1

2 2 0
                                    

Grammatical and typographical errors are all over this story. I'm not a perfect writer, so expect nothing. Nevertheless, this story has a deep meaning. I needed this story for my own growth and I hope that you, who is reading this right now, may find peace and clarity in this story. Aside from the fact that this is not a horror story, I wish that you will give your spare time in reading this. It is a teen fiction story by the way, with a hint of romance and fantasy. I hope you will enjoy this story, my steffers! Don't forget to vote and leave a comment. *winks*

- B C G

KABANATA 1: LIKE HER

Takbo rito, takbo roon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang patuloy na inaakit ng asul na kalangitan ang aking mga mata na kagaya nito-asul rin ang kulay.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng sa hindi inaasahan ay matalisod ako, dahil sa batong nakaharang sa aking harapan. Hindi ko namalayan na matutumba na pala ako dahil sa katitingin ko sa napakagandang tanawin.

Napapikit na lamang ako at hinihintay na lamang ang aking pagbagsak ng sa isang iglap ay hindi ito mangyari. Imbis na humalik ang aking katawan sa damuhan, ay natagpuan ko ang aking sarili sa bisig ng isang lalaki.

Hindi ko maipinta ang mukha niya sa aking isipan, kaharap ko man ang makisig na lalaking ito ay hindi ko mawari kung bakit hindi malinaw sa akin ang mukha ng lalaki. Isa lamang ang tanging nasisiguro ko, kakaiba ang pagtibok ng aking puso sa mga oras na ito. Nag-uunahan, animo'y may tinatakbuhan.

"My words are not enough to describe how lovely you are right now," he said as he carefully landed a kiss into my forehead.

Hindi ko maiwasan ang mapapikit upang damhin ang dulo ng kaniyang labi na dumikit sa aking balat. Napakagaan. Tila ba ng dahil sa isang halik na iyon ay nawala ang aking mga pangamba, ang aking mga agam-agam.

Bago ko pa man tuluyang imulat ang aking mga mata at matugunan ang kaniyang mga winika, ay may kung sino ng nilalang ang nagsalita. Nasisiguro ko na malapit lamang ang taong ito sa akin dahil sa lakas ng boses nito.

"Sirain na lang kaya natin ang pinto?"

"Don't you have any other ideas? Baka mukha naman natin ang masira pagkatapos."

Bago ko pa man marinig ang mga susunod na salita na lalabas sa kanilang mga bibig ay saka ko lamang tuluyang iminulat ang aking mga mata. Napakurap-kurap pa ako, ngunit kalaunan ay nabuo na ang busangot sa aking mukha.

Pambihira naman oh! Ngayon ko pa talaga nakuhang managinip ng husto kung kailan may exam ako. Anak ng, tsk. Pero ayos lang, at least kasama na naman ang lalaking iyon sa panaginip ko, hindi nga lang kita ang mukha niya. Paniguradong pogi 'yon, pogi ang boses eh, hehe.

"Anong ginagawa ninyong dalawa riyan, aber?" Isinarado ko ang pinto ng aking kuwarto at lumabas bago ko tuluyang harapin ang dalawang makulit na ito sa harap ko.

"Kakain na raw kasi ate, hehe," saad ni Kenji habang pakamot-kamot pa sa kaniyang batok.

Wala talaga akong maaasahang sagot sa kapatid kong ito, kung kaya ay tumingin ako sa kakambal niya. Paniguradong kay Keanu ko makukuha ang konkreto at tumpak na sagot.

"Magpapahatid daw siya sayo ate eh, madadaanan mo raw ang pagbibilhan niya ng bulaklak." Tumango ako sa kapatid bago ko inakbayan ang kambal upang sabay-sabay na kaming kumain.

"Ang bilis talaga ng panahon, dati umiihi ka pa sa kama tapos ngayon ay bibili ka na ng bulaklak para sa iniibig mo, mami-miss kayo ni ate," ani ko. Grabeng tatangkad ng mga totoy na 'to, oo. Dati ay hindi man lang sila umabot sa balikat ko tapos ngayon, hayst. Hindi naman ako pandak, 5'6 kaya ako.

