Chaos Griff's POV
Hinila ko ang pana at binitawan ito nang maipokus ko ang buong atensyon sa gusto kong patamaan. Ngumisi ako ng malawak ng makitang sapul na sapul ang pana sa gusto kong tamaan at malalim ang pagkakabaon niyon.
"Nakita niyo ba 'yon!?! Ang galing kong umasinta!" Ngising pagyayabang ko sa dalawa kong kuya na nasa tabi ko lang. Inirapan ako ni kuya Phinicxxe habang ginulo naman ni kuya Fhilicx ang buhok ko. "Good job Riri!" Bati niya na mas lalong ikinalawak ng ngisi ko.
"Why would you be fond with archery anyway?" Tanong ni kuya Phinicxxe na pinag-isipan ko ng mabuti bago sagutin. "Hmm, kasi gusto ko ng thrill?" Parang ewan na sagot ko na ikinangiwi niya. "That's not even a suitable answer to my question." Nakangiwing saad niya na ikinabungisngis ko.
Tumingin ulit ako sa harapan at kumuha pa ng panibagong pana bago ipuwesto sa palasong hawak ko. Itinaas ko ang dalawa kong kamay na may hawak ng pana at palaso at tinutok sa panibagong target. Medyo may kalayuan ito sa kaninang pinapatamaan ko kaya kinalkula ko ng maigi ang lahat sa isip ko bago bitawan ang hawak.
"You're really great at this." Bakas ang mangha sa boses ni kuya Fhilicx ng sabihin niya iyon ng matamaan ko direkta sa bullseye ang pana. Ngumisi lang ako sa kaniya at may kayabangan na hinimas ang baba ko. "Tama nga ang desisyon kong pilitin si papa na ipasok ako sa ganito." Ngisi kong komento habang nakahimas parin sa baba ko.
Napabusangot ako ng hawakan ni kuya Phinicxxe ang buong mukha ko at marahang itinulak. "You're too full of yourself." Bakas ang irita sa boses niya kaya mas lalo akong napabusangot. Parang siya hindi rin lumalaki ang ulo minsan.
Nasa kalagitnaan kami ng maliit naming pag-aaway ng bigla kaming lapitan ng isang grupo ng babae na parang kasing edad lang nila kuya. "Hi!" Bati ng isa sa kanila at kumurap-kurap sa harap nila kuya na halata namang hindi interesado sa kanila.
"We saw what your little brother did earlier, it was amazing!" Matinis ang boses ng isa sa kanila ng sabihin iyon at binigyan ako ng isang plastik na ngiti. Oo, alam ko na plastik iyon dahil halata namang nagpapalakas sila sa akin dahil may gusto sila sa mga kuya ko.
"What about it?" Malamig na tanong ni kuya Fhilicx habang seryoso naman ang kakambal niya. Tumitig rin ako sa limang babae at napagtanto na halos katangkaran ko lang sila. Sabi ni papa na mas matangkad daw ako kesa sa mga kaedaran ko kaya hindi na ako magtataka kung hanggang leeg na ni mama sila kuya.
Bahagyang napaatras ang pinaka-nasa-unahang babae dahil sa sobrang lamig ng dalawa kong kuya. Humalukipkip ako habang nakikinig sa mga salita nilang alam kong excuses lang para makausap kami.
"A-ah.... I never saw someone do that in such a young age so I thought it was incredible." Nakangiwi nang sagot ng isa sa kanila kaya napaikot ako ng mata. Excuses nanaman.
"Hmm. If that's all then we would like to have our privacy now." Hindi man halata pero ramdam ko ang inis at irita ng dalawa kong kuya sa mga babaeng 'to. Ginugulo kasi nila kami—ako sa pagpra-practice ng archery. Mukhang nakaramdam naman yung lima kaya agad silang umalis sa harap namin.
"Annoying pest." Rinig kong bulong ni Kuya Phinicxxe na dahilan ng mahina kong paghagikgik. Ayaw na ayaw kasi talaga ni kuya ang maging sentro ng atensiyon kaya ganiyan nalang siya kung umasta.
BINABASA MO ANG
Stone Hearted Empress
RandomEmpress series#1 She who was destined to heir the throne, everyone feared her, everyone envy her. She ruled the whole empire without an emperor yet her parents still wants her to get married. Stone-hearted, that's what everyone in the palace describ...
