KABANATA 3: MALAS BA O SUWERTE?
Hay buhay. Kahit ano talaga ang pilit natin na iplano ang pangaraw-araw natin na gawain ay tila yata hindi pa rin aayon sa kagustuhan natin ang lahat. Minsan, kahit anong pilit natin sa isang bagay na mangyari ay hindi pa rin ito maisasakatuparan. Kapag hindi para sa atin, hindi ‘yan sa atin ibibigay. Ang tanging alam ko lang, kapag ang isang bagay ay hindi ibinigay, ibig sabihin ay inilalaan tayo nito sa mas kapanapanabik na mga kaganapan.
“Ikaw naman kasi Alana, nagkakagusto ka sa taong hindi ka-type, ayan tuloy, natatamaan ako,” komento ko kaagad ng aking mapagtanto na masiyado na naman akong kinakain ng pagbabasa ko.
I sometimes wonder, why does most people intend to like someone that will never like them back? Why do people look for a person that will never give back the love they have provided? Just like me, I like him, but I am not sure if he has the same feeling for me. Siguro ganoon talaga ang mga tao, naniniwalang mamahalin pa rin ng taong mga minamahal nila kahit masakit na.
I do believe in love, but I do not know if I’m capable of receiving something like that. Siguro, kaya ko pang i-handle kapag ginagawa, pero kapag sasabihin na, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Ganito talaga ata ang mangyayari kapag ang pamilyang kinagisnan mo ay act of service ang love language at hindi words of affirmation, hayst.
“Arghhhh! Kasalan mo ito, Alana!” sigaw ko. Bago ko pa man maitikum ang bibig ko at isipin ang mga dapat na gawain bago magsalita, ay hindi naman nakisama ang katawan ko. Nasabi ko na ang mga salitang dapat ay nanatili lamang sa aking isipin. How lucky I am to be embarrassed like this? Gusto ko lang naman magbasa, jusme.
“Ms.” hindi naituloy ng librarian ang kaniyang dapat sabihin dahil hindi niya alam ang pangalan ko. Kung kaya ay inangat niya muna ang kaniyang salamin at idineretso ang tingin sa aking ID, bago ako tuluyang tingnan sa mga mata. “Ms. Vergara, this is your third warning, nawili ka atang kausapin ang iyong sarili maging ang librong hawak mo. You are banned in this library for two weeks, pasalamat ka at mabait ako ngayon.” Saad ng librarian bago ako tawagin upang isauli tuluyan ko nang maisauli ang librong hawak ko.
Imbis na magkomento ay hindi ko na ito ginawa, mas mapahahaba pa ang usapan. Kasalanan ito lahat ni Alana.
Narinig ko pa ang ilang mga bulungan at hagikhigikan sa paligid, tila ata ay ikinatuwa pa nila ang nangyari sa akin. Nakabusangot ang aking mukha habang papalapit ako sa pintuan ng library. Bago tuluyang lumabas ay dumaan pa sa aking tenga ang mga pagsaway ng librarian sa mga estudyante, dahil gumagawa na ang mga ito ng ingay.
“Kung minamalas ka nga naman. Sabi ko naman kasi sayo Art, iwan sa bahay ang katangahan, jusko.” Naidala ko ang aking kaliwang kamay sa aking buhok, dala ng matinding pagkayamot. Habang ang aking kanang kamay naman ay hawak-hawak ang mga gamit ko na hindi ko ata maayos na nailagay sa bag ko.
Imbis na magpatuloy sa paglalakad patungo sa canteen ay tumigil muna ako sandali. Kinuha ko ang backpack na siyang nakasukbit sa likuran ko at saka inilagay ito sa harap ko, upang sa gayon ay maisalansan ko ang mga gamit ko rito nang maayos. Mahirap na at baka may mawala pa rito. Hindi pa naman ako pupuwede sa library ng dalawang linggo. Paano na ako nito? Paano na ang mga assignments ko? Jusko. Hinga Art, hinga.
Malapit na sana akong matapos sa pagsasalansan ng aking mga gamit ng sa isang iglap, ay may kung anong bumangga sa akin na siyang nagdulot upang ang laman ng aking bag ay tumilapon.
Sa mga oras na ito ay tinikom ko ang aking bibig, at hindi na pinagtuunan pa ng pansin ang kung sino mang bampira ang bumangga sa akin. Napipikon ako, ayaw kong makasakit ng damdamin. Masiyado na akong minamalas sa mga oras na ito, ayaw kong manapak.
“Miss, I’m sorry, let me help you,” bago pa tuluyang makapantay ang bampirang ito sa ayos ko ay dali-dali ko nang kinuha ko ang mga gamit na nagkalat, at kaagd itong nilagay sa bag ko.
“Sa susunod kasi, matutong tumingin sa dinaraanan. Hindi mo pagmamay-ari ang hallway, tss.” Naiiritang saad ko sa nakabangga sa akin.
Inangat ko ang aking tingin sa bampirang ito at alam kong sa pag-angat ko ng tingin na iyon ay biglang nagbago ang hitsura ko. Ang kaninang nakabusangot at hindi maipintang mukha ko ay tila umaliwalas. Nawala ang salitang malas na kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi, bagkus ay napalitan ito ng salitang ‘suwerte’.
“I’m really sorry, I didn’t mean to bump you, it's just that—,” bago pa man nito matapos ang kaniyang sasabihin ay napalingon na ito sa aking likuran. Dahil sa kaniyang ginawa ay napatingon din ako dito, at bago ko pa man makita ang kaniyang tinitingnan ay narinig ko na ang mabilis na pag-alis nito. Hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang mahinang pagtagansik nito.
I cannot really process the whole thing that’s happening right now. I just accidentally got bumped by my ultimate crush since high school, and just. I can’t imagine, just.
“Hi, I saw Kendric stop right here, nakita ko ba kung saan siya pumunta?” tanong ng kararating lamang na si Matilda. Oo, si Matilda. Boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na. Simula nang gustuhin ko si Kendric ay naging simula na rin iyon upang idolohin ko ang mala-artistang babaeng ito. Simula rin noon ay alam ko ng silang dalawa ang gusto kong magkatuluyan, hindi na ako tututol pa roon.
Alam kong sa mga oras na ito ay nagniningning ang aking mga mata dahil sa tuwa. Nakita ko siya ng harap-harapan, napakaganda niya, napakahinhin magsalita, napakabango. Nasa kaniya na ang lahat ng napaka. Sana ay maging katulad niya ako.
Sa mga oras na ito ay walang kung anong salita ang namutawi sa aking mga labi. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na iniaangat ang aking kanang kamay patungo sa direksiyong pinuntahan ng kaniyang tinutukoy.
“Thank you, and sorry if I have to disturb you,” aniya at mabilis na inilabas ang mapuputi niyang ngipin. Tanda ng kaniyang sinseridad sa kaniyang mga sinabi. “By the way, have a great day ahead!” Mabilis nitong pahabol habang lumalakad takbo patungo sa kinaroroonan ng lalaki.
Hindi ko alam kung malas ba o suwerte ako sa mga oras na ito. Nakita ko silang dalawa, kinilig ako at natuwa. Kasabay nito ay ang pagkalungkot ko, pagkawasak ng imahinasyon ko. Hanggang sa panaginip ko nga lamang siguro makikitang minamahal din ako ng taong gusto ko. Hanggang sa panaginip ko nga lang ata makikitang ako ang iniidolo ko. Hayst.
✓
Do not plagiarize.
-BCG-
All rights reserved 2024.
BINABASA MO ANG
Concealed Beauty
Teen FictionHindi maganda. Iyan ang salita na palagian niya kung sambitin sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin. Wala raw espesyal sa kaniya, maliban sa kaniyang mga mata na tinataglay ang bughaw na kulay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang pagtingala ni...