⋆⁺₊⋆ 𝗙𝗢𝗨𝗥 ⋆⁺₊⋆

14 2 0
                                    

Warning: This chapter contains Eishiel's experiences within her family. Brace yourself for an immersive journey, as Eishiel's story unfolds over an extended reading time.


Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Nang tignan ko ang orasan ay alas siyete pa lang ng umaga kaya naman tumayo ako at binuksan ang pinto.


“Eis, maglinis ka ng bahay ngayon. May bisitang darating bukas,” paalala ni papa.


Napatango na lamang ako kahit na sa loob ko'y medyo masama dahil doon.


Simula kasi ng bata ako, ako lang ang nakitaan niyang maaasahan sa gawaing bahay. Masyado akong masipag kaya naman iyon ang alam niya tungkol sa akin.


Ang ate ko ay hinahayaan niya lang kung anong gawin. Hindi ko alam kung bakit ngunit iba pagdating sa akin.


May mga araw na tinatanong ko ang sarili ko dahil parang wala akong karapatang magpahinga sa pamamahay na ito.


Pagkauwi ko galing eskwelahan, diretso linis ng mga kalat, hugas, saing, at paghahanda ng pagkain. Pati na rin ang pagluluto ay sa akin na napunta.


Noon, si kuya ang gumawa ng gawaing bahay at ako ay tumutulong na lamang kung sasabihin niya. Ngunit nag-iba iyon simula nang magkatrabaho si Kuya.


The hurtful is, I know they're working for me—to gave what I needed in school. My tution, money, and anything related to studies. But thinking that I am a last card on this family? It makes me pressured.


Hindi naman ganoon kataas ang sinasahod ni papa kaya naman hindi niya kami pwedeng pag-araling tatlo. Kaya simula nang maka-graduate si Kuya ay naghanap na rin ito ng trabaho para makatulong sa gastusin lalo na sa pagpapa-aral sa aming dalawa ni ate.


Pero kahit kailan, hindi ko nakita si ateng hindi nagawa ang mga gusto niyang bagay. Walang limit sa kaniya pagdating sa pagpapakasaya habang sa akin ay sa t'wing aalis ako ay may inaalala pa rin akong gawaing bahay at kailangan kong umuwi. Takot kasi akong mapagalitan at napakasensitibo kong tao.


Walang nakakaalam noon sa kanila kahit na si mama. Maayos ang relasyon namin ngunit madalang lang kaming magkita sapagkat hiwalay siya sa amin at may kinakasamang iba.


Nothing more than hurts seeing your family got separated without knowing the real reason. Hindi namin alam kung bakit naghiwalay sila ni papa at kahit kailan ay hindi namin tinanggkang tanungin.


Ate Emerie hates her but she needs to communicate with her to get support from our mother. But even they were okay, I am still the one who always reach her to ask for a money whenever we need, especially ate Emerie.


Sa akin niya inaasa at inuutos sa t'wing may kailangan siya kaya wala akong karapatang magalit kay mama kahit na gusto ko dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa amin.


Simula noong bata ako, kailanman ay hindi ako humingi ng tulong sapagkat sa t'wing gagawin ko iyon ay iniisip nilang kaya ko ito. Pero they didn't know that I was not always tough to do it alone. I also need someone to help me...


Nang makaalis na si papa ay dumiretso akong banyo upang maghilamos at magsipilyo. Matapos iyon ay itinali ko ang buhok kong hanggang beywang ng pa-pony tail saka sinumulang maglinis ng bahay.


Binuhat ko ang kaya kong buhatin at inayos iyon. Pinaliguan ko rin ang aso at pinatambay muna sa aking kwarto dahil iyon ang huli kong lilinisan.


Habang nagwawalis ay hindi maiwasang tumulo ang aking mga pawis ngunit tiniis ko iyon at nagpatuloy lang sa paglilinis.


Nagising si Ate Emerie at lumabas ng kwarto na nakikita akong nagma-mop ngunit hindi niya ako pinansin at dumiretso lang sa banyo.


SOLACEWhere stories live. Discover now