PROLOGO

4 2 0
                                    

PROLOGO

HINDI MAGANDA.

That's how I always describe myself. As I look in the mirror every time, I saw a very flawed lady. Disgusting. One word that define me, as I remember.

Sabi ng pamilya ko, maganda raw ako. I have a long black wavy hair that my mama finds as one of my assets. However, sabi naman ni papa, gustong-gusto raw niya ang mga mata ko na nagmana sa kaniya. My blue eyes.

Hindi ko naman maitatanggi na minsan na akong pinapaniwala ng ilusyon kong iyon. Growing up, I believe that I am pretty, or at least above average.

Naaalala ko pa kung paano ako maglagay ng iba't-ibang kolorete sa mukha at palamuti sa buhok ko. Just to be part of those kids I want to be part of, to play with.

Pero habang tumatagal, napapansin ko na, kaya lang pala nila ako sinasali para pagtawanan. Para may makutya sila, habang sila ay tawa nang tawa. Akala ko noon ay normal iyon. Na normal lang na itulak nila ako, paluhudin sa damuhan, tapunan ng mga putik, at umuwing amoy malansa sa bahay. Akala ko talaga normal 'yon, hanggang sa napatanong ako kung bakit kapag naglalaro kami ng tagu-taguan, ako lagi ang taya. Aabutin ako ng hanggang hapon sa labas para lang hanapin sila, tapos malalaman ko na umuwi na pala ang mga kalaro ko.

Hindi sumagi sa isipan ko ni isang beses na hindi naman talaga ako parte ng grupo. Siguro, kung hindi pa ako nakita nila mama at papa isang beses sa kalye na basang-basa at amoy tae, ay hindi ako maliliwanagan.

Back then, I am a people pleaser. I'll definitely do everything just to fit in the society. Just to be accepted by many. Hindi ko alam kung natapos na ba ang pagiging people pleaser ko noon, pero pakiramdam ko kasi may natitira pang kaunting ugaling ganoon sa akin.

I want to be someone else. Masama bang humiling ng ganoon? I crave for the attention from the people that surrounds me. Yes, my family loves me in a very atypical way. Mahal ako ng pamilya ko simula sa kaluluwa ko, sa lahat ng meron ako, never akong nag-doubt sa pagmamahal na meron sila para sa akin. Pero may pero.

Gusto kong tanggapin ako ng lipunan. Hindi ganoon kakilala pero at least kabilang. I want to be one of the standards the society thinks of for a woman. 18 pa lang ako pero ganito na ako mag-isip, paano pa kaya kung mas tumanda na ako at hindi ko makuha ang gusto ko?

Hindi na nga ako maganda, toxic pa.

"Art, pumasok ka na, kakain na!" Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko ang tawag na iyon ni mama. No choice, kundi ang pumasok.

"Ate, tingnan mo oh, bigay ni lola,"

"Ate, mas maganda ang bigay ni lola sa akin,"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa kong kapatid na kambal. Kinilala ko muna kung sino ang sino.

"Etchosero ka talaga Kenji, parehas lang naman kayo ni Keanu," ani ko habang umiismid kay Kenji, sa pangalawang nagsalita.

Napanguso si Kenji habang si Keanu ay patango-tangong nakatingin lang sa hawak niya. Paano kaya naging magkambal ang dalawang ito?

"Ate, hindi naman kami magkapareho, look oh? Kenji have a paint brush while I have a journal," saad ni Keanu habang nakatingin sa mga kamay nil ani Kenji na kapuwa may mga hawak ng bagay na sinasabi niya.

Sa pagkakataong ito ay ako na lamang ang napakamot ng batok, iginiya ko na lang sila sa hapagkainan habang naglalakad kami patungo roon. Paniguradong kapag si Keanu ang nagsalita at pinabulaanan ni Kenji ay hindi kaagad matatapos ang usapan. Kaya bilang ate, huwag na lang magsalita.

Kagaya ng nakagawian kapag pumupunta sa bahay nila lola, kakain kaming pamilya sa hapag kasama si lola. That's the scenario every time we go to lola and lolo's house. Matagal nang biyuda si lola, wala na rin kasama sa bahay maliban sa kasambahay na stay in para alagaan siya at ang bahay. Bigyan man namin siya ng tiyansa na tumira sa bahay namin sa Pampangga kasama kami, ay ayaw naman ni lola. This may hold a very significant place in her heart. Kaya siguro ayaw niya maiwan-iwan.

Natapos ang tanghalian namin ng matiwasay. Busog na naman ako sa luto ni mama, paniguradong tataba ako. Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan kasabay ng pagtingin ko rito. Insecurities check.

Habang abala sila sa baba ay hinayaan ko na muna silang magkaniya-kaniya roon. I want to roam around this area, this house for the nth time. Hindi ko alam, hindi ako nagsasawa sa pagbalik-balik ko rito. As I look in the hallway of the top floor of the house, I saw the door of a room half open. My curiosity strikes me at the moment, making me follow the path where that door is located. Noon ko lang napansin na ang kuwartong may pintong nakasiwang ay ang kuwarto nila lolo at lola.

Wala naman sigurong mali kung papasukin ko hindi ba? Why do I sound like a criminal? Tsk.

"Wow," hindi ko maiwasan ang magkumento dahil sa aking nakita. It's very vintage. Ang mga gamit at muwebles sa kuwarto ay halatang matagal ng andito, pero nakikita ko ang matinding pag-aalaga at pag-iingat dito. No wonder why my lola doesn't want to leave this wonderful place.

Agad napukaw ang atensiyon ko ng makita sa may bed side table ang isang bagay na nagniningning. Akala ko nga kanina ay diyamante na, kaya medyo nanlumo ako noong nakita ko na isang salamin pala ito.

Kagaya ng mga kagamitan sa kuwartong ito, mukhang matagal na rin itong naririto. Naka-ukit sa likod nito ang letrang V, siguro ay sumisimbolo sa aming apelyido, Vergara. Wala namang espesyal sa salamin, maliban na lang sa maganda talaga ito. Maybe this is a family heirloom?

Mas lalo lamang akong nanlumo ng makita ko ang aking sariling repleksiyon sa salamin. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin, walang pinagbago, malamlam pa rin ang aking mga mata na hindi ko alam kung saan galing. Hindi naman ako puyat o pagod. Ang aking ilong na matangos naman, pero hindi pa rin ako nagagandahan. Ang labi ko na nagbibitak-bitak na sa sobrang dry. Akala ko pa naman may pagbabago dahil sa salamin na ito, mas lalo lang ata akong pumangit.

"Naku Art, hanggang ngayon ba naman, umaasa ka pa rin na gaganda ka?"

Do not plagiarize.

-BCG-
All rights reserved 2024.

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon