KABANATA 15: CALM
Simula kagabi hanggang ngayon ay patuloy akong nilalamon ng isip ko. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na isipin ang mga bagay na posibleng mangyari sa gagawin ko. Hindi naman siguro ako kaagad hahanapin sa bahay nila Matilda kung aalis man ako, magpapaalam na lang ako sa ate niya, kay Bree. Gusto kong makausap si lola, gusto ko siyang puntahan.
“Class dismiss,” aniya ng boses sa unahan na naging dahilan upang tunghayan ko ang nagsalita sa harapan. Napa-iling na lamang ako sa sarili dahil sa patuloy na paglalayag ng aking isipan sa kung saan.
I didn’t even notice that the session—all of my subjects for today is now finish. There’s no hindrance now, I can now fully estimate the time of my arrival at lola’s house. Gustuhin ko man din na magtagal sa bahay ni lola ay mukhang hindi naman kakayanin, byahe pa lang tatlong oras na.
Magiging anim na oras dahil balikan, kung tatantiyahin ay mga walong oras ang gugugulin ko sa byahe, kasama na ang mga patigil-tigil na kung ano pa man sa daan. Magc-commute lang ako, kaya dapat ay may maabutan pa ako na biyahe. Hindi naman ako marunong mag-drive ng kotse, buti sana kung may motor rito. Mas mapadadali sana ang pagbiyahe ko kung sakali.
Napatingin ako sa suot-suot kong relo at ganoon na lamang ang ginhawang naramdaman ko nang makitang alas dos y media pa lang, paniguradong bago mag-alas onse ng gabi ay nandiyan naman na ako, mukhang wala naman curfew si Matilda. Dahil wala rin naman halos palagi ang mga magulang nila sa bahay, kaya paniguradong walang maghahanap.
“Ay! Gago mo!” biglaang sigaw ko dahil sa gulat. Nagkandahulog-hulog pa ang gamit na dala ko dahil sa nakabunggo ko. Hindi ko muna ito pinagtuunan ng pansin bagkus ay isinalansan ko na kaagad ng mabilisan ang mga gamit na nahulog sa lapag at nilagay kaagad ito sa hand bag. Paano ba naman kasi, wala akong mahanap na back pack sa kuwarto niya, kung meron man ay puro pang-camping, kahiya.
“Gago me?” saad ng kung sinong nakabangga sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin at ganoon na lamang ang pagbilis ng tibok ng aking puso, hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa galit.
Ako lang ba ang pangit sa mundo at ang pogi pa rin nito kahit mukhang gago?
“Oo, gago u,” pagpatol ko naman dito at astang aalis na nang pigilan ako nito sa pamamagitan nang paghawak nito sa aking kanang palapulsuhan.
Ganoon na lamang ang pagsalubungan ng aking kilay at kaagad na ibinaling sa kaniya ang nanlilisik kong mga mata na naging dahilan upang bitiwan niya ako. Tumikhim pa talaga ang loko bago magsalita.
“I didn’t introduce myself to you a while ago, I am Bo Ca—,” hindi na nito natapos pa ang sunod na sasabihin nang inangat ko ang kanang kamay ko kung saan nandoon nakasukbit ang dapat na hand bag ni Matilda. Shet lang talaga, nawala ang elegance, dapat bitbit ito eh, kaso hassle.
“Bakit ka nagpapakilala? Para malaman mo kung sino ako? Tapos getting to know each other na tayo, paiikutin mo na ako sa palad mo, na parang ganito?” aniko habang ikinukumpas ang kamay na para bang naghahalo. “Tapos liligawan mo ako, dahil ako naman si tanga, sasagutin kita, tapos kapag nahulog na ako nang tuluyan sayo, paasahin mo na ako?” dugtong ko habang dinuduro siya. “Hindi uubra sa akin ‘yang style mo, tse,” aniko at sinamaan siya nang tingin.
Nakita ko pa ang bahagyang pag-awang ng kaniyang labi dahil sa aking mga sinabi, subalit kalaunan ay kaagad dumaloy sa kaniyang labi ang napakapangit ng ngisi, shet, pogi—I mean pangit. Ay wait, ngisi lang ang pangit ha, hindi ang mukha, hehe.
Tila namamangha ang lalaki sa mga pinaggagawa ko, ni hindi ko nga kilala ito. Pangalawang beses ko na siya nakita, at sa wakas naalala ko na siya, siya iyong andoon sa tapat ng bahay nila Theo, langya.
“You know wh—,” hindi na naman nito natapos ang sasabihin dahil pinigilan ko siya. Umiling ako kasabay ng paggalaw ng aking hintuturo na tila umiiling din.
“Huwag mo akong ma-you know, you know riyan!” singhal ko rito. “Hindi nga kita kilala, tapos kakausapin mo ako,” aniko. Ewan ko, pinagiinit ng lalaking ito ang dugo ko, kung hindi nga lang ata magandang lalaki ito ay kanina ko pa ito binigwasan.
“Kaya nga ako nagpapakilala, okay?” sagot niya sa isang malumanay na paraan, nahiya naman ako sa inasta ko, pasigaw. Ganoon na lamang din ang pagbaling nang tingin ko sa paligid at napansin ko na nakakukuha na pala kami ng atensiyon. Kasama na roon sina Bree, Theo, at Kendric na nasa cafeteria na mukhang kanina pa pala sa amin nakatingin. Napayuko na lamang ako ng aking mapansin ang nanlilisik na tingin ni Kendric. Shet, hindi mapantayan ang tingin ko.
“I am Bo Callum Quiambao, you can call me Calm by the way,” aniya habang napapalitan ang kanina ngisi niya ng mas poging ngiti. Marunong naman palang ngumiti, ngingisi-ngisi pa, ano siya aso? “I saw you sa isang subject kanina, kaklase kita. Well, I don’t think you even notice me. Your eyes are kinda in a journey huh? Buti hindi ka nahuli ni Sir,” pagtatapos niya.
Dahil sa kaniyang sinabi ay pinakatitigan ko siya ng mariin. Ang kaninang nanlilisik na mga mata ay nawala, ang nakabusangot kong mukha ay kumalma. Mas nakita ko nang maayos ang kaniyang mukha sa ganitong anggulo. Malinis ang pagkakagupit ng kaniyang buhok at maliban sa iilang hibla na nasa kaniyang mukha ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng kaniyang wangis. Ngayon ko lang din napansin ang may-cut na kilay niya sa kaliwang bahagi. Kina-cool kid niya ba ‘yan?
“Miss, quit staring at me,” aniya sa mababang boses ngunit nandiyan na naman ang nakaiinis na ngisi niya. Bigyan ko kaya ito ng face mask para maitago niya ang bibig niya?
“Bakit kaklase kita? Ano bang course mo?” Imbis na pagtuunan nang pansin ang sinabi niya ay inilihis ko ang usapan. Hindi ko nga alam kung bakit inaaksaya ko pa ang oras ko sa pakikipag-usap dito, ang alam ko ay may pupuntahan ako. Shet, oo nga pala.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata at ganoon na lamang ang pagpihit ko patalikod pagkatapos kong makita ang oras sa relo ko. Kinse minutos ang itinagal naming sa hallway para mag-usap, jusme. Alas-tres na ata o mahigit pa ako makakaalis. Sapo ko ang aking noo habang naglalakad papaalis doon, ni hindi ko na nga marinig pa ang mga salitang huli niyang sinabi.
“See you when I see you!” sigaw ko na lamang habang papunta sa lamesa kung nasaan sila Bree. Ang bastos ng ginawa ko, pero wala na akong oras, may quiz pa bukas si Matilda, paano na lang kapag alas onse nga ako naka-uwi? Jusko.
“Who’s that?” tanong ni Bree, pero si Kendric ang naghihintay ng sagot. Hindi ko na inusisa pa kung bakit siya nagtanong ng ganoon, obvious naman na kanina pa sila nanonood sa amin ng lalaki na iyon na mag-usap. Isa pa itong lalaki na ito, kaunti na lang talaga at iisipin ko na may gusto ito sa akin—I mean kay Matilda. Pero, ako si Matilda ngayon.
“May pupuntahan ako ate, text na lang kita,” aniko kasabay nang pagtapik ko sa balikat niya. Hindi ko na narinig pa ang sagot niya dahil nagsimula na akong lumabas ng paaralan. Kung mamalasin ka nga naman ay wala pang dumaraan na taxi, shet talaga. Kasalanan ito ng Calm na iyon, hindi siya nakakakalma.
“Hey wait, where are you going?” Bigla ko na lamang namalayan na nasa harap ko na pala si Kendric. Tumingin ako sa kaniya at saktong nahagip ng aking mga mata ang kaniya. Totoo ba itong nakikita ko? Nag-aalala siya? O baka ilusyonada ang peg ko ngayon?
“Ahh…ano kasi,” hindi ko makapa ang mga salitang dapat na lumabas sa bibig ko, hindi ko makuha ang dapat na sabihin. Naubusan na ata ako ng ia-alibi, shet.
“Bye!” Save by taxi, thanks. Iyon na lamang ang nasabi ko sa kaniya at kaagad na akong sumakay sa taxi na tumigil malapit sa akin.
Saka ko na iintindihin ang mga naganap sa araw na ito, ngayon ay si lola muna ang pupuntahan at iisipin ko.
“Kuya, sa terminal po,” saad ko sa taxi driver bago ako tuluyang dalhin na naman kung saang ibayo ng isip ko.
✓
Do not plagiarize.
-BCG-
All rights reserved 2024.
BINABASA MO ANG
Concealed Beauty
Teen FictionHindi maganda. Iyan ang salita na palagian niya kung sambitin sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin. Wala raw espesyal sa kaniya, maliban sa kaniyang mga mata na tinataglay ang bughaw na kulay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang pagtingala ni...