“Congrats!” bati ni Pearl sa dalawang katabi namin habang naglalakad sa hallway palabas na ng eskwelahan.
“Thank you,” sagot naman ni Brix kaya naman siniko ito ni Pearl sa kaniyang sikmura.
Pearl glared at him. “Hindi ikaw, si Ian. Assuming ka, assistant ka lang naman,” sabi ni Pearl.
“Ouch,” - Brix
Bumuntong hininga ako. “Tama na nga ’yan, baka kayo magkatuluyan,” pang-aasar ko.
“Hindi ’no!” sabay nilang angal sa sinabi ko kaya napatawa ako.
I saw Ian's lips expanded but when he noticed that I was looking at him, his face turns into serious again.
I looked away and bite my lower lip. “Kain tayo?” tanong ko at nagtama ang aming mata ngunit inilihis ko iyon kina Pearl at kita kong lumawak ang ngiti nila.
“Libre mo? Aba, ang tagal na rin nung naranasan kong malibre,” aniya.
“Shunga! pera mo gagamitin,” pagbibiro ko at tumawa.
May pera naman na ako since nakaipon na ako dahil nakuha ko na ang allowance na bigay ni mama kahapon.
“So... tusok tusok?!” excited kong sabi at naghawak pa kami ni Pearl ng kamay at nakangiti.
“So cheap,” aniya ni Brix.
Lumapit sa kaniya si Pearl at hinampas ang batok niya. “I-try mo kasi, ’wag ka puro reklamo!”
Natawa naman ako ngunit nasagip ng mata ko si Ian at seryoso lang itong nakatitig sa akin.
“Uhm, are you eating that kind of food?” seryosong tanong ko.
Sasagot na sana ito ngunit inunahan na ni Brix. “Bro, kumain ka na. Sabayan mo ako!” pasigaw na sabi ni Brix dahil hinihila na siya ni Pearl palayo upang ’di makapalag.
“Owsss, come on,” sabi ko at kinuha ang kaniyang braso at hinatak upang maglakad.
Malapit na rin naman ang nagtitinda ng street foods kaya naman ay hindi na kami sumakay.
“What do you want? Kwek kwek, lumpia, fishball, kikiam, or squidball? Meron ding vegie balls,” tanong ko sa kaniya nang makarating na kami sa tindahan.
Napakamot siya sa buhok. “I'm not familliar with all of that except lumpia,” aniya.
Natawa kami ni Pearl sa sinabi niya, ganoon rin pala si Brix. Mga rich kid yata talaga ’tong mga ito.
“Hmm, I will recommend you this one. Kwek kwek! and also kikiam. Masarap ’yan, try it.” Inabot ko sa kaniya ang nakabasong kwek kwek at kikiam.
His face looks disgust about the food kaya naman tinusok ko iyon ng stick at diretsong sinubo sa bibig niya. Hindi siya nakaatras at nginuya niya ito habang ako ay tawa ng tawa.
“How's it? Masarap ’di ba?” I asked while he still chewing it.
Nakita kong lumaki kaunti ang mata niya ngunit alam kong ayaw niyang ipahalata. “Sakto lang,” ani nito.
We finished our cups but it still not enough for us to be full that's why we decided to go on a barbeque store to buy another food.
“What is this,” nandidiring sabi ni Brix.