sabay hawak sa'king kamay.

Hanggang sa may isa pang lalaking dumating at may hawak itong baso ng wine, "Whoa, sino naman 'yang lalaking 'yan? What a pretty boy," bungad nito sa'kin at dito ko napansing kinagat n'ya ang ibabang labi n'ya habang nakatingin sa'kin.

"Si Rockwell 'yan, h'wag kang sasama d'yan dahil masamang impluwensya 'yan-- dito ka lang sa table namin," bulong naman sa'kin ni Anya dahilan para kunot-noong binalingan s'ya ni Rockwell ng tingin.

"Ghon, your girl's harsh as fuck. I was about to introduce myself to this pretty boy, but then she interrupted me." Inis na sambit pa ni Rockwell dahilan para magtawanan sa paligid, "But, seriously though. I'm Rockwell, you must be Hershey Avaro Gonzales, right?" Dito n'ya nilahad ang kamay n'ya habang nakatingin ng diretso sa'king mata, hinihintay na kamayan ko s'ya.

Pilit akong ngumiti.

Akma ko na sanang aabutin ang kanyang kamay pero kaagad na may tumabig dito, nang lumingon ako sa'king gilid ay dito ko nakita si Keanu. "Sorry, bro. Pero akin ang isang 'yan, you can roam around this ship and fuck every pillow you want. H'wag ang pag-aari ko," nakangising sabi pa sa kanya ni Keanu dahilan para mapakamot na lang sa ulo si Rockwell.

Rose Golden Paradise (Amore Archives #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon