6

0 0 0
                                    

KABANATA 6: SALAMIN

Bagamat nasa entrada pa lamang ako ng pinto ng bahay, amoy na amoy ko na kaagad ang putaheng iniluluto, o siguro ay nakahain na sa hapag. Afritada. Paborito ng pamilya.

“Ate, tingnan mo oh, bigay ni lola,”

“Ate, mas maganda ang bigay ni lola sa akin,”

Hindi ko alam kung kanino sa dalawa kong kapatid ibabaling ang aking tingin. Nagpalinga-linga ako sa kanilang dalawa at saka nagkomento.

“Etchosero ka talaga Kenji, parehas lang naman kayo ni Keanu,” ani ko habang umiismid kay Kenji, sa pangalawang nagsalita.

Napanguso si Kenji habang si Keanu ay patango-tangong nakatingin lang sa hawak niya. Paano kaya naging magkambal ang dalawang ito?

“Ate, hindi naman kami magkapareho, look oh? Kenji have a paint brush while I have a journal,” saad ni Keanu habang nakatingin sa mga kamay nil ani Kenji na kapuwa may mga hawak ng bagay na sinasabi niya.

Sa pagkakataong ito ay ako na lamang ang napakamot ng batok, iginiya ko na lang sila sa hapagkainan habang naglalakad kami patungo roon. Paniguradong kapag si Keanu ang nagsalita at pinabulaanan ni Kenji ay hindi kaagad matatapos ang usapan. Kaya bilang ate, huwag na lang magsalita.

Nagsimula kami sa pagkain ng tanghalian. Marami ang napagkuwentuhan ng pamilya, ngunit ni isang usapan ata ay wala akong naiambag. Palaging si Kenji ang may kung ano-anong ibinibida, na nagiging dahilan upang mapuno ng tawanan ang hapagkainan na tila ata pinaglumaan na. Kahit nga kami ni Keanu na palihim na lamang kung tumawa ay napansin pa ng bida-bida namin na kapatid. Maging kami ay ipinagmamalaki niya.

Bakit kaya akong ate niya ay hindi kayang ipagmalaki ang sarili mismo?

Napatapos ang aming pagkain ng matiwasay. Hindi naman kami talaga magtatagal doon kung hindi lamang sa mga kuwetuhan na naganap. It is still better to do something like this other than isolating myself in the corners of my room. I want to explore, but I am afraid. I want to be better, but I just can’t. Alam kong may pumipigil sa akin, numero uno na roon ang sarili ko.

Habang abala sila sa baba ay hinayaan ko na muna silang magkaniya-kaniya roon. I want to roam around this area, this house for the nth time. Hindi ko alam, hindi ako nagsasawa sa pagbalik-balik ko rito. As I look in the hallway of the top floor of the house, I saw the door of a room half open. My curiosity strikes me at the moment, making me follow the path where that door is located. Noon ko lang napansin na ang kuwartong may pintong nakasiwang ay ang kuwarto nila lolo at lola.

Dala na rin ng kyuryusidad ay hindi ko naiwasang mapatanong sa aking sarili.

Wala naman sigurong mali kung papasukin ko hindi ba? 

Nagsimula akong maglakad nang mabagal, para bang ayaw kong may makarinig sa akin. Ewan, I sense something. A strong energy coming from this room. Sana naman ay ang kaluluwa ni lolo, mahina ako sa multo. Napa-sign of the cross na lang ako bigla, para magabayan ako. Bakit ba kasi kinakabahan ako?

“Wow,” hindi ko maiwasan ang magkumento dahil sa aking nakita. It’s very vintage. Ang mga gamit at muwebles sa kuwarto ay halatang matagal ng andito, pero nakikita ko ang matinding pag-aalaga at pag-iingat dito. No wonder why my lola doesn’t want to leave this wonderful place.

Nagpalinga-linga ako at hindi ko talaga maiwasan ang mamahanga. Sobrang gaganda. Siguro kaya ganito na lamang ang reaksiyon ko ay dahil sa mahilig naman talaga ako sa mga vintage na bagay. If I would be given a chance, sa bakasyon ay rito talaga ako pupunta. I’ll suggest that to mama and papa.

Nagsimula akong maglakad patungo sa isang direksiyon ng may nakita akong kung ano, isang bagay na nahatak ang aking kaibuturan. Wow, kaibuturan. Big word.

Agad napukaw ang atensiyon ko ng makita sa may bed side table ang isang bagay na nagniningning. Akala ko nga kanina ay diyamante na, kaya medyo nanlumo ako noong nakita ko na isang salamin pala ito. Kala ko pa naman ay maaari ko nang makumbinsi si lol ana isangla ito.

Kagaya ng mga kagamitan sa kuwartong ito, mukhang matagal na rin itong naririto. Naka-ukit sa likod nito ang letrang V, siguro ay sumisimbolo sa aming apelyido, Vergara. Wala namang espesyal sa salamin, maliban na lang sa maganda talaga ito. Maybe this is a family heirloom?

Siguro nga ay family heirloom ito, sobrang ganda, at sobrang antique na rin. Mukhang ilang siglo na nga ata ito, galing pa ata sa mga ninuno pa naming. Ang astig, ang ganda.

Mas lalo lamang akong nanlumo ng ibinaliktad ko ito upang makita ko ang aking sariling repleksiyon sa salamin. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin, walang pinagbago, malamlam pa rin ang aking mga mata na hindi ko alam kung saan galing. Hindi naman ako puyat o pagod. Ang aking ilong na matangos naman, pero hindi pa rin ako nagagandahan. Ang labi ko na nagbibitak-bitak na sa sobrang dry. Akala ko pa naman may pagbabago dahil sa salamin na ito, mas lalo lang ata akong pumangit.

“Naku Art, hanggang ngayon ba naman, umaasa ka pa rin na gaganda ka?” 

Napangiwi ako sa nakita. Akala ko pa naman kung may anong magic na itong salamin, na kapag titingnan ay makikita ko ang mukha kong maganda na. Sayang.

Ibaba ko na sana itong hawak kong salamin ng biglang may magsalita sa likuran ko. Muntikan pa akong mapatalon at muntikan ko na rin mabitiwan ang salamin na hawak, buti na lang at mahigpit ang pagkakakapit ko rito, dahil kung hindi, ayon, basag.

“Nakita mo na pala, apo,” saad ng boses sa likuran ko.

Hindi ako maaaring magkamali, si lola ito. Dahan-dahan akong humarap kay lola at ganoon na lamang ang pagpinta sa labi ko ng isang alanganing ngiti.

Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang magsalita ba o ang kumaripas nang takbo sa ibaba.

Nakahihiya.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon