20

1 1 0
                                    

KABANATA 20: TAPSILUGAN

Hindi pa rin ako pinapansin ni Kendric hanggang ngayon. It's not that it’s his responsibility to do such a thing, pero hindi lang kasi ako sanay. Even before, kahit wala pa ako sa katawan ni Matilda, nakikita ko sila palagi. Hindi man nag-uusap, pero at least magkasama. Hindi ko alam, I feel sketchy, parang may kulang na something—someone. Okay lang naman kasi talaga kung hindi kakausapin eh, pero ‘yung hindi ka papansinin, ay masakit naman talaga, aba.

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng classroom nila. Technically hindi naman mismo sa may pinto, oa ko naman na masiyado kung ganoon, hindi pa naman kami, hehe. Nakatambay lang ako sa isang bench malapit sa classroom nila, iyong tipong kapag lumabas siya ay kitang-kita kaagad ako. Naku talaga, hindi pa nga kami, nagpapasuyo na, jusko. Pero go lang, kung ganiyan ba naman kaguwapo ay hindi na ako tatanggi pa.

“Kung sakaling bumalik ako bilang si Art, mawawala ka rin sa akin diba?” Hindi nawala ang pait sa boses ko nang sabihin ko ang linyang ito. Napangiwi ako, bakit ba kapag nage-emote ako ay kailangan sa public place?

Bigla na naman akong napa-isip, wala eh, kinain na naman ako ng mga agam-agam ko. Nawala na naman ‘yung mga desisyong nabuo ko. Just because of one reason, I would overlook my choices. Na para bang lahat mali, walang tama, na dahil sa mga bagay na ito nalilimutan ko na ang lahat.

Gusto ko rin naman maranasan iyong feeling na siguradong-sigurado ako sa isang bagay. Na kapag nagdesisyon ako, papanindigan ko at hindi ako magsisisi, pero hindi ko ata kaya. Hindi ko pa nga sinusubukan, pinapangunahan ko na ang sarili ko. Ang hirap pala kapag sarili mo rin mismo ang kalaban mo.

“Hoy!” sigaw ng kung sino na naging dahilan upang matayo ako mula sa pagkaka-upo. Pambihirang Calm ito, oo, never akong magiging kalmado kapag siya ang kaharap ko.

“Ay shet!” aniko. “Problema mo na naman ba? Lagi ka na lang sumusulpot kapag nage-emote ako, panira ka!” Sigaw ko sa kaniya nang makabawi ako mula sa pagkakabigla.

“Baka meant to be talaga tayo, don’t you think so?” aniya habang tumataas-taas pa ang dalawang kilay. Halatang nampipikon lang, payag bhe, pikon na ako.

“I don’t think so.” Singit ni Kendric sa usapan nang makarating na siya sa puwesto kung nasaan ako. Shet, hindi ko naman alam, ni hindi ko man lang napansin na nandito na siya.

Maamo man ang mukha ni Kendric at mukhang hindi mang-aaway ay salungat naman ito sa sinasabi ng kaniyang mga mata. Ang dilim nito, grabe. Mukhang kanina pa naging pulutan si Calm kung nakamamatay ang tingin, huwag na Kendric. Payag naman na ako na ako na lang ang gawin mong pulutan. Napahagikhik ako dahil sa namumuong imahinasyon ko sa isip ko. Hayst, sarap.

“What’s funny, Maine? Let’s go.” Tumingin pa muna sa akin si Kendric bago muling samaan ng tingin si Calm na mukhang kanina pa ata nagtataka sa aming dalawa. Mukhang hindi niya nga rin ito kilala, sabagay, bagong lipat pa nga pala. Mukhang ang hagikhik ko ay naisatinig ko pa ata, naku po.

Bago sumunod kay Kendric ay pinasadahan ko muna si Calm ng tingin at kaagad siyang inirapan. At dahil nga oa siya ay napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na akala mo ay gulat na gulat sa mga pangyayari.

Shet! Paano sumuyo nang nagtatampong pogi na masungit?

“Kendric! Wait!” sigaw ko habang naglalakad takbo para marating kaagad ang kinatatayuan nito. Ang haba naman ng biyas nito, mahaba rin kaya ang ano?

“Shet!” Bigla na lang akong nakatapak ng balat ng saging na naging dahilan upang madulas ako, saktong naka-heels pa ako, ang sarap sa feeling. Kinikiss ko na siguro mamaya ang de-tiles na sahig.

Bago ko pa man maramdaman ang malamig na sahig sa mukha ko ay may humatak na kaagad sa braso ko, kaya imbis na ang sahig ang mahalikan ko, wala akong nahalikan sa huli. Charot charot ako eh, imposible naman na halikan ako ni Kendric sa public place, hiya ako, shy pu aku. Pero legit, bigla akong napayakap sa kaniya dahil sa biglang paghatak niya sa akin papunta sa mga bisig niya. Ang bango, tang ina lang ‘yan.

You know the feeling of excitement when you are with someone? The feeling of secretly biting your lips because you want to stop yourself from squelching? Para na tuloy akong tanga rito na nakasubsub sa dibdib niya, shet lang. Tulog na ako rito oh.

“Be careful next time guys,” anito sa mahinang boses pero dahil malapit na malapit na malapit ako sa kaniya ay rinig na rinig ko ang boses niya. Shocks, ganito ba ang klase ng magiging kamatayan ko? Okay lang sana kung mamatay ako sa kilig, pero wala pa kasi akong first kiss.

“Sorry po,”

“Sorry, Kendric and Matilda,”

“Sorry, sorry, sorry talaga,”

Narinig ko pa ang mga paghingi ng paumanhin ng mga taong nakahulog ata ng balat ng saging, hindi naman talaga big deal iyon, lalo na kung ang premyo naman ay ang maging ganito kalapit sa crush mo. Sarap.

“You can now let go me,” aniya at pagkatapos ay tumikhim. Nagtaka naman ako dahil namumula ang kaniyang tenga, ganoon din ang magkabilang pisngi niya, iba talaga kapag mestizo.

Walang namutawig mga salita sa pagitan naming dalawa. Para tuloy kaming mga high school student na naghihintayan sa mga crush nila. Magkakatinginan, ngunit kaagad din magbabawi ng tingin sa isat-isa. Titingin sa sahig, sa taas, kahit saan, para mapigilan ang kilig na nararamdaman.

Sa huli, ako rin naman ang bumasag sa katahimikan na ‘yon, ako naman talaga ang may kasalanan, dapat ay ininform ko siya, kahit sana pagkauwi ko. Nag-aalala rin naman nga iyong tao.

“Ano, tara? May malapit diyan na tapsilugan, kain tayo,” aniko habang napapakamot sa batok. Shet, tama ba ang sinabi ko?

“Tapsi what? You now have a new favorite place?” amusement was written all over his face as if he’s writing to figure out what’s gotten into me when I said that. Oo nga naman, hindi nila alam or hindi sila sanay sa tapsi—what.

“Ahh hindi naman, if you want sa coffee shop na lang, hehe.” Bigla akong nahiya, napayuko pa nga ako eh. Nakalimutan ko na naman na hindi ako si Art ngayon, nasa katawan ako ni Matilda at kailangan kong sundan ang mga bagay na ginagawa niya. Kasi ‘yon naman talaga ang nakasanayan niya.

“Ahh no, its okay, we can eat at that tapsii—ehrr, yes,” aniya habang patango-tango pa, tinatandaan siguro kung tam aba ang nasabi niya. Cute naman nito, sarap ibulsa.

“Just…if you need someone to hatid you, put in mind that I’m always available when it comes to you. Let’s go?” Hindi ko alam kung ano ang pagtutuunan ko ang pagka-slang at pagka-conyo niya. Mas gusto ko kasing isipin na nagseselos talaga siya. He’s avoiding me, technically speaking— Matilda, because he’s jealous, kailangan sigurong magpalamig.

Hindi ko maiwasan ang mamangha, not because alam kong may posibilidad na may nararamdaman sila sa isat-isa ni Matilda, pero dahil sa kaisipan na ako kaya, kalian? Kailan ko mararanasan ang ganitong klase ng pagmamahal?

“Sure, tara. Kain tayo sa tapsi—ehrr mo.”

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             






Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon