⋆⁺₊⋆ 𝗢𝗡𝗘 ⋆⁺₊⋆

91 9 1
                                    

"Calling for the attention of Ms. Eishielle Zy Devier, if you want to see me please go to the broadcasting studio."


Agad akong napabulantang nang marinig ang pamilyar na boses mula sa speaker mula rito sa library habang nagbabasa ng libro.


"Siraulo ka talaga, Valea!" inis kong sabi at tumakbo nang mabilis papuntang broadcasting studio.


Habol hininga akong huminto sa may pathway habang nakatitig sa babaeng nakatayo at nakasandal sa may pintuan at pabirong ngumiti.


"I miss you so much, Eis!" she said and ecstatically hugged me.


Niyakap ko naman siya pabalik. "I miss you too, kailan ka nakabalik?" Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo. "Siraulo ka, bakit sa microphone ka pa nagsalita, nakakahiya!" pagpapatuloy ko.


Tumawa siya. "It's because I don't know where you are that's why..."


I laughed and hug her again. I miss her so much, my friend, Valea Peneza. She is my closest friend among all- the one who I trusted the most. Funny to say but she will not be scold by everyone by doing this kind of thing because everyone knows her- even her voice.


Valea is a radiant presence at our campus, known to all for her great aura of privilege and opulence. With her cascading locks of ash brown hair and a good outfits, she commands attention wherever she goes.


As a relative of the school's owner, she embodies a lifestyle of luxury and ease, attending exclusive events and jetting off on extravagant vacations.


While my presence is a quiet reminder of a different world from her, one of modest means and hard work. Yet, despite our disparate backgrounds, Valea extends her hand in friendship to me, recognizing me as a kindred friend.


"Labas tayo, treat ko tutal uwian mo naman na," aniya.


Tumingin ako sa relo ko at inisip kung may gagawin ba ngunit dahil may oras pa namang natitira ay pumayag ako.


Pumunta kami sa isang malapit na shop kung saan ay may iba't ibang masasarap na tinapay at mayroon ding iba't ibang klase ng milktea at kape.


"Ilang beses mo na akong nililibre, baka naman isipin nila ay pineperahan lang kita," pag-aalala ko.


She rolled her eyes. "As if naman. Inggit lang 'yang mga 'yan dahil hindi ko pinapansin."


Napatawa kaming dalawa nang sabihin niya 'yon.


Pumili na kami ng makakain at nang matapos ay umuwi na rin ako kaagad dahil may nakaabang pa sa aking gawaing bahay.


"Hi baby, miss me?" masayang bati ko sa alaga naming aso na ngayon ay kumakaway kaway ang buntot.


Kumahol ito at nagpalambing kaya naman hinarot ko muna saglit bago dumiretso sa kusina ng bahay.


"Ate, anong ulam?" sigaw ko para marinig niya dahil siya ay nasa kwarto.


Lumabas siya at tinignan ako mula sa pinto. "Nandito ka na pala, mayroon diyang natirang lutong ulam, ubusin mo na," aniya bago dumiretso sa banyo.


Siya si ate Emerie. Hindi ko siya sobrang kasundo at maraming beses na nag-aaway at nagsisigawan kami ngunit kahit ganoon ay may mga beses na okay naman kami pareho at nasa kalmado na kalagayan.


Simula bata ako ay hindi na maganda ang naging samahan naming magkapatid sapagkat hindi kami nagkakasundo sa mga bagay bagay.


May isa pa akong kapatid, si kuya Raiv ngunit siya ay nasa trabaho. Simula nang magkatrabaho siya ay sa akin na nalipat ang responsibilidad nila sa gawaing bahay kaya naman ako ay nahihirapan sa tuwing pagsasabayin ko ang mga bagay bagay.


SOLACEWhere stories live. Discover now