“Eh ’di umalis ka,” sabi ni Ate Emerie.
“Tama na!” sigaw ni Papa kaya wala nang niisa sa amin ang gumalaw.
Ang bigat... Ang bigat bigat ng loob ko. It feels like my body will collapse.
Pinanood nila akong pulutin ang mga gamit ko pero napatigil ako nang hawakan ni Papa ang kamay ko.
“Bakit? Papagalitan mo ako?” sabi ko kahit na masakit sa akin ang magbitiw ng salitang masasakit sa kanila lalo na kay Papa.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at tinignan sila isa isa pero pinako ko ang tingin kay Papa na nakatitig lang din sa akin.
“Papa, sabihin mo sa akin... Sabihin mo naman kung mahal mo ba ako bilang anak mo,” sabi ko na kasabay ng pamumuo ng luha sa aking mata.
“Sabihin mo Pa kasi alam mo... H-hindi ko na ramdam eh. Kasi alam mo Papa? Pakiramdan ko isa akong k-katulong rito,” pag-amin ko. “Piling ko hindi ako k-kabilang sa pamilyang ’to. Inisip ko kung napapansin mo ba Pa? O nagbubulag-bulagan ka lang?” Sa pagkakataong iyon ay tumulo na ang likido na kanina pa gustong tumulo.
“Ang drama mo,” sabi ni Kuya Raiv na ikinangiti ko ng mapait.
“Pagdating kay Kuya alagang alaga mo siya, Pa. Pinaghahandaan mo ng baon, inaayos mo ’yung gamit niya bago siya pumasok.” Natahimik sila. “Si Ate Emerie... Si Ate hinahayaan mo lang na gawin ang gusto niya samantalang ako, Pa?” Humikbi ako dahil sa sakit na nararamdaman. “Ni minsan ba inisip mo na nahihirapan a-ako?” piyok ko. “Ni minsan ba naisip niyong k-kumustahin ako?” Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit nito.
“Bakit?... Bakit hindi niyo n-naisip na apektado rin a-ako?” duro ko. “Bakit hindi niyo naisip na ako ang mas apektado ako sa pag-alis ni Mama?”
Nanatiling tahimik ang atmospera ngunit ang pakiramdam ko ay sobrang bigat na parang patong patong na bumabalik lahat nang naranasan ko.
“Walang araw mula nung umalis siya na hindi ako naging masaya. Na nangungulila ako sa alaga ng isang ina, Papa.” sumbong ko. “Napakabata ko pa lang no'n, P-Pa... G-gusto kong magalit pero anong ginawa ko? Tiniis ko para lang may communication pa rin kami kay Mama!” sigaw ko.
“Eis, A-Anak...” I cutted him.
“Sa tuwing may mga projects ako at kailangan puntahan para sa school, alam niyo anong sinasabi ko? N-na kailangan kong umuwi kasi may kailangan akong gawin. Kasi alam kong kapag hindi ko nagawa, m-magagalit kayo...” Napaupo ako sa sahig dahil sa hinang hina kong tuhod.
“Minsan iniisip ko na napaka-swerte ni Ate saka Kuya... Kasi sila malaya. Malaya silang gawin ang gusto nila s-samantalang ako? May limitasyon at hindi p'wedeng maging malaya,” sabi ko.
“Tapos ka na? Ang kapal mong sabihin ’yan sa harap ni Papa kahit grabeng sakripisyo ang binigay nila sa'yo!” Sabi ni Ate Emerie.
Napangiti ako at tumayo. “Sakripisyo? Oo, Ate. At masaya ako dahil doon. Pero Ate, hindi ko hiningi ’yon! Tinanggap ko kasi ayon lang ang paraan para makapagtapos ako! Wala akong choice!” sigaw ko. “Nakikita ko ’yung hirap at pagod niyo at pinagbubutihan kong mag-aral pero bakit?... Bakit kahit suporta at pagmamahal na hinihingi ko mula sa inyo ay hindi ko maramdaman?” iyak ko.
“Tama na,” sabi ni Papa.
“Oo Pa, tama na. Pagod na pagod na po ako, gusto ko na magpahinga...” sabi ko.