17

0 0 0
                                    

KABANATA 17: COMFORT

Nakatanaw ako sa dalawang kaibigan ko na masayang kumakain sa cafeteria, gusto ko silang samahan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gusto ko silang lapitan pero alam kong mas lalo lamang akong mangungulila, paniguradong kapag nilapitan ko sila ay mahihirapan na akong pigilan pa ang sarili ko na huwag itong gawin ulit.

Si Ara at Via lang ang kaibigan kong masasabi kong pinagtyagaan ako, ganoon din naman ako sa kanila, pinagtyagaan ko sila, hehe. Miss ko na ang dalawang ito, hindi ko alam kung kaya ko ba silang lapitan, mukhang mahihirapan din naman ako, kaya huwag na lang muna.

“Hey, Maine!” Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makita ko ang lalaking papalapit sa akin. Bigla-bigla na lamang din itong yumakap pagkalapit niya, ganito ba talaga sila ka-close ni Matilda? FC naman na masiyado itong si Theo.

“Anong kailangan mo?” saad ko at ibinalik na lamang ang tingin sa librong hawak ko. Kasalukuyan kasi akong naka-upo rito sa may bench malapit sa may building naming, kitang-kita rin ang cafeteria rito kaya rito na ako pumuwesto. Ang kaso ay may kung sino na lang ang bigla-biglang sumusulpot, paano na ako makapagre-reflect niyan?

“Ang ganda ng view rito ha, interesting,” aniya na siyang ikinatango ko naman kahit na ang paningin ko ay nasa libro pa rin.

"Oo, maganda talaga rito, presko pa,” sagot ko naman, ngunit wala akong nakuhang anumang tugon mula sa kaniya. Ang pagkakatanda ko ay maingay ito, base sa mga kaganapan sa bahay niya, kaya nakapagtataka ang pananahimik niya.

Ganoon na lamang ang pag-ikot ng mga mata ko at ang aking pagngiwi nang makita na nakangiti na ito mag-isa, may pahawak-hawak pa sa labi, titingin sa gilid, iiling, tapos mukhang timang na ngingiti ulit. Anong nakain ng mokong na ‘to?

Ibinaling ko ang aking tingin sa kung saan naka-pokus kanina pa ang mga mata niya, at ganoon na lamang ang paglaglag ng aking panga dahil sa nasaksihan.

Wala akong suot na salamin ngayon dahil hindi naman noon nagsusuot si Matilda, hindi rin ako nakapagsuot ng contact lens niya dahil abala lang iyon, ngunit pinagsisisihan ko ata ang bagay na hindi ko ginawa. Malabo ang paligid kung saan nakatingin siya, pinaliit ko ang aking mga mata upang masigurado kung ang tinitingnan niya ba ay ang tinitingnan ko kanina, at talagang oo pa ata. Lumayo pa ang tanaw ko, malapit lang naman pala sa puwesto na ito ang tinitingnan niya.

Kaagad akong tumayo at binatukan siya na naging dahilan upang muntikan pa siyang matumba mula sa pagkaka-upo. Ganoon siya kaulol at hindi niya na namalayan na babatukan ko na pala siya.

“Hey, that’s rude!” Hindi ko na inintindi pa ang sinabi niya bagkus ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad papalabas ng paaralan. Mukhang may gusto pa ata si Theo sa isa sa mga kaibigan ko, jusme.

Hindi ko na inabala pa ang sarili na intindihin ang pinsan ni Matilda na iyon at hinayaan ko na lamang ang aking sarili na sumakay sa taxi. Ganoon na lamang ang pagtataka ko nang itinigil ni manong driver ang sasakyan sa isang lugar na hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o kakabahan.

“Kuya, bakit po tumigil ka?” biglang namuo ang kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko ito pinahalata, muli pa akong sumulyap sa bintana at tagala naman, shet. Nasapo ko na lamang ang aking noo ng may mapagtanto kasabay nang pagsagot ni kuya sa aking tanong.

“Ehh mam, ito po ang address na ibinigay ninyo,” aniya habang ang isang kamay ay kumakamot sa batok at ang isa ay nakahawak pa rin sa manibela. Shet lang talaga.

Hindi na ako nakipagdiskusyon pa sa driver at kaagad na akong nagbayad at bumaba. Ang tanga ko naman, bakit ito ang address na sinabi ko? Bakit ang address pa ng bahay namin—bilang ako si Art ang sinabi ko?

Naihawak ko na lamang ang aking kamay sa aking sintido at dahan-dahan itong hinagod, as if naman na mawawala ang mga alalahanin ko dahil sa ginawa.

Nagsimula na akong humakbang paalis sa lugar na ito, ngunit hindi pa naman nangangalay ang paa ko sa paglakad ay may kung sino na ang tumawag sa akin. Imbis na mainis sa pamilyar na boses na narinig na siyang nakasanayang reaksiyon ko na ay taliwas ang aking ginawa, ngumiti ako ngunit hindi ako humarap sa nagsalita. Tumigil ako sa paglalakad at hinayaan itong lumapit sa akin.

“Matilda? Matilda B-brienne Jimenez, ikaw po ba ‘y-yan?” nagkandautal-utal pa nga ang kapatid ko na si Kenji nang makalapit na ito sa akin sa wakas. Hindi niya malaman ang gagawin. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa likurang bahagi ng buhok niya, tila pinapakalma ang sarali, habang ang isang kamay ay nakahawak sa bewang. Ano naman ang trip ng kapatid kong ito? Kahit ata hindi ko nakita ang kapatid ko ay alam kong siya na kaagad ito, siya lang naman ang pinakabida-bida sa pamilya.

“Kenji, pumasok ka na! Baka mahamugan ka riyan!” narinig kong sigaw ni mama sa loob ng bahay, bago ko marinig ang mga yabag ng paa na papalapit sa amin. Shet, huwag kang iiyak.

“Sino ba ‘yang kausap mo? Naglalandi ka na ba—,” hindi na natapos pa ni mama ang sasabihin niya nang makita niya na ang kabuuan ko—ang ako sa mukha ni Matilda.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang ang hintuturo niya sa kanang kamay ay nakaturo sa akin, kung hindi ko nga lang nanay ito ay paniguradong iisipin ko na dinuduro ako nito.

“Hoyyyyy! Mga Vergara! Si Matilda andito!” tila kinikilig na pahayag ni mama habang hindi mawala-wala ang paningin sa akin. Shet mama, miss na po kita.

Hindi nagtagal at tuluyan na rin lumabas sila papa at si Keanu na bakas din sa mukha ang pagkabigla at pagkagulat. Kaya sa huli, ang naging sistema ay nakapalibot na sila sa akin, sa loob na mismo ng bahay nila—naming. Hindi ko nga namalayan na nasa loob na kami, napagtanto ko na lang nga na ganoon ng maramdaman ko ang unti-unting pagsakit ng puwet ko dahil sa pagkaka-upo.

“Uhmm, napadaan lang po talaga ako, hindi ko po sinasadyang maabala kayo,” aniko sa mababang boses. Shet naman talaga, hindi ako ganito.

“Ang ganda mo namang nilalang na napadaan, ne.” saad ni papa habang tumataas-taas pa ang kilay.

“Ang awkward, pero ang ganda mo po,” saad ni Kenji habang nakatingin sa kisame.

“Nahihiya na ang bisita, huwag kang ganiyan, tss,” ani naman ni Keanu, pero kitang-kita ko naman ang pamumula ng kaniyang mga pisgi. 

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang makipag-usap sa kanila sa loob ng mahigit kumulang dalawang oras. Siguro, ganoon talaga kapag nangungulila, kapag ang kasama mo sa mga oras na iyon ay ang mga taong mahal mo, hindi mo namamalayan ang oras, ang bilis-bilis. Muling nabuhay sa loob ko ang kagustuhan na bumalik, ang makasama sila.

Hindi ko maiwasan ang maging emosyonal. Paano ko nakayang humiling na maging kung sino kung itong pamilyang ito ang inaasam ng marami? Paano ko nakaya na hindi sila makita sa loob ng halos dalawang linggo at magpakasarap sa buhay ni Matilda na hindi naman sa akin? Dal aba ‘yon ng matindi kong kagustuhan na magbago? Na gumanda? Ang mukha pati ang buhay, na wala na akong gugustuhin o gagawin, maglulustay ng pera na hindi ko naman alam kung saan galing, na hindi ko naman pinaghirapan. Paano ko nakaya ang lahat ng ‘yon?

Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha nila at ganoon na lamang ang pagpipigil ko sa aking mga luha sa pagtulo. Nakaya kong magpakasasa sa yaman ng iba, magpakasaya kasama ang pamilyang hindi ko kilala, habang nandito ang totoong matatawag kong kasangga.

Isang pangarap na mabuhay bilang isang Jimenez, pero isang kaasam-asam ang mapabilang sa angkan ng mga Vergara. Hindi ko na talaga alam kung anong gusto ko.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon