“Eis, ayos ka lang?” pag-aalalang tanong ni Pearl nang mapansin niya akong kanina pa nakatulala.
I closed my notebook and placed my hand on my chin while my elbow is under the table. “Not really, Pearl. ’Wag mo muna ako kausapin, wala akong gana ngayon,” sabi ko at wala na siyang nagawa kundi huwag ng magtanong.
Wala akong gana hanggang sa mag-breaktime pero pumunta rito si Ian at pinilit akong pumunta sa cafeteria kaya sumama na lang din ako.
Wala akong ganang kumain pero pinipilit talaga ako ni Ian at pinapasandal pa ako sa balikat niya kahit na maraming tumitingin.
“Haist, ako na nga!” sabi ko at kinuha ang kutsara sa kaniya saka iritang sumubo ng pagkain.
“Grabe mood swings mo ngayon, Eis. Ano ba nangyari? Nag-away kayo?” takang tanong ni Valea.
Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pagkain. “Not now, baka hindi pa niya kayang ikwento,” Ian said.
“Okay,” aniya.
Naging tahimik ang paligid at walang nagpe-presentang magsalita dahil siguro sa akin. Ramdam nila ang enerhiya kong mukhang hindi maganda.
“Bukas na raw pala ang pictorial for graduation, congrats sa atin!!” masayang sabi ni Pearl.
“Bukas agad?!” gulat na tanong ko.
“Oo, biyernes na ngayon hindi ba?” sagot niya.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang petsa roon. Napanguso ako matapos makita iyon.
“Ga-graduate na tayo. What's your plan, M'lady?” Ian asked.
I sighed. “I don't know. Baka hindi muna ako tutuloy sa psychology. Alam mo naman ang nangyari,” malungkot kong sabi sa kaniya.
He caressed my hair. “Ako na ang bahala,” aniya.
“What do you mean na ikaw na bahala, Ian?” takang tanong ni Valea.
Tumingin sa akin si Ian dahil alam kong ayaw niyang siya ang magsabi nang nangyari.
“Fine. Wala na ako sa bahay,” walang ganang sagot ko at ’di sila tinignan.
“Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?” gulat na tanong ni Valea.
Kita rin ang gulat sa reaksyon ni Brix at Pearl.
“Ayaw ko na rin manatili roon. Alam niyong mala-impyerno...” my eyes became teary and they noticed it. “Basta, mahabang kwento.”
“Pero saan ka na nakatira ngayon? You can come to my place if ever you need,” Valea insist.
“Sa akin siya nanunuluyan,” singit ni Ian.
Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa klase at diretsong umuwi nung uwian.
Si Ian ulit ang nagluto ng kakainin namin para sa hapunan kaya ako na ang nagpresentang maghugas ng mga plato pagkatapos.
“Just call me or go to another room if ever you need something hmm?” Ian said nang makahiga na ako sa kwarto.
“Sabay tayo bukas?” tanong ko.
He give me a forehead kiss. “Of course. Goodnight,” sabi niya.