21

0 0 0
                                    

KABANATA 21: 3 WEEKS

Tatlong linggo na. Within the time frame of one week, the mirror would once again show its form to me. Kapag dumating ang araw na ‘yon ay gagawin ko na naman ang isang desisyon na lubusang magpapabago ng buhay ko. I’m doubting myself, my decision, my life choices—everything about me. Pero hindi naman puwede na palagi na lang, I need to stand, I need to be sure, and I don’t want to be regretful in the end. Kaya hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa gusto ko, sa mga bagay na dapat gawin ko. Maraming risk, maraming sacrifices, pero all at once, alam kong later on I’ll finally make up my mind about the choice I will be making.

“Maine, Maine.” Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Bree mula sa labas nito. Isinantabi ko muna ang pagtutupi sa mga damit bago maglakad papunta sa pintuan para pagbuksan siya.

“Oh! You’re folding the clothes na?” aniya habang lumilinga-linga sa kuwarto ko, bago ako tuluyang hawiin sa mahinang paraan upang tuluyan na siyang makapasok.

“Ang dami pong ipapamigay?” tanong niya habang sinusuri ang mga gamit na nilagay ko sa mga box. Halos magta-talong box na rin pala ang nalagyan ko ng mga gamit na ipapamigay.

“Well, we can always buy things, but the childrens cannot,” aniko at kalaunan ay nagkibit balikat. Totoo naman eh, maraming pambili ng kung ano-ano ang pamilya nila, kaya hindi naman masama kung ang ibang gamit ni Matilda ay ipamigay ko na, mukhang hindi na rin naman ginagamit eh, nasa pinakasulok-sulukan na.

“AHHHHH! You’re aging na ha.” Bree cupped my face and slowly pinch my two cheeks. Nagulat ako sa inasal niya kaya naman hindi ako kaagad nakapagsalita. Hanggang sa ma-realize ko ang sinabi niya na siyang naging dahilan ng aking pagngiti.

Pansin ko nga rin. Mas natuto ako, mas nag-mature ako, maraming nagbago simula noong napunta ako sa katawan ni Maine. Para bang mas nalaman ko ang pasikut-sikut ng buhay, syempre hindi naman lahat, pero mas naunawaan ko ang mga bagay-bagay. Kagaya na lamang nang pagtanggap ko na bagay talaga si Kendric at Matilda, period.

“Oh, before I forgot kung bakit ako nandito, nagyaya kasi si Theo. Kasama si Kendric mo siyempre,” aniya habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran na siyang nginisihan ko na lamang. Isa rin ito sa mga napansin ko sa tuwing makakasama si Kendric, laging suportado ni Bree ang kapatid niya, ateng-ate ang datingan sa akin. Ang sarap sa pakiramdam.

“Bakit daw? Saan pupunta?” tanong ko habang ipinapasok na ang ilang damit na tapos ko nang maitupi. Tumulong na rin si Bree kung kaya ay hindi na naging mahirap ang trabaho ko, lalo na’t kung aalis pala kami. Hindi ko rin lang ineexpect na kahit pala may ganito na sila—mayaman na sila ay marunong naman sila ng ilang gawaing bagay. Tinuruan din kung paano maging independent sa buhay.

“Mall ata, bibili ng mga pagkain for prices tomorrow sa mga bata. Nasabi ko na ba sayo na mags-speaker ka?” Napalunok ako dahil sa sinabi ni Bree. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya dahil kahit paano ay aligned ito sa tunay na course ko, magsasalita sa unahan. Pero ang ikinakakaba ko ay kung paano ako magsasalita sa harap ng mga bata, malamang sa malamang ay hindi pa iyon mga teenager.

“Sure na ba ‘yan? Si Kendric? Ayaw ba niya?” tanong ko ngunit hindi na siya binalingan ng tingin.

“Well Kendric is assigned sa photo taking, saka sa needs ng mga childrens, why? You still nervous about that?” aniya. Iniwasan kong ipakita ang pagkakakunot ng noo ko kaya yumuko na lamang ako, nagpapanggap na inaayos pa ang mga laman sa box kahit okay na okay naman na ito. Still nervous.

“Just…be yourself when you talk, k? Mabait naman ang mga bata there, love ka na nga nila eh, kaso huwag ka lang masiyadong mag-english. Hindi pa lahat ng bata roon ay maalam na sa language na ‘yon.” Hinawakan ni Bree ang kamay ko at hinimas-himas pa ito, tila pinapakalma ang kaluluwa ko. Dahil sa sinabi niya ay mukhang nakahinga ata ako ng maluwag, ‘yon lang naman ang kailangan kong abiso eh. Huwag masiyadong mag-english.

“Be ready na, nasa baba na raw si Theo at Kendric mo,” aniya at kumindat pa talaga nang banggitin niya ang pangalan ni Kendric. Grabeng suporta naman talaga ni Bree, kaya ata hulog na hulog na.

Hindi na ako nagsayang ng oras sa kapipili ng damit. Isang pants na lang na basta ko hinugot kung saan, isang fitted shirt at binagayan ko ng 1-inch na sandals niya. Lahat ba talaga ng sapatos ni Matilda ay may taking? Jusme.

“Hi, wala pa si ate?” tanong ko kay Kendric nang makababa na ako. Siya lang ang naabutan ko sa sala eh. Umiling siya at bahagyang humalik sa gilid ng sintido ko na siyang ikinatuod ko sa aking kinatatayuan. Shet! Mukhang may something talaga, hindi lang siguro talaga sila ganito sa public.

“Hey? Did I offend you?” tanong ni Kendric nang mapansin ang pananahimik ko. Sumulyap ako sa kaniya ngunit kaagad din nag-iwas ng tingin ng makita ang nakaaakit niyang mga mata, shet lang bhe, kalma.

“Ah h-hindi, hindi naman, hindi lang ako sanay,” nautal pa ako nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Nambibigla ba naman, wala man lang pasabi.

“I’m sorry, I shouldn’t have done that,” aniya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako, minsan kasi ay sweet siya, pero mas madalas na masungit siya. Kagaya na lang noong nakabanggaan ko siya. Ganito pala ang love life? Mas kumplikado at mahirap intindihin kaysa sa mga subjects.

Sasagot pa sana ako ng biglang lumabas mula sa kusina si Theo at may dala nang pitsel na mukhang ang laman ay juice, feel at home ha.

“Hoy kayo! Isusumbong ko kayo, naglalandian na naman kayo,” aniya at nagsalin pa ng juice sa panibagong baso bago ito iabot kay Kendric na hindi naman nito kinuha. Inalok pa ako nito ngunit inirapan ko lamang ito kaya siya na lang din ang uminom ng juice niya, tutal feel at home naman siya.

“Subukan mong magsumbong, you know what will happen,” mataray na saad ni Bree kay Theo. Tumayo na kami ni Kendric at sumunod kay Bree na papalabas ng mansiyon, hindi na namin inintindi si Theo dahil malaki naman na siya, kaya niya na ang sarili niya. Mukhang balak pa niya atang magtagal sa loob para maubos ang isang pitsel na juice niya. Sana makaramdam siya ng ihi sa mall at hindi siya makahanap ng cr.

Whatever I’ll choose at the end of the month, all of the memories I’ve got in Matilda’s life or in my own life as Art, I’ll definitely cherish every moment of it. I know what I should do, I know what my heart finally desire.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon