12

0 0 0
                                    

KABANATA 12: OVERNIGHT

Panibagong araw sa katawan ni Matilda, o kung tutuusin ay sa katawan ko. May mga bagay na gusto akong linawin, kahit alam ko naman ang sagot, gusto ko pa rin itanong. Gusto kong puntahan si lola, sila mama at papa, pero hindi ko alam kung paano. Siguro ay magpapaalam ako, para lang makaalis dito. Gusto kong makita sila, kahit na wala pa naman akong isang linggo rito.

Napatingin ako sa salamin at hindi ko maiwasan na maipinta ang ngiti sa mga labi. Ganito pala ang pakiramdam na maging si Matilda. Ang ganda niya, ni wala siyang namumuong mga muta o hindi kaaya-ayang mga bagay sa mukha. Kagigising pa lang niyan ha, at pak na pak naman na talaga.

Kaagad akong nag-ayos at naligo. Natatawa na nga lamang ako sa sarili dahil inisa-isa ko pa ang mga bote sa cr. Inamoy, tinetesting, hindi ko kasi alam kung saan ang mga iyon, pero lahat ay mabango.

“Ibibigay pala ito sa orphanage, pero ang aayos pa,” ani ko. Hindi ko rin naman masisisi si Matilda kung para sa kaniya ay hindi na maganda ang mga damit na ito, pero kung tutuusin ay maayos pa. Ganoon siguro talaga kapag may pera, pero at least, napupunta sa maganda ang mga pinaglumaan na niya.

Imbis na sa box sa ibaba ako maghanap ng damit niya para sa araw na ito, ay alam ko na ngayon kung saan maghahanap. Sa walk-in-closet niya. Tatlong oras ang byahe papunta kala lola kaya ngayon palang ay nag-aasikaso na ako, hindi rin naman maganda na gabihin ako sa pag-uwi. Tutal linggo naman.

Kaagad kong sinuyod ng aking mga mata ang lugar na ito. It’s exquisite, it is like a mall for me, it is very radiant, all of the dresses, shirts, pants, everything I imagined is all here. I feel like I’m in a paradise, my dream just literally came true. Hindi ko pa rin maiwasan na hangaan siya nang paulit-ulit sa mga oras na ito, hindi lang siya maganda, matalino, kahali-halina, taray, big word. Nasa kaniya na ang lahat, isang pulgada na lang ata ang layo sa salitang perpekto.

Ang mga damit niya ay nakasalansan ng maayos, hindi masakit sa mata ang mga kulay, hindi gaanoong katitingkad. Mga pastel nga ata halos lahat, idagdag mo pa ang kabuuang kulay ng walk-in-closet niya, kulay lila na may halong kayumanggi. Mas malaki ngang talaga sa kuwarto ko ito.

Hindi ko alam kung ilang oras ako rito nagtagal, palibhasa kasi ay maraming damit ang pamimilian kaya mahihirapan talaga akong mamili kung ano ang isusuot. Hindi naman ako ganito dati eh, siguro kasi wala naman akong masiyadong damit kaya hindi na ako mahihirapan pa. Pero ngayon, ibang-iba, balak ko lang naman pumunta kay lola, pero nahihirapan ako sa susuotin ko. Noong nakaraan naman ay jeans saka t-shirt lang ay oks na, hayst.

Gusto ko sanang mag-dress, pero ang mga nandito ay puro above the knee, wala namang okasyon. Kaya sa huli, ang napili ko na lang ay isang white na longsleeve na tinernuhan ko sa loob ng puti rin na manipis na t-shirt. Gusto ko sanang magpantalon kaso mukha na akong pupunta sa opisina sa mga estilo ng pantalon niya na pabuka ang ibaba, kaya napilitan na lamang ako mag-short. Pedal na nga ata ito, umabot malapit sa may tuhod. Sage green kasi ang kulay, kaya nasiyahan ako, haha. Sa sapatos naman ay iyong puti na lang na medyo mataas, wala kasi siyang sneakers, puro heels na ito.

Pagkalabas sa walk-in-closet ay tiningnan ko ang sarili sa salamin, napangiwi ako dahil mukhang hindi ito ang taste ni Matilda sa damit, I mean hindi talaga ito. Maayos naman ang damit pero mas paniguradong maganda ang mga ternuhan ni Matilda kapag siya ang naghanda. Kinuha ko na lang din ang isang kulay krema na messenger bag ni Matilda na tama lang ang laki, para sa tubig ko, payong o ano pa man. Hindi ako sanay sa iba niyang bag na maliliit.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko, ang mahabang buhok ni Matilda ay bigla na lamang may kumatok, kaya dali-dali kong tinapos ang ginagawa.

Kaagad kong binuksan ang pinto pagkatapos kong masuklayan ng tuluyan ang aking buhok. Gusto ko sanang ipusod kaso lang ay straight ang buhok niya, kakahiya sa pina-rebond niya.

Bumungad sa akin ang nakangiwing mukha ni Bree habang pinapasadahan ako ng tingin, tila hindi kumbinsido sa suot kong damit.

“Really? Saan ka pupunta?” aniya na siyang ikinalunok ko. Tumingin pa ako sa ibaba, sa may paanan ko, nagbabakasakaling kapag tumingin ako roon ay makakukuha ako ng sagot. “Ano kasi, magpa—,” hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay itinaas na kaagad ni Bree ang kanan niyang kamay malapit sa aking mukha, nais akong patigilin sa pagsasalitang ginagawa ko.

“Did you forget it? Pupunta tayo kina Theo, overnight, magdala ka ng damit,” aniya. Alam kong gusto pa nitong magkomento sa susuotin ko pero umiling-iling na lang ito sa akin. Nadidismaya sa suot-suot ko.

“Hindi ba linggo ngayon? May pasok tayo bukas,” ani ko. Mahihirapan kami kung sakali, dahil kung mago-overnight ay hindi ko maaaral ang mga lessons ni Matilda. Mahihirapan ako, panigurado.

“Hindi ka ba nagc-check ng calendar mo? It’s Saturday, Friday kahapon, family dinner natin. Linggo bukas, so it’s very fine if we’ll gonna stay with Theo.” Tumango-tango ako sa sinabi niya, aalis na sana siya sa pinto ng aking kuwarto at balak na itong isara nang pigilan ko siya, na naging sanhi para hindi niya tuluyang maisara ang pinto.

Pumikit-pikit pa muna ako bago ko kalmahin ang sarili, mukhang napipikon na sa akin si Bree.

“Uhmm, sino si T-theo?” maliit ang boses na tanong ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Bree at mariin akong pinakatitigan, hindi ko alam ang gagawin ko, ibinaling ko sa sahig ang paningin ko.

“Really? Gunner Theo Jimenez, doesn’t ring a bell? Pinsan natin,” aniya. Muli ay tumango-tango ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. May pinsan ng apala sila, pero hindi ko alam ang pangalan, ano ba ‘yan.

“Sige, I’ll get ready lang,” napangiwi ako sa sariling sagot, conyo ka na ate girl?

“Are you okay? Mag-ready ka na, magdala ka ng damit, if you have any problem, you know you can talk to me, Maine,” aniya bago tuluyang lisanin ang kuwarto ko.

Nagdala lang ako ng isang pantulog, tank top na kulay pastel pink, at isang at isang straight fit maong pantalon. Nagdala rin ako ng cardigan, dahil hindi talaga ako nagsusuot ng tank top.  Paniguradong may mga tuwalya naman doon kaya hindi na ako naghanap pa sa kuwarto kung meron ba.

Muli ko rin nakita ang Ever Bilena na lipstick sa lamesita ni Matilda, kinuha ko iyon at isinilid sa bag.

Lakad-takbo ang ginawa ko maabot ko lamang ang garahe, mukhang kanina pa kasi naghihintay ito sa akin. Ngayon ko lang napansin ang kabuuang suot ni Bree. Naka pink wrap skirt siya na tinernuhan niya ng blusa na kulay lila na mayroong puff sleeve, isang simpleng laced booties lang din ang suot niya. Paniguradong mukhang simple iyon sa iba, pero para sa akin ay sobra na iyon. Mago-overnight lang naman, nahiya tuloy ako sa suot ko.

“Let’s go, paniguradong andoon na ang Kendric mo,” aniya kasabay ng kaniyang mahinang paghagikhik. Hindi ko na pinansin ang naging komento niya, pero alam kong pinamulahan ako ng mukha dahil sa kaniyang sinabi. Ngayon pa lang ata gumanda ang mood ko.

Next time na lang ako bibisita sayo lola, hehe, minsan ko lang makasama si Kendric, siya naman muna.

Do not plagiarize.
                                                 
-BCG-
All rights reserved 2024.
                             

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon