Kabanata 18

20 0 0
                                    

Kabanata 18. Sayaw

Alas-8 no'ng gabing 'yon, sinama ko si Keanu sa taas banda ro'n sa veranda dahil nando'n ang nakahandang sorpresa ko para sa kanya. Ayun kasi ang huling palapag nitong barko kaya naman do'n ko naisipang ilagay ang mga regalo, lalo na't kinausap ko na rin si kapitan Steven tungkol sa mga 'yon, ayon kasi sa kanya ay hindi nadadaan ang mga bisita ro'n.

"Teka, bakit kailangan may panyo pa ako rito sa mata ko? Baka naman sobrang grabe naman 'yung regalo mo? Hindi kaya isang malaking pating 'yan na nakalagay sa aquarium?" Biro ni Keanu habang inaalalayan ko s'ya sa paglalakad banda sa dulong bahagi ng veranda.

Bahagya 'kong natawa.

"Ba't ko naman idadamay ang pating para gawing regalo para sa'yo? Puro ka naman kalokohan d'yan, eh." Sagot ko pero napakapit s'ya sa'kin nang mahigpit tapos ay bahagya n'yang hinihimas-himas ang kamay ko.

"Pero alam mo, Hershey? Kahit wala kang regalo sa'kin ay ayos lang. 'Yung bagay pa lang na kasama kita ngayon dito sa kaarawan ko, sobrang sapat na para sa'kin,"

Napangiti ako.

"Nandito na tayo," bulong ko sa kanya dahilan para alisin ko ang panyo na naka-piring sa kanya, marahan n'yang minulat ang kanyang mga mata at dito ay halos manlaki ang mga ito at mapanganga s'ya sa mga nakalatag sa regalo.

Punong-puno ng kahon-kahong mga regalo ang nasa kanyang harapan, sandamakmak na paper bag na naglalaman ng iba't ibang damit, relo, alahas, sapatos, at marami pang iba. Matagal ko 'tong pinaghandaan, at syempre ayokong maging simple lang ang mga regalo ko sa kanya. Ang totoo n'yan, no'ng pumunta kami sa pamilihan ni Liam ay bumili lang ako ng panghuling regalo ko sa kanya.

"Hershey, hindi ba't parang ang dami naman nito? Grabe, para naman akong artista na pinadalhan ng sandamakmak na regalo," namamanghang sabi n'ya pero nakangiti lang ako habang pinagmamasdan s'yang puntahan 'yung mga regalo n'ya.

Lumingon s'ya sa'kin.

Kaagad n'ya akong pinalapit sa kanya dahilan para 'yun ang aking gawin at dito ay ginawaran n'ya ako ng matamis na halik sa'king labi, kasabay no'n ang mahigpit na yakap kaya naman abot tenga ang kanyang ngiti tapos ramdam ko ang marahang paghaplos n'ya sa'king likod.

"Salamat. Hindi ko inakalang maglalaan ka ng ganito kalaking effort para lang sa'kin, paano ba ako makakabawi n'yan sa'yo?"

"Para sa'yo naman talaga ang lahat ng 'yan, pero syempre..." Ngumiti ako at lumingon sa bandang bungad sa veranda, dito pumasok si kapitan Steven dala ang isang cake at lumakad s'ya palapit sa'min, "isa sa mga sorpresa ko 'to, sana magustuhan mo," nakangiting sabi ko pa at nang makalapit sa'kin si kapitan Steven ay kaagad n'yang inabot sa'kin ang cake.

Katahimikan.

Gamit ang dalang kamay ko ay binuhat ko ang cake at humarap kay Keanu, sinindihan naman ni kapitan ang kandila kaya naman ngumiti ako at tumingin sa mga mata ni Keanu. "Hm, happy birthday..."

Bakas sa mukha n'ya ang saya, kitang-kita ko 'yun sa mga mata n'yang animo mga bituin sa kalawakan. Kay sarap pagmasdan lalo na't ang mga matang 'yon ay tila kumikislap dahil sa labis na kagalakan at ako ang s'yang dahilan, kaya naman nang makita kong gano'n s'ya kasaya ay tila may kung anong humaplos dito sa'king puso dahilan para halos maluha ako sa labis na ligaya.

Ipinikit n'ya ang kanyang mata.

Sa mga oras na 'to ay batid kong sinasabi na ni Keanu ang kanyang hiling, kasabay no'n ang paghipan n'ya sa kandila at dito ay isang panakaw na halik sa'king pisngi ang kanyang ginawa dahilan para mabigla ako bagama't nakangisi lang s'ya at tuwang-tuwa sa ginawa.

"Sobrang swerte ko naman sa mapapangasawa ko," sambit n'ya dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.

"Teka, alam mo na?"

