14

1 0 0
                                    

KABANATA 14: NEW GUY

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. I do some stretching for a moment and after that I decided to close my eyes once again, pampakalma ba.

Inayos ko ang aking ginamit na higaan, kaagad din akong naligo dahil sakto naman na may mainit na tubig akong nakuha rito sa kuwarto. Hindi pa naman maganda ang epekto sa akin kapag nilamig ako kung sakali.

Muli kong iginala ang aking paningin sa paligid at tiningnan ang bawat sulok ng kuwarto, baka kasi may nakalilimutan pa ako. When I realized that all of my things are already in my messenger bag, I started to step out the room I was in and decided to go to Bree.

Ang alam ko ay katabi ko lang ang kuwarto na para sa kaniya kaya hindi na ako nagtanong sa mga kasambahay na nandito. Malinaw pa sa akin ang mga nangyari kagabi. Ganoon pala ang tipo nila sa pagsasaya, ibang-iba sa mga trip namin.

If there is an event, we would usually sing a song, play instruments, as well as board games, but things here are really different.  Rich people like them—Matilda, will play a song and dance to its rhythm, drink beers and swim all night long. That’s the difference I see between my previous life and Matilda’s, the only thing that resemble each life is the fact that we just all wanted to have fun.

Wala naman masama sa kahit na ano, sa paraan o kung ano pa man ‘yon, sadyang hindi ko maiwasan ang mag-isip at magkumpara, ang dami kasing pagkakaiba.

Kaagad tumambad sa aking dalawang mata ang kalagayan ni Bree nang buksan ko ang pintuan kung saan siya naroroon. Apat silang babae na nandito sa kuwartong ito, kasama iyong dalawang babae kahapon na humagikhik na lang bigla sa harap ako, pero ni isa sa kanila ay wala akong kilala. Mukhang sanay na sanay naman na ang mga ito kasama ang isat-isa, walang ilangan ang mga ito, para bang hindi na ito ang unang beses na ginawa nila. Halata naman.

Dalawa ang kama sa guest room na ito, sakop noong dalawang babae ang tig-isang kama, habang ang isang babae naman ay nandoon sa sofa na kung tutuusin ay puwede na rin maging kama sa laki, pero siyempre, maliit lang ‘yan kumpara sa mga kama na nandito. Habang si Bree naman ay nasa sahig ang katawan habang ang ulo ay nakahiga sa kama na nasa kaliwang bahagi. Nahaharangan din ng kaniayng buhok ang kaniyang mukha kaya hindi ko kaagad ito namukaan, liban na lamang sa damit nito na natatandaan.

Napabuntong hininga ako kasabay nang pag-iling ko, isinara ko na rin ng tuluyan ang pinto dahil mukhang walang balak ang mga ito na gumising pa. Sabagay, alas-siete pa lang naman.

I still remember what happened last night. They are all drinking holding their paper cups while I’m sitting right next to Kendric smiling from ear-to-ear. You know the feeling of satisfaction once one of your dreams—your fantasies came true. Pero habang nagsasaya kagabi ay kaagad din akong nagpaalam na matutulog na, ang natatandaan ko nga lang ay kay Kendric ko ito sinabi, dahil halos lahat ng nandoon ay nagsasaya talaga, may sariling mga mundo.

Hinatid pa nga ako ni Kendric sa kuwartong tinuluyan ko kanina at alam kong may ngiti na nakapinta sa mukha niya kagabi, bago niya ako iwan. Nakapagtataka lang ang ikinilos niya dahil hindi naman siya ganoon kay Matilda. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang sweet o maalaga kay Matilda, may gusto ba siya rito? O sadyang may tinatago lang din naman ata ito na kabutihan?

Iwinaksi ko na muna sa aking isipan ang bagay na iyon, dahil kailangan ko na talagang umuwi, aaralin ko pa ang mga lessons ni Matilda. Mahirap na bukas, paano na lang kapag wala akong naisagot? Business ang course niya, samantalang ako ay Educ, ngayon pa lang ay mukhang nahihirapan na ako.

Mukhang wala na rin naman akong maaasahan kay Bree, kaya dinala ko na lamang ang aking mga paa patungo sa unang palapag kung saan nandoon ang mga kasambahay. Sa kanila na lang ako magpapaalam.

Concealed Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon