Chaos Griff's POV
Pinapanood ko ang pagtutuos ng dalawa kong kuya. Parang may malaki
silang inis sa isa't isa dahil sobrang lakas ng pagwasiwas nila ng kahoy na espada sa direksyon ng isa't isa. Napanguso ako nang maalala ang sinabi sa akin ni tito Leonard tungkol sa naisip kong iyon.
"They do not hold grudges nor hate each other your highness. Ginagamit lang talaga nila ang buong lakas nila sa tuwing nagsasanay sila ng sabay."
Napabuntong hininga ako at napapikit ng mata dahil sa malakas na hangin. Pagdalilat ko ay nasa lupa na nakaupo si kuya Fhilicx habang nakatutok sa kaniya ang kahoy na espada ni kuya Phinicxxe. "I won. Again." Nakangising sambit sa kaniya ni kuya habang ang kausap naman niya ay masama ang tingin.
"You always do." Bakas ang inis sa boses ni kuya Fhilicx nang sumagot siya at marahas na tumayo para pantayan ang kakambal. Napanganga ako ng kwelyuhan ni kuya Fhilicx ang kapatid na mas lalong ngumisi sa kaniya.
"Why can't you just let me win!?!"
"You're just too prideful to admit that you will always loose against me."
Napakurap ako ng ilang beses ng makita na unti-unting nagiging tensyunado ang hangin sa paligid nila. "They're fighting again?" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon at nakita si tito Leonard na nakakunot ang noo na nakatingin sa dalawa kong kuya.
"I swear to the lords that if those two fought again, I'll break their arms." Bulong niya habang minamasahe ang sintido na mukhang sumasakit nanaman. Napangiwi ako ng mapagtanto na ang dalawang iyon ang rason kung bakit parang mas matanda siya tignan kesa sa totoong edad niya. Siguro nga na nakakatanda ang stress.
Pinanood ko kung paano niya pingutin ang tenga nila kuya ng makalapit siya sa kanila at kung paano umangil ang dalawa dahil sa biglaang pagsulpot ni tito Leonard. "Can you two stop fighting infront of your little brother? Nagiging masamang ihemplo kayo para sa kaniya." Rinig kong pagpapangaral niya sa mga kuya ko na umiwas lang ng tingin at hindi na nagbalak na prumotesta.
Ngi-ngisi-ngisi naman ako nang makita silang naglalakad palapit sa akin. "Pinagsabihan kayo ano? Ayan! Ang likot niyo kasi." Pang-aasar ko sa kanila at nagawa pang tumawa. Dahil ako ang bunso sa amin ay hindi nila ako magagawang saktan. Aba! Ako yata ang pinakapaborito ni mama sa aming tatlo!
"You're lucky mom favors you." Bakas ang irita sa boses ni kuya Phinicxxe nang sabihin na iyon. Nginisihan ko lang naman siya at tumayo. Pinagpagan ko ang damit ko kahit na hindi naman madumi. "Ang suwerte ko nga naman." Saad ko at nginisihan pa sila bago tumalikod at naglakad na paalis.
Isa sa mga napansin ko habang tumatagal ako rito sa palasyo ay ang maikli nilang pasenya. Siguro nga makuha namin ito kay mama kasi maikli rin pasenya niya eh.
-------
Kunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa harap naming tatlong magkakapatid. Sino ba 'to?
"What are you doing here pest?" Iritableng tanong ni kuya Fhilicx habang masamang nakatingin sa lalaking nginisihan siya. "I came here to make friends with both of you." Nakangising sagot niya sa kuya at inayos ang pagkakaupo. Hindi ko alam pero parang naging iritado narin ako sa lalaking 'to. Feeling ko kasi may masamang balak 'tong lalaking 'to eh.
BINABASA MO ANG
Stone Hearted Empress
RandomEmpress series#1 She who was destined to heir the throne, everyone feared her, everyone envy her. She ruled the whole empire without an emperor yet her parents still wants her to get married. Stone-hearted, that's what everyone in the palace describ...