"Hm, 'yung tungkol sa magiging kasal natin balang araw? Oo naman, baka nga mas nauna ko pa 'yun nalaman kaysa sa'yo," at do'n ay marahan kong ibinaba ang cake sa mesa, isang yakap muli ang iginawad n'ya sa'kin.

Ilang saglit pa.

"Ehem," nang marinig namin si kapitan ay kaagad kaming naghiwalay ng yakap ni Keanu, "Kung maaari ay babalik na ako ro'n sa baba, masaya ako para sa inyong dalawa. Lalo na sa'yo, Keanu. Nawa'y matagpuan ninyo ni Hershey ang walang kapantay na kagalakan, at muli, maligayang kaarawan," pormal na sabi pa ni kapitan Steven tapos ay sumaludo pa s'ya sa'ming dalawa, kaagad din kaming nagpasalamat.

Katahimikan.

Matapos n'yang bumaba ay muli kaming naiwan ni Keanu rito sa veranda. Malamig ang paligid bagama't 'di ko 'yun nararamdaman dahil sa labis na sayang nararamdaman naming dalawa ay tila wala lang ito. Lalo na't magkasama kaming naupo sa isang bilog na mesa at s'yang may telang kulay puti, simple lang ang disenyo nito ngunit romantiko kung titingnan.

Kasama 'to sa mga hinanda ko para sa kanya, isang munting salo-salo para lang sa'ming dalawa. Naupo kaming dalawa ro'n habang nasa gitnang bahagi ng mesa ang isang rosas at dito ay kinuha n'ya ito gamit ang kanyang labi tapos ay inilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin.

Nagtaka naman ako.

Ngunit nang mas lalo n'yang ilapit ang kanyang mukha ay tila nakuha ko ang kanyang ibig sabihin, kaya naman kinuha ko ang rosas gamit ang aking labi dahilan para magawaran namin ng halik ang isa't isa, umukit ang matamis na ngiti sa kanyang labi no'ng mga sandaling 'yon, kasabay no'n ang paghawak n'ya sa'king kamay at dinala ako sa gitna.

"Teka, hindi 'to kasama sa mga hinanda ko ah?" Bulong ko sa kanya dahilan para matawa s'ya, do'n ay dumating ang tatlong musikero, ang isa ay may hawak na biyolin at ang dalawa naman ay gitara at do'n ay tumugtog sila ng romantikong awitin para sa'ming dalawa.

"Syempre, hindi ako papayag na ikaw lang ang may sorpresa sa'kin. Kaya nga heto, talagang pinapunta ko pa ang mga 'yan dito. Alam mo bang sikat silang musikero sa silangan? Ma-swerte ako dahil pinaunlakan nila ang nais ko," sagot n'ya pa, kasabay no'n ang marahan n'yang paghawak sa'king bewang.

Nagtama ang aming tingin.

Dito ako kumapit sa kanyang magkabilang balikat, ilang sandali pa ay marahan naming sinabayan ang mabagal na musika habang banayad na tumutugtog ang mga musikero ng romantikong kanta. "Hershey, sobrang saya ko na kasama kita... Alam mo bang unti-unti kong nararamdaman na..."

"Ano 'yun, Keanu?"

"Na... mahal na kita," sagot n'ya dahilan para umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, pero sinundan n'ya lamang ito at ginawaran ako ng halik sa'king pisngi dahilan para tila magtatalon sa saya ang aking puso.

Ikot by Over October

Paikot-ikot lang
Mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang
Mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli
Aaminin ko ba?
O baka bigla lang mawala
Kung ano mang pumapagitan
Sa'ting dalawa
Naiisip mo ba
Sa mga oras na tayo'y magkasama
Kung ano tayo sa buhay ng isa't isa
Paikot-ikot lang
Mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang
Mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli
Araw gabi
Tanging ikaw ang nasa isip
Kahit laman ng panaginip
Ay ikaw
Ang aking hiling
Tumanda nang ikaw lang ang kapiling
Habang buhay ay pipiliin
Ko ikaw
Paikot-ikot lang
Mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang
Mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli
Pauulit ulit na lang sinasabi
Pero 'di ko naman pinaninindigan
Oh, palaging nagdadal'wang isip
Paulit ulit ko lang sinasabi
Sa sarili ko ang mga hindi
Mabitawang salita para sa'yo
Ikaw lang at ikaw
Ang sinisigaw
Ng puso kong 'di mapakali
Ikaw lang at ikaw
Ang sinisigaw
Pag-ibig ko'y sana mapansin
Ikaw lang at ikaw
Ang sinisigaw
Ng puso kong 'di mapakali
Ikaw lang at ikaw
Ang sinisigaw
Pag-ibig ko'y sana mapansin
Paikot-ikot lang
Mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang
Mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli

© kopimakiyato

Rose Golden Paradise (Amore Archives #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon