EPILOGO

2 0 0
                                    

EPILOGO

“Good morning, Philippines!” sigaw ko nang magising ako. Nakasanayan ko na ata ang pagsigaw sa tuwing gigising ako, simula nang makabalik ako bilang si Art, ganito na ang naging gawi ko.

Dalawang buwan, dalawang buwan na ang nakararaan simula nang mangyari ang mga bagay na iyon. Nasa akin ang salamin, hindi naman kinuha na ni lola kagaya ng hinuha ko. Ako na raw ang magpapasa sa susunod na henerasyon nito. Sana lang hindi at mas matalino siya sa akin sa paghiling.

“Ang dami kong natutuhan sayo,” aniko habang hawak-hawak sa salamin at hinayaan ang aking kanang hintuturo na bagtasin ang letrang ‘V’ sa likod nito. Saka ko lang pala ma-re-realize na gusto ko ang buhay ko—na mahal ko ang tunay na ako kapag nawalay na ako sa pamilya ko. Siguro nga ay isang lesson sa akin ang mga nangayari sa loob ng isang buwan na pamamalagi ko bilang si Matilda.

I learned to never compare yourself to others. To be your own safest place. To think and look at my own reflection in the mirror without that disgusting feeling. Ang sarap sarap sa pakiramdam.

“Ganda mo,” komento ko sa sarili habang hawak-hawak ang salamin at kitang-kita ko ang repleksiyon ko roon. Ibinababa ko ito sa study table ko, sa loob ng dalawang buwan ay hindi ko ito dinadala, mahirap na at baka bigla na lang mawala. Hindi puwedeng mawala na lang basta ang salamin na ganito ang kakaibang epekto.

“Gising na si ate!” Narinig kong sigaw ni Kenji sa ibaba na siyang naging dahilan upang mapahagikhik ako. Maging sila ay nagigising kapag sumisigaw talaga ako. Sa nagdaan na mga buwan, napuno ng kasiyahan ang paligid ko. Natuto akong ngumiti kahit sa maliit na bagay, magkaroon ng kumpiyansa sa sarili kapag nagsasalita sa unahan, huwag pansinin ang mga taong wala namang ambag sa buhay ko.

I might not be the standard beauty for some. I may not have a fair skin, a clear skin, or what traits a human being should have to fit that standard, but I can say that I’m proud whatever my physical appearance would be.

It is not easy to accept my flaws and imperfections, but with that mirror, it teaches me that nobody is perfect. Nobody is, not even Matilda. Lahat tayo ay tao, lahat tayo ay may problema, lahat tayo ay daraan sa mga pagsubok sa buhay. It is a matter of learning every day, instead of constantly overthinking things that will destroy me little-by-little.

Via:
Where na ikaw? Theo is here na. Ara is wala pa. Matilda and Kendric are here na rin. You know naman na may proposal tapos late ka? Duh.

Imbis na sagutin ang text message na galing kay Via ay sumakay na lamang ako sa motor, paniguradong sa mga oras na ito ay nakataas na ang kilay nito sa akin. Napasarap kasi ang tulog ko, binibisita na naman ako ng lalaking hindi ko kita ang mukha sa panaginip ko. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi iyon si Kendric, may cut ang kilay ng lalaki sa panaginip ko, hindi ko maiwasan ang manghula. Sino kaya ‘yon?

Speaking of proposal, akala ko ay si Via ang gusto ni Theo, iyong mga model type ang datingan, iyon pala ay si Ara. Mga tahimik lang pero paniguradong kapag nagmahal ay putcha, wagas na wagas, hindi makalilimutan. Balak kasi ni Theo manligaw kay Ara, talagang sa public niya ‘yon balak gawin. Ewan ko kung sino ang nagkuwento kay Theo na ganoon ang gusto ni Ara, pero paniguradong si Via na ‘yon, naku, ang bibig talaga.

Kaagad ko nang pinaandar ang motor ko dahil naalala ko na hindi naman ako ang dapat nasa spotlight, it should be my best friend, Ara. Dapat maunahan ko ang babaeng iyon.

Sa nagdaang dalawang buwan din ay hindi ko alam kung paano nangayari ang mga nangyari na. Matilda and Kendric, well, napagalaman ko na may something na talaga sa kanila, sadyang balak sana ng parents ni Matilda ay saka na sila maging mag-on kapag graduate na pareho. Ang kaso ay sina Matilda at Kendric na ito, imposibleng masabihan ang dalawang ito, kahit nga nasa public ay ang sweet sweet nila.

While Via, my other best friend, ay may nilalanding model, hindi pa niya pinapakilala dahil baka raw mausog. And there is Theo and Ara, magliligawan na, kaya ang natira ay ako. Wala man akong jowa, pero at least sa mga oras na ito ay alam ko na ang halaga ko.

Kaagad kong tinanggal ang helmet na suot ko at ang bumungad sa akin ay hindi ko inaasahan. Laglag ang pangang napatingin ako sa lalaking nagtatanggal din ng helmet niya, shet! Ang pogi.

Imbis na bawiin dito ang tingin ng tuluyan na niya akong makita ay mas lalo ko pa siyang pinakatitigan, bakit pamilyar ang lalaking ito? Nanlalaki ang aking mga matang napatingin sa lalaki, nakaawang pa nga ata ang bibig ko, ni hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya, shet. Shet na shet.

“Do I know you, miss?” anito. Imbis na sagutin ay naglakad ako papalapit sa kaniya na may ngisi sa mga labi. Kapag nagkakataon nga naman talaga, hayst.

“Let me guess…Bo,” saad ko ngunit tinaasan lamang ako nito ng kilay na siyang ikinahalakhak ko. Kailan pa naging masungit ang lalaking ito? Sa pagkakatanda ko ay kalog ‘to.

“Huh?”

“Bo Callum Quiambao, BSBA ang course, kapitbahay mo si Theo Jimenez,” aniko habang nakangising aso. Nagulat pa talaga ang loko at kaagad na nilagay ang mga kamay niya sa dibdib niya. Parang tanga, pero…poging tanga.

“Grabe ka? Sino ka? Bakit mo ako kilala? Stalker ka ‘no?” anito habang naglalakad papalapit sa akin, shet. Bakit lumalapit ito? Tumigil lamang siya ng halos kalahating metro na lamang ata ang layo namin sa isat-isa.

“Hmmm, kasi ikaw si Calm? Ang dahilan kung bakit Calmado ako.” Tang ina? Bakit ganiyan ang banat ko? Letche, ang pangit. Napahalakhak naman ang loko kung kaya ay pinamulahan ako ng mukha, ano ba ‘yan? Bakit hindi ko pinaghandaan? Wala naman kasing pasabi ang lalaking ito na lalabas siya sa chapter na ‘to, panira.

“Kung ako si Calm, ikaw naman si Art. Ann-Margret Bliss Carlotta Leona Vergara. Dalawa ang kapatid mo, kambal. Educ student ka, particularly ang major mo ay Mathematics,” anito.

Imbis na mangamba, hindi ko maiwasana ang mamangha. Naaalala niya ako? Shet? Naaalala niya ba ako?

“Sa loob ng dalawang buwan, gustong-gusto kitang lapitan. Ang kaso, ang daming nakapalibot sayo, gusto ko sana…solo kita. Kung hindi mo naman mamasamain, puwede tayong mag-coffee date riyan sa labas…mamaya…hehe.” Napakamot pa ito sa batok na tila nahihiya siya sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko naman maiwasana ang mapangiti, shet? Hindi naman sa assuming ako, pero ibig sabihin hindi niya ako naaalala, pero dahil ako si Art, gusto niya akong lapitan?

Shet?! Mukha ko na ‘to ha, mukha ko na bilang si Art, pero gusto niya akong lapitan, grabe. Hindi ko maiwasan na muling mapatitig sa kaniya, ngayon ko lang napansin ang kilay niya na may cut, teka…may cut? Kagaya ng lalaki sa panaginip ko? Hala, meant to be ba kami nito? Okay lang, ang bango-bango naman niya, hehe.

“Masiyado bang mabilis?” tanong nito ng hindi ko makuhang sumagot sa kaniya. Namumula na rin ang buong mukha nito maging ang kaniyang mga tenga, shet? Kenekeleg ka ren ba koya?

“Ihh, strict kasi ang parents ko,” aniko na siyang ikinatawa naming dalawa. Mauunahan ko pa ata si Ara na magkajowa. Na-realize ko lang na maganda ako, lumandi na ako, grabe.

Mukhang magugulat mamaya sila Lizette at Apollo Vergara kapag sinabi ko na…











































I’M GETTING MARRIED!!!

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon