23

1 0 0
                                    

KABANATA 23: HUG

Tatlong araw. Tatlong araw na lang ang natitira at lalabas na ang salamin. Marami akong natutunan, marami akong naunawaan. We don’t need to compare ourselves to others, we all have our own beauty, our own spark. We can build our own castle; we will be the one that is going to reign that. Maaaring ang bagay na ito ay hindi para sa atin, pero time will come, there is that one thing na naghihintay para sa atin. Hinihintay ang pagdating at pagtanggap natin.

I looked at the mirror and I couldn’t help myself but to get teary eyed and smile.

“Matilda,” aniko habang hinaplos ang sariling mukha—ang mukha ni Matilda. Wala akong maipipintas sa mukha niya, ni katiting nga na salita ay wala akong masabi, liban sa pangalan niya.

As I stare at this face for a long time, the feeling I only have is admiration, not the usual envy I always feel whenever I see her face in her vlogs, or in school. Ano mang pagkutkut ko sa dibdib ko para ilabas ang inggit na lagi kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya, ay wala na talaga. Hindi ko na ito mahagilap.

I realized that I was blinded by envy, by the thought that I can never be the same as Matilda. I can never be like her, we are totally different people, but I can also paint my own direction, I can also build my own confidence. Everything takes time, patience is the key—really.

“I heard that your speech was successful, you’re doing good, anak,” aniya ni Ailani Jimenez—the mother of Matilda. Imbis na sumagot ay lumapit ako rito at yumakap ako. Naramdaman ko ang pagkatuod nito sa kaniyang kinatatayuan habang yakap-yakap ko siya. Hindi nga ata sila sanay sa physical touch, that’s not the love language of this family.

Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking buhok ng hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kaniya. Walang namutawing mga salita sa mga bibig namin, tanging ang pagtunog lamang ng langoy ni Bree sa pool ang naririnig.

"OMG!" sigaw ni Bree nang makita kaming magkayakap ng nanay niya. Hinawi nito ang buhok na basang-basa ba dahil kaaahon pa lang niya sa pool. Bago pa man kami makalayo ng mommy ni Matilda ay tuluyan na itong nakalapit sa kinatatayuan namin at yinapos kami. Naging sanhi ito upang mabasa na rin kami ng tuluyan. Hindi man lang talaga nagpunas, jusko.

“My pretty girls didn’t invite me for a hug?” aniya ng kadarating pa lang na si Braylen Jimenez.

“Dad!!! Join us here!!!” sigaw ulit ni Bree.

Mahigpit na mahigpit na yakap ang ibinigay namin sa isat-isa. Wala naman talagang pamilya ang perpekto. Maraming away, pero ang mahalaga ay nagbabati pa rin sa dulo. The Jimenez family is not as perfect as I imagined, but they are trying their best to be the family they would love to have.

“Anong nakain mo, Maine? Ilang minuto ka nang nakayakap sa akin,” saad ni Theo habang hinahagod-hagod ang likod ko. Akala mo naman ay umiyak ako, trip niya lang siguro talaga ang hagurin ang likod ko. Tumigil lang kami nang makarinig kami ng tikhim sa gilid, tikhim na nagmumula kay Kendric. Humiwalay na rin ako sa pagkayakap ko kay Theo dahil kanina pa nga naman ako nakayapos sa kaniya.

“Don’t know, kanina pa ganiyan siya, she’s so sweet,” aniya ni Bree habang kumakain ng apple na tila kinikilig.

Hindi ko sinagot ang mga ito bagkus ay lumapit ako kay Kendric na kadarating lang. Nandito sila sa mansiyon nila Matilda, mukhang dahil linggo at hapon naman na ay nagpapahinga na. Umalis na rin ang magulang nila Matilda at Bree kanina, mukahng hindi talaga kayang mapirmi sa bahay ng isang araw. Hindi nga sila umabot ng kalahati man lang.

“Hiramin ko muna si Kendric, sa garden lang kami,” aniko at hinawakan sa palapulsuhan si Kendric upang hilain papunta sa garden. Narinig ko pa ang ilang mga pang-uulot at mga salita ng dalawa na akala mo ay hindi nila nakikitang ganito palagi ang sistema.

“Thank you.” Bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na siya. Napangiti ako nang makita ko ang nagtatakang tingin sa mga mata niya pero hindi siya nagsalita, hinayaan niya lamang ako sa sunod kong ginawa. Lumapit ako sa kaniya at inakap siya ng mahigpit na para bang ito na ang huli.

Sininghot ko ang amoy niya dahil sino ba naman ang hindi kung ganito kabango ang kayakap ko. Tyansing na ba ako?

“What’s wrong? Do you have something in your mind? You know that you can always share it with me,” aniya bago ko maramdaman ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. Buti na lang pala at naligo ako.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus ay mas nagsumiksik pa ako sa dibdib niya at doon ay ipinikit ang mga mata.

Alam kong gusto ko si Kendric, matagal ko siyang ginusto, pero hindi naman lahat ng gusto mo ay mapapasayo. Okay na okay na sa akin na makita siya sa malayo, solb na solb na ako roon.

Kagaya nang pagtanggap ko sa mga bagay habang nandito ako sa katawan ni Matilda. Pagtanggap na lahat ng bagay ay merong katapusan, pero sa bawat pagtatapos ay may panibagong simula na mabubuksan. Admiring Kendric—or should I say, loving him do not give me any regrets.

Napagtanto ko na sa mga oras na ito, lahat ng desisyon ko ay isang desiyon na mas magiging dahilan upang matuto ako, upang ang mga bagay sa mundo ay matanggap ko.

I don’t have any regrets, not even wishing being Matilda Brienne Jimenez.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon