KABANATA 10: MEDYO MAHIRAP
Natigil ako sa aking pagmumuni-muni ng biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Bree kanina. Teka, family dinner?
“Art. family dinner, tange,” mahinang litanya ko sa sarili ko bago ko binilisan ang bagay na dapat ay ginawa ko na kanina pa. Mabuti na lang at mabilis lamang ako maghilamos, wala pang limang minuto ay tapos na ako.
Kasalukuyan akong nagpupunas ng mukha at maghahanap na sana ng maisusuot, nang mapatingin ako sa pintuan dahil sa tunog na nangagaling sa labas nito. Patay. Sinong kumakatok? Kinalma ko ang aking sarili dahil hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng mga katok na iyon. Baka mamaya ay may mga itanong ito at hindi ko masagot, jusko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at laking pasalamat ko na lamang ng makitang hindi ito kamag-anak ni Matilda. Nakasuot ito ng pang-yaya na damit, hindi na ako magtataka kung marami silang katulong sa loob ng bahay. Sinesearch ko pa nga noon ang bahay nila, o mas mabuting tawaging isang palasyo dahil sa laki nito, grabe diba?
“Ma’am, andiyan na po ang ate ninyo, gayon din po sina Sir at Madam. Bumaba na raw ho kayo pagkatapos ninyong mag-ayos,” saad ni ate at tatalikod n asana dahil tumango naman na ako, subalit hindi ko napigilan ang aking sarili na magsalita.
“Sige ate, sana masarap ang ulam.” Naguguluhang tiningnan ako ni ate, ngunit kalaunan ay tumango na lamang din. Shet, oo nga pala. Wala ako sa sarili kong katawan. Ako ngayon si Matilda, at ang dapat na gawin ko ay ang mga kilos niya. Napanonood ko naman ang vlog niya, may idea naman ako kahit paano sa mga ikinikilos niya, sa gawi niya.
Binilisan ko ang pag-aayos, pero nang bababa na sana ako ay napa-isip ako. Kung mauuna ako, baka marami na kaagad silang itanong, hindi ko kakayanin iyon. Kung mahuhuli naman ako, paniguradong magtatanong sila kung bakit, dahil nandito lang naman ako sa kuwarto.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil sa kalituhan na namumuo sa aking isipan, ano ba ‘yan. Hanggang sa maisip ko ang isang bagay, paniguradong kapag ito ang ginawa ko. Hindi ako masiyadong gigisahin. Hindi ko alam kung bakit baa ko kinakabahan, eh magulang naman ‘yan ni Matilda. Ang kaso nga lang ay hindi ko kilala ang mga ito, maliban sa mga pangalan at trabaho, ‘yon lang.
Matilda:
Nasa labas ka na ba ate?Kaagad kong tinipa ang mga salitang ‘yan sa cellphone ni Matilda at sinend rin kaagad sa ate niya. Sana lang ay hindi ito mawirduhan sa akin kagaya ng mga tingin ni yaya kanina. Hindi rin naman nagtagal at nakuha ko na ang sagot kay ate, na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o dumagdag lang sa kabang nararamdaman ko.
Ate:
Oo na, bilisan mo Maine, you don’t want to be late here, don’t you?Dahil sa mga litanya na iyon ay kaagad na akong lumabas. Pinili ko lang ang isang baby blue na fitted shirt at isang trousers, tinack-in ko lang din ito para naman magmukha akong presentable. Napapanood ko kasi sa mga vlog ni Matilda na kahit nasa bahay lang sila ay mukhang mga pang-alis naman ang mga damit nila. Iba talaga kapag mayaman.
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pa roon ang aming mga magulang, I mean ang mga magulang ni Matilda. Masiyado ko naman na atang kina-career ang pagiging siya. Kaagad kong tiningnan ang suot ni Bree at medyo nabawasan ng tinik ang aking lalamunan ng makitang naka-tshirt lamang din ito, pero naka-skirt naman siya.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagngiwi niya sa akin—sa suot ko pala. Tiningnan niya ang aking kabuuan, hinagod ng kaniyang mata ang aking katawan, mula ulo, mukhang paa.
“What are you wearing? Akala ko ba ibibigay mo na ‘yan sa orphanage? Did you change your mind ba?” tanong ni Bree sa akin. Napalunok na lamang ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Shet? Ibibigay na sa orphanage itong damit na ito? Kaya pala nasa box na sa ibaba, akala ko ay bago, kaya roon ako kumuha, ‘di bale, at least may damit.
“Oh, medyo na-traffic raw sila dad,” saad ni Bree, kung kaya ay napatingin ako sa kaniya. Hindi ako umimik bagkus ay kinuha ko ang baso na nasa harapan at kaagad na lumagok ng tubig mula rito.
“Why are you so silent, Maine? Is something bothering you ba?” aniya at tinagilid ang kaniyang ulo upang makita niya ng lubusan ang aking kabuuan.
“Uhmm, may sinat ako kanina eh, I am a bit tired rin kasi,” saad ko na ikinatango niya naman. Shocks, saan ko nakuha ang english ko na ‘yon? Jusko po. At least, marunong naman pala ako, nakikinig ako sa teacher ko sa junior high.
“Gosh, kanina ka pa tubig nang tubig, wala ka na niyang makakain mamaya,” muli ay nagsalita na naman siya. Sa pagkakataong ito ay pinuna niya ang aking maka-ilang beses nang pag-inom ng tubig. Masisisi niya baa ko? Kinakabahan ang mga bulate ko eh. Gusto kong sabihin ito sa kaniya pero itinikom ko na lamang ang aking bibig, mahirap ata inglisin iyon, charot.
“That’s what I wanted, ate, para hindi masiyadong marami ang kainin ko mamaya,” sagot ko na siyang ikinakibit balikat na lamang niya. Mabuti naman at hindi na ito nagsalita, itinuon na lamang nito ang kaniyang atenisyon sa kaniyang cellphone.
Namayani na ang katahimikan sa paligid, maliban sa mga ingay na nagmumula sa kusina. Habang tumatagal ay mas kinakabahan pa ata ako, jusko po.
Medyo mahirap palang maging ikaw, Matilda.
✓
Do not plagiarize.
-BCG-
All rights reserved 2024.
BINABASA MO ANG
Concealed Beauty
Teen FictionHindi maganda. Iyan ang salita na palagian niya kung sambitin sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin. Wala raw espesyal sa kaniya, maliban sa kaniyang mga mata na tinataglay ang bughaw na kulay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang pagtingala ni...