Inirapan ako ni Keanu habang si Kenji naman ay niyakap lamang ako at hinalikan sa pisngi. Ito ang gusto ko sa mga kapatid ko, kahit malalaki na at mukhang mga tigasin ay mahal na mahal ako.

"Ano anak, kumusta? Nanaginip ka na naman ba? Umasa ka na naman 'no?" bago ko pa man matapos ang pag-inom ko sa aking tasa ay may nagsalita na naman. Tinitigan ko lamang ito, bago nagpatuloy sa pagkain.

"Apollo tumigil-tigil ka, bitin ata ang panaginip ng dalaga natin, hindi ata nakahalik," aniya upang magsimula ang pag-ugong ng tawanan sa paligid. Kahit kailan talaga. I will have a serious moment with this family.

Anyway, meet my family. Apollo and Lizette Vergara. The not-so-old and not-so-young parents of us. Of course, the twins-Kenji and Keanu. Hindi ko nga alam kung paano kami nasama sa pamilyang ito ni Keanu dahil kahit ganito kami ay bibihira magseryoso ang tatlong ito. Ang
mahalaga ay palagi kaming masaya, ako lang talaga ang iyakin sa pamilya.

Bago ko pa man ma i-voice out ang mga inner monologues ko ay may ipinakita sa amin ni Keanu ang bitbit niyang magasin. Pabalat pa lang ay alam ko na kung ano ang laman ng mga ito, and as usual ay pinalibutan na siya ng buong pamilya Vergara, including me.

"Ang ganda talaga niya, pati ang postura, pak," unang komento ni mama habang ginagaya pa angposing ng modelo na nakikita nila sa magasin.

"Mala anghel ang mukha ng dalaga," sinangayunan naman ni papa ang sinabi ni mama habang tumataas-taas pa ang kaniyang mga kilay.

"Hindi na naman maka-relate si ate, hindi kasi mukhang anghel eh." Sinamaan ko na lamang ng tingin si Kenji at hindi n asana pagtutuunan ng pansin ang kaniyang sinabi. Ang kaso ay may sinabi pa si Keanu mas lalong nagpasama ng umaga ko.

"What do you mean? If ate Art does not look like an Angel, then is she a Devil?" Imbis na si Keanu ang ambahan ng suntok ay si Kenji ang binatukan ko. Minsan talaga ay pagsasabihan ko na si Keanu sa pagiging lutang nito. Ang talinong bata, lagi namang lutang.


Hindi alam ng mga magulang ko kung matatawa ba sila o malulungkot sa lagay ko. It is not really a big deal to me. It is a normal joke between a family, no harmful words or what. Still, I can't just avoid the fact that I am starting to compare myself once again to someone.

Ang hirap pala talagang sabihin na confident ka, pero deep inside hindi naman talaga. As I look at the magazine longer than usual, I started to feel my eyes heating. Art hindi puwede, bawal sa labas,
sa kuwarto ka lang puwede mag-breakdown. Pinakalma ko ang sarili ko upang hindi gumawa ng kung anong eksena habang nagkakasiyahan ang pamilya.

I am Art. Ann-Margret Bliss Carlotta Leona Vergara. The confident, independent and a strong lady, as what they see, but deep inside, I am not. I am broken. Like a mirror that had been shattered into pieces. They say, I am strong like an iron, like a metal, but in reality, I'm really a piece of a thin paper. A paper that can be broken into pieces, and can be thrown right away, after using.

I always tend to compare myself to someone, I do not know why. Basta sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi maiaalis sa akin ang ikumpara ang sarili sa iba. I am not enough. I am not the best,
not even better.

Matilda Brienne Jimenez. That is the women in the magazine. She's pretty, I mean more than pretty. Maganda siya, sobra. The women I adored and looked up to. Gusto kong maging kagaya niya. I want to be like her, I wish to be like her.

What can I do to be like her?

Do not plagiarize.

-BCG-
All rights reserved 2024.

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon