KABANATA 4: BREAKDOWN
Gusto kong magmura. Tangina. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o tuluyan na akong ninakawaan ng katinuan. Parang gusto ko lang maging si Harleyquinn, putangina.
Hindi ko ugaling magmura at mas lalong hindi ako pinalaking palamura ng mga magulang ko, sadyang hindi ko lang maiwasan. Nakakapikon. Napipikon ako sa sarili ko, at sa mundo. Hindi ko nga lang alam kung sino ang mas lamang sa dalawa.
Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Noong mga nakaraang linggo naman ay masaya ako, nakangingiti pa nga ako. Nagagawa ko pa ng maayos ang mga paper works ko, pero simula noong lunes hanggang ngayon, isang salita na lang ang masasabi ko. Wow.
I am not a psychology student so I do not know how the human brain works. I just know that sometimes we are happy, but at the end, we are bound to do the opposite.
We are not perfect, nobody is. But why do I envy somebody because they can flawlessly flaunt their beauty to the world, as if they do not care to what others might say. Minsan, o mas mabuting sabihin na palagi. Palagi kong hinihiling na maging ganito, to be someone that will never let those people words dictate me, rule me. Pero kahit anong gawin ko, nasa sistema ko na ata ang magpaapekto. How I hate it so much. How I hate this feeling.
Sa isang araw, iba’t-iba ang mood na magagawa natin. Sometimes, there are moods or scenarios we intend to do, but sometimes it happens naturally, no force at all. Para bang, dahil sa isang bagay, isang tao, isang kaganapan, ay natri-trigger na ang kung ano man ang nasa loob natin. Sometimes, we do not notice that we have changed, due to several aspects that surrounds this fucked up lives of us.
“Kailan ka ba magbabago, Art?” tanong ko sa sarili habang pinapadaan ang magkabila kong kamay sa aking buhok dulot ng matinding pagkabigo. Pagkabigo saan? Sa lahat.
Hindi ko naiwaksi sa sarili na hindi pasadahan ng tingin ang loob ng aking kuwarto. Ang kama ko na puno ng kung anong mga papel—colored paper, art papers, sticker papers. Lahat ng klaseng papel andito na ata, jusko. Isama mo pa ang mga folder, cartolina at mga illustration boards na pinagkabitan ko ng kung ano-ano para sa presentation namin. Ayaw makisama ni Prof. sadista, gustong-gusto kaming pahirapan.
Ganoon siguro talaga ang buhay, walang madali, never naging madali. You need to go through every holes and stairs, before you finally reached there, but what if you don’t? What will happen?
Dahil sa naisip kong iyon ay mas lalo lamang akong napaiyak, mas tumindi pa ang palahaw ko ng makita ang mga tambak pa ng kung ano-anong papel sa may printer, ganoon din sa lapag kung nasaan ako. Hindi ko pa tapos ang ppt, hindi pa ako nakapagpra-practice para sa report, wala pa akong kain, hindi pa ako nakapagre-review, ang dami ko pang hindi nagagawa.
Ganito nga talaga siguro ang hell week. Parang hindi pa ako nasasanay, eh simula hayskul danas na danas ko na ito. Pinasok ko pa naman ang pagiging isang STE student, dapat sanay na ako. Bakit hindi ko magawang masanay sa lahat ng nangyayari sa akin? Bakit parang lagi pa rin akong naninibago? Bakit ang daming bumabagabag sa isip ko? Tangina, Art, BAKIT?
“Coping mechanism mo talaga ang pag-iyak, A-art?” Imbis na tulungang patahanin ang sarili, ay mas inudyok ko pa ang aking sarili na paniwalain na ayos lang ang lahat, na okay lang. Kahit hindi naman talaga. Ganoon nama tayo diba? We intend to hide those lonely eyes and tiring moments into a fake smile. Well, as for me na hindi ngumingiti, hindi ko alam kung paano ko pa naitatago ang mga bagay na iyon.
“Art, okay ka lang? Kumain ka na ba?” itinigil ko ang aking panandaliang paghikbi upang hindi marinig ni mama ang mga ingay na ginagawa ko dahil sa aking pag-iyak. The last thing I want mama to be worried about, is when the time comes that she will notice that her brave girl was actually a weak one. Palagi naman akong kinukumusta ng pamilyang ito, pero sadyang matigas ako, ayaw kong dumepende sa kahit na sino, kasi alam kong sa huli, sarili ko pa rin ang kakapitan ko.
“Opo ma, may sound trip lang po ako rito para goods ang pag-aaral, kumain na rin po ako sa labas kanina,” sagot ko sa pasigaw na boses upang marinig ako ni mama, kahit paano. Lies. Your life is full of lies, Art. Guess who is the mastermind? It is no other than, the girl with the ugliest mask, yours truly.
“Sige, kung may kailangan ka, nasa baba lang kami ng papa mo, o nasa kuwarto,” imbis na sumagot ay hindi ko na ginambala pa ang aking sarili upang gawin iyon.
Kung normal na araw ito ay paniguradong pinasok na nila mama ang kuwarto ko, pero dahil alam nilang hell week naming ito ngayon, hindi na sila nag-aksaya pa na gawin iyon.
“It’s me, hi, I’m the problem, it’s me
At tea time, everybody agrees.”“Tama na. Pati ba naman ikaw Taylor Swift? Oo na, ako na ang problema,” isisigaw ko na sana ang lahat, pero naalala ko na ayaw kong istorbohin pa ang mga magulang ko. Hindi ko gugustuhin na makita ang lungkot sa mga mata nila kapag nakita nila ang ayos at kalagayan ko sa mga oras na ito.
Napagdesisyonan ko rin na patayin na ang musikang napakalakas, ngayon ko lang napagtanto na nakaririndi na pala ito. Bakit ba hindi ko inisip na baka may ginagawa rin ang mga kapatid ko? Hindi lang naman ako ang nag-aaral sa pamilyang ito. Naku naman talaga, Art.
Napatingin ako sa wall clock na hindi ganoon kalayo sa printer ko pagkatapos kong patayin ang speaker upang i-charge ito. Buti naman at naki-ayon na ito sa akin, lowbat na rin eh.
Alas-onse y media. Sana, kagaya na lang ako ng speaker, kapag napagod, puwedeng i-charge, at tadaa, may energy na ulit pagkatapos, kaso hindi.
Napahikab muna ako bago tinapik-tapik ang sarili. Tapos na ang breakdown moments ko.
“Back to work, Art.”
✓
Do not plagiarize.
-BCG-
All rights reserved 2024.
BINABASA MO ANG
Concealed Beauty
Teen FictionHindi maganda. Iyan ang salita na palagian niya kung sambitin sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin. Wala raw espesyal sa kaniya, maliban sa kaniyang mga mata na tinataglay ang bughaw na kulay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang pagtingala ni...