25

1 1 0
                                    

Hi my steffers! Thank you for reaching this so far, honey. Thank you for lending me your spare time in reading this. Malapit na tayo sa katotohanan, hehe. Enjoy reading! xoxo

- B C G

KABANATA 25: SHE'S BACK

“Mama!!!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lamang akong nagsusumigaw. Tinatawag ang aking ina sa nakasanayang itawag sa kaniya.

Napatingin ako sa salamin, pinakatitigan nang maiigi ang sariling repleksyion. Naninibago ako. Iyon ang salitang makapagsasabi sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi dahil nanghihinayang ako dahil hindi na ang mukha ni Matilda ang nakikita ko, kundi dahil sa wakas. Sa wakas ay kaya ko nang tingnan ang sarili sa salamin ng walang ibang nararamdaman kundi galak. Ang sarap sa pakiramdam na matanggap mo ang sarili sa kung ano. Hindi na ako nasusuka, hindi na ako napapangitan sa sarili ko. Ang ganda ganda ko pala, talaga.

“Anak? Okay ka lang? Sumisigaw ka ba?" Kasabay nang pagkatok sa pinto ang pagsalita ng boses ng may kagagawan noon. Hindi ko na napigilan pa ang sariling nararamdaman, hindi ko na kayang pigilan pa ang emosyong pinigilan ko ata sa loob ng isang buwan.

Unti-unting tumulong ang aking mga luha. Damang-dama ko ang pagkasabik—pagkasabik na muling makita ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na ata kayang makita na hindi nila ako maalala, hindi ko na ata kakayanin pa.

Gulo-gulo man ang buhok, wala man sapin ang aking magkabilang paa, ay sinimulan kong ihakbang ang mga ito hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili na nakatayo na malapit sa pinto.

Lumuluha man ang mga mata, nanginginig man ang mga kamay dahil sa matinding emosyon na nadarama, ngunit hindi ito naging hadlang para sa akin upang magawa ko ang binabalak ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ang seredura ng pinto at hindi na naghintay pa ng anumang sandali at kaagad nang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ng babaeng unang nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako. Ang babaeng hindi ako sinukuan, na sa bawat pagdaan ng araw patuloy na ipinapaalala sa akin na maganda at sapat ako. Ako nga lang ata talaga ang hindi nakakikita ng kagandahang taglay ko, nabulag marahil ako ng kaisipang pangit ako, na siyang binuo ko sa utak ko.

“M-mama," aniko. Kaagad akong lumapit kay mama at sinunggaban siya ng isang napakahigpit na yakap. Ang mama ko. Totoo na ang mama ko.

“Mama, mama, mama ko," paulit-ulit kong saad habang sinisipat ang mukha niya. Sinisigurado kung nakabalik na nga ba talaga ako o gawa-gawa na naman ito ng utak ko. Totoo si mama, totoo na ang mama ko. Mahal na mahal ko ang mama ko.

Paulit-ulit ako sa pagbanggit ng salitang 'mama', halatang gulong-gulo na rin siya sa mga pinaggagagawa ko. Wala na akong pakialam pa sa iisipin ni mama, tutal oa naman siya, oa naman kami. Galing ako sa pamilyang oa, ang sarap sa feeling na mapabilang sa pamilyang oa. Vergara very oa.

“Nak? Sabihin mo sa akin, anak, huwag kang magsisinungaling," saad ni mama habang unti-unting rumaragasa ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Kaagad naman akong nataranta, hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ganito ang nararamdaman ni mama ko? Bakit umiiyak si mama? Hala.

“Lizette? Anong nangyayari riyan? Bakit nag-iiyakan kayo?" Pagkalito ang siyang nababasa ko sa buong mukha ni papa, tila isa kaming puzzle na kailangan niyang matuloy kung paano buuin. Ganoon na ba kami kawirdo ni mama ngayon?

"Ha? Bakit nag-iiyakan?" Narinig ko na ang mga yakap ng kambal na papalapit, hindi talaga mawawala kailangan ang pagiging madaldal nitong kapatid kong si Kenji, jusko. Napangiti ako kahit na may mga luha pa sa aking mukha. Para ka ng timang, Art. Ka-miss. Ang sarap sa pakiramdam na sabihin ulit ang palayaw ko.

“Ate, mama, anong problema ninyong dalawa? Ang aga-aga," saad ni Keanu habang hawak-hawak ang kaniyang paboritong mug at talagang humigop pa rito.

“Papa, Kenji, Keanu." Isa-isa kong banggit sa tatlong lalaking bumuo ng buhay ko. Kaagad akong lumapit sa mga ito at binigyan sila ng tig-iisang halik sa mga pisngi. Hindi mawala-wala sa mukha mo ang ngiting na-miss ko. Halos isang buwan din pala simula noong hindi ko naramdaman ang aking sarili na ganito kasaya. Iba pala talaga kapag ang dahilan ng mga ngiti mo ay ang mga taong mahal mo.

“Ate! Bakit ka nanghahalik? Hindi ka pa nagmumumug!" Himutok ni Keanu at kaagad na umiling sa akin, pinunasan niya pa ang pisngi bago tuluyang umalis sa eksena upang bumalik sa kusina. Imbis na sawayin ito dahil sa ginawa, ay mas napangiti pa ako dahil sa sinabi niya. Same old Keanu.

“Ay hala? Muntanga?" Umiiling-iling naman na saad ni Kenji bago ako ngiwian, ngunit kalaunan ay inakap na lang din ako at kapagkuwan ay tinapik ako sa balikat ko. Sumunod siya sa kakambal sa kusina, habang heto kami nina mama at papa na naiwan dito sa labas mismo ng kuwarto ko.

Nalilito pa rin si papa, bakas pa rin sa mukha ang pagtataka, habang si mama ay hindi ko alam kung anong nararamdaman. Naiiyak ito at pinipigilan ang hikbi. Unti-unti namang nawala ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha, napalitan ito ng isang napakagandang ngiti na alam kung hindi basta-basta mawawala sa araw na ito.

“A-apollo, ang anak mo," saad ni mama bago hayaan si papang aluhin siya. Sa mga oras na ito ay dalawa na kami ni papang nagtataka sa ikinikilos ni mama. Nagkatinginan pa kami ni papa ngunit nagkibit balikat na lamang ako, wala rin akong alam pala. Bakit nga ba ganiyan ang naging reaksiyon ni mama?

“Tahan na, Lizette. Anong problema mo sa anak mo?" Pareho kami ni papa na naghihintay sa sagot ni mama, nakaabang na para bang nakasalalay sa sagot ni mama ang buhay namin.

“Apollo, ang anak mo, nag-da-drugs," aniya. Nalaglag ang panga ko habang si papa ay kasalungat ang naging reaksiyon sa ekspresyon na ipinakita ko. Shet? Akala ba ni mama nag-da-drugs ako dahil umiiyak ako kanina? Grabe naman talaga ang pamilyang ito, oa so much.

Humalakhak si papa bago magsalita. Patuloy pa rin si papa sa paghimas ng likod ni mama. Gusto ko sanang isigaw na respeto sa mga single pero huwag na lang, baka mabawasan ang baon ko.

“Lizette, lagi kayong magkasama ni Art sa tuwing naglilinis ng kuwarto niya. Sa lahat ng bagay, magkasama kayo, ultimo pagtae niyan, ikinukuwento sayo." Ibinigay ni papa ang mga salitang nais ni mama na marinig. Unti-unting humupa ang pag-iyak ni mama ng dahil dito.

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matatawa dahil iba ang naging reaksiyon ni mama. Pero dahil nga Vergara kami, naiintindihan ko si mama nang lubusan. Oa kami eh.

"Halika nga ritong bata ka." Bahagyang ibinuka ni mama ang mga braso niya at hinayaan akong lumapit sa kaniya. Sumali si papa sa pag-aakapan namin ni mama. Naramdaman ko na lamang din ang mga kamay at braso na pumalibot sa amin. Unti-unting bumigat sa balikat ko kaya paniguradong maging sila Keanu at Kenji ay nakiyakap na rin. Mga inggit, haha.

Hindi ko maiwasan ang muling mapangiti. Mahal na mahal ko ang pamilyang ito, at kung papipiliin man ako, sila at sila pa rin ang paulit-ulit kong pipiliin. Vergara ako, masaya ako bilang maging kabilang dito.

“Pero, naaalala ninyo talaga ako?" biglang tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanila.

Kaagad namang umalma si mama at nagpapadyak papunta sa kusina. Napuno naman nang tawanan at halakhakan ang buong umaga namin. Sarap, shet.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon