⋆⁺₊⋆ 𝗧𝗪𝗢 ⋆⁺₊⋆

33 3 0
                                    

“Eis!” halos mapatalon ako dahil sa gulat nang biglang sumulpot si Pearl sa aking gilid.

Naglalakad kasi ako sa pathway papunta ng cr upang maghugas ng kamay dahil sa pag-drawing kanina ng utak at pagkulay nito.


“Nakakagulat ka naman!” reklamo ko.

Tumawa siya. “Eh bakit ba kasi nakatulala ka riyan? Sabay na tayo maghugas, bwisit kasi si Brix at pinahiran ako ng oil pastel sa braso ko,” reklamo niya kaya tumawa ako.

“Trip ka lagi no'n ah, baka kayo magkatuluyan niyan?” pang-aasar ko na ikinabusangot ng mukha niya.

Habang naghuhugas kami ng kamay, may pumasok na dalawang estudyante ngunit kami ay patuloy lang sa paghuhugas ng kamay.

“Narinig mo na ba ’yung balita? Si Ian daw ang pambato for art competition bukas. Nood tayo para i-cheer siya, sobrang gwapo niya,” sabi ng isang babae na kilig na kilig.

Tumili naman ang isa. “Ahhhh, go na go tayo diyan. Sana manalo ang bebeloves ko,” aniya.

Napatingin ako kay Pearl at ngayon sabay na kaming nagpipigil ng tawa dahil sa dalawang delulu na babaeng nasa gilid namin.

Nang tuluyan silang matapos at umalis na ay para kaming mga baliw ni Pearl kakatawa sa loob ng banyo.  Sa lakas nito ay napagkakamalan na kaming mga nasisiraan ng sarili ng mga estudyanteng pumapasok rito upang magbanyo.

Pagkalabas namin ng cr ay pareho kaming nakahawak sa tiyan at pulang pula ang mukha epekto ng pagkakatawa naming dalawa.

“Napakadelulu ng dalawa, akala mo ay mapapasakanila eh hindi naman. Asawa ko kaya ’yon,” natatawang sabi ni Pearl.

“Kilala mo ba ’yong tinutukoy nila?” takang tanong ko.

“Yes, siya ’yung lalaking sinabi ko sa'yo kahapon,” sagot nito.

Inalala ko ang sinabi niya kahapon ngunit napasapo ako sa noo nang may maramdamang nabangga ako ng kung anong bagay na medyo matigas.

“Are you okay?” ring kong boses ng lalaki kaya napatingala ako at napalaki na lang ang mga mata ko nang makita ang lalaking nagsauli sa akin ng libro na kasama pa nito si Brix.

Ang nakakahiya pa ay nang ma-realize kong nakahawak pa siya sa braso ko at dikit na dikit sa kaniya kaya umatras ako ng isang hakbang at tumalikod.

Nakita ko ang reaksyon ni Pearl na nakatitig lang sa aming dalawa at tila gulat na gulat sa nangyari.

Hahablutin ko na sana ang kamay ni Pearl upang umalis ngunit nagsalita ang lalaki. “Hey.”

Umikot ako upang makita siyang muli. “H-hello,” nautal ko pang sagot.

Naalala ko bigla ang nangyari sa shop kahapon at namula talaga ako ng sobra pagkaalis niya dahil sa sinabi niya.

He saw what mistake that I did. That I stalked him.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya iniwas ko ang aking tingin at sinubukang tignan ang paligid. Halos lahat ng estudyanteng nasa labas ng pathway namin ay nakatingin na pala sa amin kaya mas lalo akong nahiya at namutla.

“You look pale, what's wrong?” tanong niya.

“H-huh? Ako?” sabi ko at napahawak sa magkabilang pisngi.

Huminga muna siya bago nagsalita. “Watch tomorrow's competition in the activity center tomorrow, I'll expect you to be there,” aniya at nginitian ako.

SOLACEWhere stories live. Discover now